Pang Abay

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

PANG - ABAY

Istruktural na kahulugan : ang pang-abay ay


makikilala dahil kasama ito ng isang pandiwa,
pang-uri o isa pang pang-abay na bumuo ng
pparirala.

Pansemantikang Kahulugan : ito ay


nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba
pang pang-abay.
Halimbawa:
 Ang manggang tinda ni Maria ay masyadong
maasim. (pang-uri)
 Sadyang malusog ang kanyang katawan. (pang-
uri)
 Dahan-dahan siyang pumanhik ng hagdan.
(pandiwa)
 Talagang mabagal umunlad ang taong tamad.
(pang-abay)
1. Pamanahon
 Pang-abay na nagsasaad kung kailan ginanap,
ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa
pangungusap. Napapangkat sa dalawa ang ganitong uri ng
pang-abay: ang may pananda at yaong walang pananda.
Ang may pananda ay yaong gumagamit ng nang; sa,
noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang
bílang mga pananda ng pamanahon. Samantalang ang
mga pamanahon na walang pananda ay ang kahapon,
kanina, nigayon, mamaya, búkas, sandali, at iba pa.
Halimbawa:

 Batay sa "Alamat ng Alamat," naganap ang


pangyayaring ito noong unang panahon.
2. Panlunan
 Pang-abay na tinatawag na pariralang sa.
Kumakatawan ito sa lugar kung saan ginagawa
ang kilos.

Halimbawa:
Sa buong mundo ay laganap ang iba't ibang
kuwento o alamat tungkol sa pinagmulan ng iba't
ibang bagay.
3. Pamaraan
 Pang-abay na sumasagot sa tanong na paano
ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabing
pandiwa sa pangungusap.

Halimbawa:
Masayang nagbabasa ang mga batang mahilig sa
karunungang-bayan gaya ng mga alamat.
4. Panggaano
 Ang pang-abay na nagsasaad ng sukat o timbang.

Halimbawa:
Ang mga taong nakabasa ng alamat ay dumami
nang isang daang porsiyento
5. Kataga o Ingklitik
 Katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng
pangungusap. May 16 na kilalang pang-abay na
ingklitik. Ito ay ang sumusunod:

Kasi sana nang man lamang/lang


Tuloy kayâ yata ba pa muna din/ rin
naman daw/raw na palá
Halimbawa:
Makikita rin ang paniniwala at kultura ng isang
pamayanan sa pamamagitan ng alamat.
Pagsasanay: Isulat ang pang-abay n may diin sa
tamang hanay ayon sa uri nito.

Si Bulan at Si Adlaw
(Kuwentong-Bayan ng mga Tinggian)
Noong unang panahon daw ay may nag-isang
dibdib na dalawang nilalang na nagngangalang
Bulan at Adlaw. Sa tamis ng kanilang pagsasama ay
nagkaanak sila ng marami. Nagpatuloy ng pag-
aanak si Bulan hanggang sa mapuna ni Adlaw na
maraming-marami na pala ang mga bunga nila at
nagsisikip na sila sa kanilang bahay.
Naisip ni Adlaw na kausapin si Bulan na pagpapatayin na
lamang nila ang iba pa nilang mga anak upang muling
lumuwag ang kanilang tinitirhan. Tumutol si Bulan sa
mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng kanilang
madalas na pag-aaway. Halos nag-aaway sila araw-araw na
para silang mga aso't pusa. Umiksi na ang pisi ni Bulan kay
Adlaw kaya't nagpasiya siyang makipaghiwalay na lamang
dito. Lubhang nagalit si Adlaw. Pumayag din siyang
makipaghiwalay kay Bulan sa kondisyong isasama lahat ni
Bulan ang kanilang mg anak at huwag nang pakitang muli
sa kanya.
Kaya ngayon, makikitang si Adlaw o ang araw ay nag-
iisang sumisikat sa araw, at si Bulan o ang buwan ay sa
gabi na lamang lumilitaw na kasama ng kanyang mga
anak na mga bituin. At kapag nagkakatagpo sila,
sumisidhi raw ang poot ni Adlaw kay Bulan. Mabilis na
tinutugis niya ito na siya raw dahilan sa pagkakaroon
natin paminsan-minsan ng laho o eklipse.
Pagsasanay 2:
Salungguhitan ang ginamit na pang-abay sa
pangungusap at isulat sa kahon kung ito ay ingklitik,
panggaano, pamaraan, panlunan, o pamanahon.

1. Simulan mo ngayon ang pagbabasa ng mga alamat.

2. Buong puso mong isabuhay ang mga natutunan mong


aral sa mga alamat.
3. Sa bahay man o sa paaralan makapagbabasa ka ng
ganitong mga akda.

4. Masayang magbasa ng mga alamat.

5. Siyamnapung porsyentong nagbago ang aking


pananaw sa buhay dahil sa pagbabasa ko niyan.

You might also like