Presentation 5

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Tula (Malayang Taludturan)

Tagapag-ulat: Rose Ann Marqueses


III-BEED 26
Tula
• Ang tula o panulaan ay isang uri ng panitikan na naglalayong ipahayag
ang kaisipan, damdamin, karanasan, at imahinasyon ng may-akda sa
pamamagitan ng mga salita na maingat na pinili at inayos.
Halimbawa:
BAYAN KO

Ang bayan kong Pilipinas,


lupain ng ginto’t bulaklak.
Pag-ibig ang sa kaniyang palad,
nag-alay ng ganda’t dilág.

At sa kaniyang yumi at ganda.


Dayuhan ay nahalina.
Bayan ko, binihag ka,
nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad,


kulungin mo at umiiyak!
Bayan pa kayang sakdal-dilag.
Ang ‘di magnasang makaalpas?

Pilipinas kong minumutya,


pugad ng luha ko’t dalita,
aking adhika:
makita kang sakdal laya!
ELEMENTO NG TULA
1. Sukat
2. Tugma
3. Saknong
4. Talinghaga
5. Sining/Kariktan
6. Tono
7. Persona
1. Sukat

— Ito ang bilang ng panting sa bawat taludtod ng saknong. Ang karaniwang sukat na
gamitin ay wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin at lalabingwaluhing pantig.

Halimbawa:
Tu-ngo-sa-la-ra-ngan/, a-ko’y-nag-su-mag-sag/
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
2. Tugma
— Tumutukoy sa pagkakapareho ng huling tunog o titik ng salita sa bawat
taludtod.

— Elemento ng tula na nagbibigay ng himig at indayog.


Uri ng Tugma
1. Ganap
2. Di-ganap
1. Ganap
— Kapag magkakapareho ang tunog at titik ng huling salita sa bawat
taludtod.

Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
2. Di-Ganap
— Kapag magkapareho lamang ng tunog ng huling salita sa bawat taludtod.

Halimbawa:
May isang lupain sa dakong Silangan
Na nag-aalaga ay sikat ng araw
Kaya napatanyag ay sa kagandahan
At napabalita sa magandang asal.
3. Saknong
— Tumutukoy sa mga grupo ng taludtod ng tula.
— Ito ay maaring magsimula sa dalawa o higit pang taludtod.
4. Talinghaga
— Tumutukoy sa paggamit ng matatalinhagang salita upang pukawin ang
mga damdamin ng mga mambabasa.
Halimbawa:
Sa ulo mo’y ako ang buong masilid — iniisip o laman ng isipan
Tinik sa puso — problema o hinanakit
Aklat ng pagsinta — pagsuyo sa iniirog
5. Kariktan
— Paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita upang maakit ang
damdamin ng mga mambabasa.
— Nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa.
6. Tono o Indayog
— Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula.
— Karaniwang pataas o pababa ang pagbigkas ng tula.
7. Persona
— Tumutukoy sa nagsasalita sa tula
— Una, ikalawa o ikatlong panauhan.
SALAMAT!

You might also like