Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan 10: Sir. Aldre Malupeng
Araling Panlipunan 10: Sir. Aldre Malupeng
PANLIPUNAN 10
Sir. Aldre Malupeng
PAMPROSESONG TANONG
• Bilang isang mag-aaral, ano para sa iyo
ang “Quality Education”?
• Masasabi ba ninyong may kalidad ang
edukasyon sa ating bansa?
• Ano ang hadlang sa pagsulong ng
kalidad ng edukasyon sa bansa?
Lesson 2
“KALIDAD
NG
EDUKASYON”
Ikaapat na Markahan
KALIDAD NG EDUKASYON
Ang Pygmalion Effect o mas kilala din sa tawag na Rosenthal Effect bilang pagkilala
sa siyentistang si Robert Rosenthal na unang namuno sa pag-aaral nito. Ang
konseptong ito ay tumutukoy sa sikolohikal na penomeno kung saan ang inaasahan ng
iba patungkol sa kakayahan ng isang tao ay nakaaapekto sa kakayahan ng taong iyon.
“Ang ganitong epekto ay hindi lamang limitado sa mga guro. Ang mga mag-aaral na
naniniwalang magaling ang kanilang guro ay posibleng mas makinig sa kanya, at dahil
dito ay lumalabas na mas epektibo ang gurong nabanggit.”
MGA SULIRANIN SA
PAG-AARAL
1. Kakulangan sa kalusugan ng mag-aaral
• Malaki ang epekto ng kalusugan sa pag-aaral sa kanyang kakayahang
matuto. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga mag-aaral na kulang ang
nakukuhang nutrisyon, o ang mga tinatawag na malnourished, ay
karaniwang nakikitaan ng kahinaan sa pag-aaral. Ang mga batang
malnourished ay nakita sa mga estadistika na mas mahina ang
pagkakaintindi sa pagtutuos at pagbabasa, at mas karaniwan para sa mga
malnourished kaysa sa malulusog na bata na hindi makapasok sa tamang
baitang sa takdang panahon. (Gem Report, 2013)
MGA SULIRANIN SA
PAG-AARAL
2. Pandaraya sa mga gawaing akademiko
Malaking kasiraan sa pagiging epektibo ng proseso ng pagkatuto ang pandaraya.
• Masasabing mawawalan ng bisa ang proseso ng pagkatuto kapag laganap ang
pandaraya sa paaralan.