Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

FILIPINO

Panuto: Tingnan ang mga larawan. Piliin ang angkop na pamagat. Isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

A.Ang Elepante at ang


Langgam
B.Ang Elepante at ang
Lamok
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Piliin ang angkop na pamagat. Isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

A.Cinderella
B.SnowWhite
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Piliin ang angkop na pamagat. Isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

A. Ang Tatlong Biik


B. Ang
Tatlong Lobo
Tingnan ang larawan

Ano ang ipinapakita ng larawan?Bakit kaya may


hawak siyang medalya?
Ang mga Batang Uliran
Mapalad ang mag-asawang
Mang Rufino at Aling Elena
sa pagkakaroon ng mga
ulirang anak. Ang
magkakapatid na Lito,
Roldan, Rona at Elen ay
mga batang kahanga-
hanga.
Bukod sa masisipag silang
mag-aral, matulungin din sila
kapag araw na walang pasok
sa paaralan. Si Lito ay
panganay sa magkakapatid,
ang siyang nagsisilbing
gabay nina Roldan, Rina at
Elen sa araw ng pagtulong
kina Mang Rufino at Aling
Elena.
Tuwing araw ng Sabado,
tinutulungan ni Roldan ang
kanyang kuya sa pagdidilig
ng mga halaman ni Mang
Rufino. Tinutulungan nina
Lito at Roldan ang kanilang
Tatay sa paglilinis ng
kanilang bakuran. Itinatapon
ni Lito ang mga basura sa
basurahan at inilalagay ito
sa hukay sa likod bahay.
Sina Rina at Elen naman
ang inaasahan ni Aling
Elena na tumulong sa
kanya sa loob ng
tahanan. Nililinis nina
Rina at Elen ang
kanilang silid tuwing
araw na walang pasok.
Pagkatapos ng kanilang
gawain, naghahanda si Aling
Elena ng masarap na pansit
at pampalamig na inumin na
paborito nina Lito, Roldan,
Rina at Elen. Sadya ngang
napakamasunurin at
maaasahan ang mga anak
nina Mang Rufino at Aling
Elena.
Tanong:
1. Sino-sino ang mga ulirang anak nina Mang
Rufino at Aling Elena?
2. Sino ang nagsisillbing gabay sa paggawa sa
kanilang magkakapatid?
3. Sino ang tumutulong kay Lito sa gawain sa
bakuran?
4. Anong gawain ang ginagampanan nina
Rina at Elen tuwing araw ng Sabado?

5. Sino ang naghanda ng paboritong


meryenda ng magkakapatid?
Inaasahang Sagot:
1. Sina Lito, Roldan, Dina at Elen ang mga anak
nina Mang Rufino at Aling Elena.
2. Si Lito ay gabay nina Roldan, Rona at Elen
sa paggawa kapag araw ng Sabado.
3. Tinutulungan ni Roldan si Lito sa pagdidilig ng
halaman sa bakuran.
4. Nililinis nina Rona at Elen ang kanilang
silid tuwing araw ng Sabado.

5. Inihanda ni Aling Elena ang paboritong


pansit ng magkakapatid.
Tandaan
Ang pang-ukol ay mga salitang
nag-uugnay sa isang pangngalan
sa iba pang salita sa
pangungusap. Ang ni at nina ay
mga pang-ukol.
Ang bahay ni Lito ay malaki.
Ang bahay nina Lito at Lina ay malaki.
Ang ni ay ginagamit kung tumutukoy
sa isang tao. Samantalang ang nina
ay ginagamit kung ang isang bagay o
ang kilos na ginawa o para sa dalawa
o mahigit pang tiyak na tao.
PANUTO: Punan ng tamang pang-ukol na ni at nina ang
patlang.

1. Dinampot _________ Lito ang mga tuyong


dahon upang maging pataba sa mga
halaman.
2. Malaki ang naitutulong __________ Elen,
Lito at Roldan sa kanilang magulang tuwing
araw na walang pasok.
3. Tinulungan __________ ni Roldan na
magtanim ng mga halamang gulay si Mang
Rufino.
4. Hinayaan __________ Aling Elena na
matuto sina Elen at Dina ng mga gawaing
bahay.
5. Tunay na kahanga-hanga ang mga anak
___________ Mang Rufino at Aling Elena.
PANUTO: Sagutan ng tama o mali ang
bawat pahayag.
_____ 1. Ang ni at nina ay mga halimbawa
ng pang-ukol.
_____ 2. Ang pang-ukol ay mga salitang
nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang
salita sa pangungusap.
_____ 3. Ang ni ay ginagamit kung tumutukoy sa
sa isang tao.
_____ 4. Ang nina ay ginagamit kung ang isang
bagay o ang kilos na ginawa o para sa dalawa o
mahigit pang tiyak na tao.
_____ 5. Ang bakuran ni Mang Rufino at Aling
Elena ay malinis. Ang salitang may salungguhit ay
ang wastong pang-ukol.
PANUTO: Lagyan ng angkop na pang-ukol na ni at nina
ang pangungusap ayon sa larawan.

1.Niyaya ______ Mang Kanor at


Mang Abel si Mang Caloy na
dumalo sa pagpupulong sa
barangay.
PANUTO: Lagyan ng angkop na pang-ukol na ni at nina
ang pangungusap ayon sa larawan.

2.Tinulungan ______
Lola Ising si Lola Bising
na maalala ang kanyang
hinahanap.
PANUTO: Lagyan ng angkop na pang-ukol na ni at nina
ang pangungusap ayon sa larawan.

3. Pinakinggan ______ Ben


ang kanyang kakambal na si
Bert sa pagbabasa ng aklat.
PANUTO: Lagyan ng angkop na pang-ukol na ni at nina
ang pangungusap ayon sa larawan.

4. Pinaalalahanan _____
Karmi at Ben si Ampi sa
kanilang takdang-aralin.
PANUTO: Lagyan ng angkop na pang-ukol na ni at nina
ang pangungusap ayon sa larawan.

5. Pinaiyak _________ Ali


ang batang lalaki.
PANUTO: Bilugan ang angkop na pang-ukol sa pangungusap .

1. Tinahi (ni, nina) Vanessa ang butas na


damit.
2. Parating na ang bisita (ni, nina) Lucio at
Lanie.
3. Nanalo ang nilikha na guhit (ni, nina)
Jethro sa patimpalak.
PANUTO: Bilugan ang angkop na pang-ukol sa pangungusap .

4. Pinanood (ni, nina) Apple, Ali at Angel ang


palabas sa plasa.
5. Pinitas (ni, nina) Riza ang bulaklak sa
hardin upang ilagay sa plorera.

You might also like