AP 10 Summative Test 3rt Quarter

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Pangkalahatang Direksyon:

1. PAKIAYOS PO MUNA NG INYONG UPUAN, MAGHIWA HIWALAY PO NG


KAUNTI.
2. SA ½ LENGTHWISE PO MAGSASAGOT
3. BASAHIN NG MABUTI LAHAT NG PANUTO
4. MALALAKING TITIK PO ANG ISASAGOT SA BLG 1-25, SA 26-30 AY KAHIT
HINDI NA.
5. BAWAL PO ANG ERASURES
6. WRONG SPELLING IS WRONG
7. WAG MAGTUTULARAN HA!
8. GOD BLESS!
Pagtutukoy: Isulat sa patlang ang tamang sagot.
__________ 1.Tumutukoy ito sa mga taong walang nararamdamang
atraksyong seksuwal sa anumang kasarian.
__________ 2.Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at
personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring
nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
__________ 3.Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang
kapwa lalaki.
__________ 4.Tumutukoy ito sa isang taong nakararamdam na siya ay
nabubuhay sa maling katawan.
__________ 5.Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
TAMA o MALI. Isulat ang T kung TAMA at M kung Mali ang
pinapahayag ng bawat pangungusap.

_____ 6. Ang mga tao sa pangkat ng Arapesh ay walang


pangalan.
_____ 7. Ang FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari
ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang
benepisyong medikal, ngunit patuloy pa rin ang ganitong
uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng
lipunang kanilang ginagawalan.
_____ 8. Sa Kanlurang Asya ay may mga naitalang kaso ng
gang rape sa mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang
magbabago ang oryentasyon nila matapos silang
gahasain.
_____ 9. Walang basehang panrelihiyon ang paniniwala
at proseso ng FGM na maaaring magdulot ng iba’t ibang
komplikasyon at maging kamatayan.
_____ 10. Sa lipunan ng Tchambuli ay nakahihigit ang
gampaning pangkabuhayan ng mga babae kaysa sa lalaki.
Multiple Choices: Isulat lamang ang titik ng tamang sagot

11.Ang sumusunod ay mga dahilan upang mag-file ng


Paternity Leave ang isang empleyadong lalaki maliban sa:
A. pagkatapos ng kasal
B. habang nagbubuntis ang legal na asawa
C. pagkatapos manganak ng kanyang legal na asawa
D. bago, habang at pagkatapos manganak ng legal na
asawa
12. Ito ay isinabatas upang itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat
ng bagay alinsunod sa mga Batas ng Pilipinas.
A. Magna Carta for Men
B. Magna Carta for Women
C. Gender and Equality Rights
D. Anti-Discrimination Act for Men and Women
13. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag
na kalagayan ayon sa Magna Carta for Women.
A. Samahang Gabriela
B. Marginalized Women
C. Powerful Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstance
14.Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang
kanyang asawa ay nagdadalangtao. Bilang isang
empleyado, anong benespisyo ang makukuha niya sa
kompanya kapag nanganak na ang kanyang asawa?
A. Maternity Leave
B. Leave for Fathers
C. Paternity Leave
D. Paternity Leave of Absence
15.Sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-
aabuso at pananakit sa mga kababaihan at anak nito?
A. live-in partners na lalaki
B. kasalukuyan at dating asawang babae
C. kasalukuyan at dating kasintahan babae
D. mga lalaking nagkaroon ng anak sa lalaki
16.Kinakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang isang lalaki. Siya
ay tinanggihan ng ilang mga ospital upang gamutin. Anong
karapatan niya ayon sa Yogyakarta ang binalewala?
A. karapatan na tanggapin sa ospital
B.karapatan sa mga pasilidad ng ospital
C.karapatan sa social security at iba pang proteksyong
panlipunan
D.karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang
makakamit
17.Si Bataan Rep. Geraldine B. Roman ay ang kauna-
unahang mambabatas na transgender. Siya ang
nagpanukala ng SOGIE Equality Act. Anong prinsipyo
ng Yogyakarta ang isinasaad sa sitwasyong ito?
A. karapatang mabuhay
B.karapatan sa trabaho
C.karapatang lumahok sa buhay-pampubliko
D.karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga
karapatang pantao.
18.Ito ay pamimilit sa isang taong sumailalim
sa isang sikolohikal na paggagamot, pagsusuri
o kaya’y pagbimbin sa isang pasilidad na
medikal.
A.abusong medikal C. pribadong buhay
B.malayang pagkilos D. sapat na kalusugan
19. Isang aplikanteng lalaki ang hindi tinanggap
sa paaralang kaniyang inaaplayan sapagkat
pawang mga babae lamang ang nagtuturo rito.
Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang nabalewala?
A. karapatang mabuhay
B. karapatan sa malayang pagkilos
C. karapatan sa trabaho
D. karapatang magbuo ng pamilya
20. Bakit pinaglalaanan ng pamahalaan ng 5% ng
badget ang Gender and Development?
A. upang mapagtibay ang kaunlarang pangkasarian
B.upang matugunan ang pangangailangan ng bawat
isa
C.upang makapagsagawa ng mga pagpupulong ang
bawat ahensiya ng pamahalaan
D.upang mapagbuti ang mga programa at proyekto, at
matugunan ang mga isyung pangkasarian
Alamin kung ang mga sumusunod ay nagpapakita ng
Prinsipyo ng Yogyakarta o Hindi. Ilagay ang PY kung
Prinsipyo ng Yogyakarta at HPY kung Hindi Prinsipyo ng
Yogyakarta.

__________ 21. Ang samahan ng mga LGBT ay nag-organisa


ng isang webinar upang ipaglaban ang kanilang karapatan.
__________ 22. Si Marikit na isang transgender ay kaanib
ng isang relihiyon.
__________ 23. Piniling manirahan ng mag-partner na Nil at
Al sa France upang bumuo ng pamilya dahil sa sila ay
pawang miyembro ng LGBT.
__________ 24. Hindi pinayagan si Verdan na lumahok sa
pulitika.
__________ 25. Isang lalaki ang hindi natanggap sa
paaralang kaniyang nais pasukan upang magturo sapagkat
pawang mga babae lamang ang nagtuturo rito.
Magbigay ng limang karahasan na nararanasan ng mga
kababaihan na kabilang sa Seven Deadly Sins Against
Women (26-30)

You might also like