Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Balangkas o Istruktura

ng Pamahalaan ng
Pilipinas
Mga Antas ng Pamahalaan
>Ang pamahalaan ng Pilipinas ay maaaring hatiin ayon
sa kung gaano kalawak ang sakop ng pangasiwaan ng
mga namumuno. Kung ang sakop nito ay mga
lalawigan, lungsod, bayan, at barangay, ito ay nasa antas
na lokal na pamahalaan.
>Ang buong bansa naman ay nasa antas na pambansa.
Sakop ng antas na pambansang pamahalaan ang tatlong
sangay
• Ang pamahalaang lokal ayon sa itinatadhana
ng Batas Republika Blg. 7160 ay binubuo ng
mga lalawigan, lungsod, bayan, at barangay.
>Ang mga lalawigan ay nasa ilalim ng
pamumuno ng Gobernador katulong ang Bise
Gobernador .
>Ang Alkalde at Bise Alkalde ang namumuno sa
lungsod o bayan katulong ang mga empleyado na
hinirang ng alkalde.
> Ang barangay ay nasa pamumuno ng Kapitan ng
barangay.
>Ang Sangguniang Panlalawigan, Sangguniang
Panlungsod, Sangguniang Pambayan, at
Sangguniang Pambarangay ay mga sangay na
lehislatibo sa lokal na antas ng pamahalaan.
Gawain ng mga ito ang pagbuo ng mga ordinansa
para sa nasasakupan.
Ano-ano ang dalawang antas ng pamahalaan?
Ano-ano ang saklaw o sakop ng bawat antas ng
pamahalaan?
Sino-sino ang mga pinuno sa mga sinasakupan ng
bawat antas ng pamahalaan?
Panuto: Basahin at isulat ang TB kung ang pahayag ay nagsasabi
ng saklaw ng kapangyarihan ng sangay ng tagapagbatas, TG kung
tagapagpaganap, at TH naman kung tagapaghukom.

____1. Pagpapatibay ng kasunduan sa mga kasunduan ng Pilipinas


sa ibang bansa.
____2. Dinudulog ang mga kaso at legalidad ng batas.
____3. Pinamumuan ito ng pangulo at kaagapay ang kanyang
gabinete sa pagpapatupad ng mga batas at programa sa bansa.
____4. Sinusuri ang pambansang badyet.
____5. Nangunguna sa pagbibigay ng interpretasyon ng batas.
• Ayusin ang mga letra sa kahon upang malaman ang mga sagot sa
katanungan.
1. Sino ang pinuno ng lalawigan?

2. Ano ang pinakamaliit na unit ng LGU?


3. Kanino may direktang pananagutan ang mga pinuno ng lalawigan?

4. Sino ang pangulo ng Pilipinas?


5. Pinuno ng Mataas na Kapulungan
Panuto: Tukuyin kung pambansa o lokal na
antas ng pamahalaan ang may saklaw ng
sumusunod na mga sitwasyon.
1. ugnayang panlabas
2. koleksiyon ng basura
3. mga asong pagala-gala
4. pagtatayo ng mga paaralan
5. pagpapataw ng parusa sa taong nagkasala
6. kaayusan at kaligtasan ng buong bansa
7. Libreng uniporme at kagamitan sa pag-aaral
8. Maayos na daan at tulay sa mga pangunahing
lansangan sa Bansa
9. Paggawa ng ordinansa para sa ikaaayos ng iyong
barangay
10. Pangangalaga sa kapakanan ng mga mangagawa sa
loob at labas ng bansa
Panuto: Isulat ang pangalan ng mga pinunong namumuno sa bansa
batay sa dalawang antas ng pamahalaan.
Pambansang Pamahalaan Lokal na Pamahalaan

Pangulo ng Pilipinas Gobernador


_____________________________ ____________________

Ikalawang pangulo ng Pilipinas Bise Gobernador


_____________________________ ______________________

Senador Alkalde
_____________________________ ______________________

Kinatawan ng inyong Distrito sa kapulungan Bise Alkalde


____________________________ ______________________

Punong Hukom Kapitan


_______________________________ ______________________

You might also like