Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Francisco “Balagtas” Baltazar

Francisco Balagtas
44 Baltazar updated his
Profile Picture.
231 years ago.

You, Jose P. Rizal and 2k others


Saan isinilang si Francisco
Baltazar?
Isinilang si FB sa nayon ng
Panginay, Bayan ng Bigaa (Balagtas
ngayon), sa lalawigan ng Bulacan
Isinilang noong ika-2 ng Abril,
1788.
Sino si Francisco Baltazar?

Si Kiko ay bunsong anak nina Juan Baltazar, isang panday at


Juana dela Cruz, isang karaniwang maybahay.
Sina Felipe, Concha at Nicolasa ang kanyang mga kapatid.
Labing-isang taong gulang si Kiko nang lumuwas sa Tondo,
Maynila.
Sino si Francisco Baltazar?

Namasukan siya bilang utusan kay Doña Trinidad,


isang mayaman at malayong kamag-anak. Kinatuwaan
siya nito kaya pinag-aral siya sa Colegio de San Juan
de Letran at Colegio de San Jose.
Taong 1812 nang matapos siya sa pag-aaral.
Buhay bilang Manunula

Naging bukambibig ang pangalan ni Kiko sa


larangan ng pagbigkas ng tula. Naging makulay
ang kanyang pagbibinata at naging bantog na
makata.
Buhay bilang Manunula

Ang angking husay niya rin sa pagbigkas ng tula


ang dahilan kung bakit maraming kababaihan ang
humanga sa kanya
Magdalena Ana Ramos – unang bumihag sa
kanyang puso
Buhay bilang manunulat

Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula kay


Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na kinikilalang
pinakabantog na makata sa Tondo.
Si Jose dela Cruz ay isa ring nagsilbing hamon kay
Kiko para higit na pagbutihin ang pagsulat ng tula.
Buhay bilang manunulat

Hindi naglaon at namayagpag sa larangan ng


panulaan si Balagtas at nangulimlim naman ang
kabantugan ni Huseng Sisiw
Itinuturing bilang isa sa
mga magagaling na
Pilipinong manunulat.
Mula sa Tondo,taong 1935 nang
manirahan si Kiko sa Pandakan,
Maynila.
Dito niya nakilala si Maria Asuncion
Rivera. Ang marilag na dalaga ang
nagsilbing inspirasyon ng makata.
Siya ang tinawag na “Selya” at
tinaguriang M.A.R ni balagtas sa
kanyang tulang Florante at Laura.
SAKNONG BILANG 22

Ikaw na bulaklak niring dilidili,

Selyang sagisag mo ang M.A.R

Sa Birheng mag-ina’y ipinamintakasi

Ang tapat mong lingkod na si F.B.


Naging karibal niya si “Nanong”
Mariano Capule sa panliligaw kay Selya,
isang taong ubod ng yaman at malakas sa
pamahalaan.
Sa kagustuhan niyang hindi na
makahadlang pa si Balagtas sa kanyang
panunuyo kay Selya ay ipinabilanggo
niya ang makata.
Pinagdusahan ni Balagtas sa bilangguan
ang isang maling paratang.
Dumagdag pa sa kanyang daahin ang
balitang nagpakasal na ang dalagang
iniibig niya sa kanyang karibal.
Pinaniwalaang dahil sa kabiguang ito ay
naisulat niya sa loob ng bilangguan ang
kanyang pinakatanyag na obra.
Ano ang kanyang
pinakatanyag na obra
maestra?
F L O R A N T E
A T
L A U R A
Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at
Laura para kay Selya.
Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan at
pumunta na siya sa Udyong, Bataan.
Dito niya nakilala ang babaeng
iniharap niya sa dambana, si Juana
Tiambeng.
Sa edad na 54 ni Balagtas
Ipinagpatuloy pa rin niya ang
kanyang pagsulat hanggang bawian
ng buhay noong ika-20 ng Pebrero
taong 1862 sa gulang na 74
Naulila niya ang kanyang asawang si
Juana at ang apat nilang anak
Lumisan man siya sa mundong ito ay
iniwan niya naming buhay sa alaala
ng mga Pilipino ang maraming
imortal na obra.
1.Ang Orosman at Zafira 2. Mahomet at Constanza 3. Almanzor y Rozalina

6. Bayaseto at
4. Clara Belmori 5. Abdul y Miserena
Dorsalica

7. Florante at Laura
Mga akdang naisulat ni
Francisco Baltazar
REAKSYON MO,
SHOW MO!
Kung ikaw si Selya, papayag ka ba
na magpakasal sa taong di mo naman
mahal? Anong magiging reaksyon mo
rito? Ipaliwanag.
Sa iyong palagay, malaki ba ang
naitulong ng mga pinagdaanan ni
Balagtas upang maging mahusay
siyang makata at manunulat?
Sumasang-ayon ka ba sa pahayag na
“Maging ang hindi mabubuting
karanasan ay maaaring magbunga ng
kabutihan.”?
Ano-anong makabuluhan at kapaki-
pakinabang na mga aral ang napulot mo sa
buhay ng Prinsipe ng Makatang Tagalog? Sa
paanong paraan maaaring maging kapaki-
pakinabang sa isang kabataang tulad mo ang
mga aral na ito?
PAGTATAYA

Panuto. Ang buhay raw ay isang aklat na iyong isinusulat sa araw-araw.


Kung ikaw ay gagawa ng isang aklat tungkol sa iyong buhay, ano ang
magiging pamagat nito at ano ang disenyong gusto mong makita sa
pabalat (cover page)? Isulat ang pamagat sa pabalat na aklat, at iguhit
ang disenyong nais mo para sa aklat ng iyong buhay. Sa likod naman
nito ay magbiagy na maikling paliwanag sa iyong sagot.

You might also like