Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Ang Proseso ng

Pagsulat para sa mag-


aaral sa sekundarya
Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema, o mga
tanong na bibigyang-kasagutan ng mag-aaral sa
kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes,
at pananaw. Ang kabuoan ng katawan ng sulatin ay
magiging depende rin sa kung gaano kabisa bumuo ng
pahayag ang manunulat na mag-aaral at kung gaano
rin kalawak ang kanyang kaalaman sa kanyang
isinusulat. Ang prosesong ito ay mahigpit na
nangangailangan ng kaalamang teknikal sa pagsulat,
pamamaraan sa pagsusuri at pananaliksik, at ideyang
sarili na nais sabihin sa mambabasa.
PROSESO NG PAGSULAT
1. Bago Sumulat
Sa bahaging ito, ang mga mag-aaral ay
dumaraan muna sa brainstorming. Dito ay
malaya silang mag-isip at magtala ng kanilang
mga kaalaman at karanasan na may kinalaman
sa paksa. Dito rin mapagpapasiyahan kung ano
ang susulatin ng mag-aaral, ano ang layunin sa
pagsulat, at ang estilong kanyang gagamitin
2. Habang Sumusulat

Sa bahaging ito, naisusulat ang unang borador na ihaharap


ng bawat mag-aaral sa isang maliit na grupo upang
magkaroon ng inter-aksiyon kung saan tatalakayin ang mga
mungkahing pagbabago ng mga puna. Karaniwang tuon ng
bahaging ito ang halaga ng paksa, kabuluhan ng pag-aaral,
at lohika sa loob ng sulatin. Sa puntong ay hindi
matatawaran ang halaga ng ibang taong makababasa ng
sulatin dahil mayroon silang nakikita na kadalasan ay
nakaligtaan ng manunulat o hindi lamang naiayos dahil
alam na niya ang aralin.
3. Pagkatapos Sumulat
Sa bahaging ito, ginagawa ang mga pagbabago
sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagkakaltas,
at paglilipat-lipat ng mga salita, pangungusap, o
talata. Bilang pangwakas na hakbang,
pagtutuonan na ang mekaniks ng sulatin tulad
ng baybay, bantas, at gramatika.
Sa proseso ng pagsulat, mahalaga ring bigyang-pansin
ang mga bahagi ng teksto ayon sa sumusunod:

1. Panimula
Dapat bigyan ng kaukulang pansin ang panimula ng
tekstong isusulat. Ang bahaging ito ay nararapat na
maging kawili-wili upang sa simula pa lamang ay
mahikayat ang mambabasa na tapusing basahin ang
teksto.
2. Katawan
Sa pagsulat ng bahaging ito, matatagpuan ang wastong
paglalahad ng mga detalye at kaisipang nais ipahayag sa
akda. Mahalagang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ang
mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang
mambabasa dahil ito ang pinakamalaking bahagi ng teksto.
May tatlong hakbang para maisagawa ang panggitnang
bahagi ng sulatin.
Pagpili ng organisasyon
Pagbabalangkas ng niialaman
Paghahanda sa transisyon ng talataan
3. Wakas
Dapat isaalang-alang ng manunulat ang
pagsulat ng bahaging ito upang makapag-iwan
ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa na
maaaring magbigay buod sa paksang tinalakay
o mag-iiwan ng isang makabuluhang pag-iisip
at repleksiyon.
Proseso ng Pagsulat
1. Unang Araw
A. Bago magsimula
1. Pumili ng paksa
2. Maghanda, magtipon , maglista ng mga detalye tungkol sa paksa

Detalye
Detalye

Paksa

Detalye Detalye
Detalye
3. Pagpasyahan, piliin, maglista ng mga detalye tungkol
sa paksa

2. Ikalawang Araw

Pagsulat ng unang draft o burador


Isulat ang mga ideya sa papel. ( Sa pagkakataong ito
huwag mag-aalala ni mag-abala kung may mali. Basta
sumulat lamang.
Ikatlong Araw
Pagrerebisa/ Pagwawasto
1. Basahin muli, balikan ang burador.
2. Kumuha ng kapareha at basahin ang burador sa
kanya, humingi ng payo, ng mungkahi para mapabuti
ang sulatin.
3. Gawan ng pagbabago, pagwawasto, pagbabawas
kung kinakailangan ang burador.
4. Isulat muli.
5. Basahin muli
Ikaapat na Araw
• Pag-edit , Pagbasang muli
1. Tiyaking ang mga salita at pangungusap ay may diwa, makabuluhan at
malinaw.
2. Tingnan at tiyakin na ang baybay ay tama at ginagamitan ng malaking
titik kung saan kailangan.
3. Lagyan ng wastong bantas.
4. Isulat muli.
5. Basahing muli ang na edit na sipi bago isulat ang huling sipi. ( final
form)
Ikalimang Araw
Paglathala
• Ito ang huling hakbang sa proseso ng pagsulat-
paglalathala . Ano ito? Ito ang pagbabahagi,
pagpaparinig, pagpapabasa, pagpapakita at
pagbibigay ng sipi ng anomang kinatha.
Maaaring ang sulatin ay isang tula, maikling
kuwento, dula-dulaan, liham atbp.
Ang pagsulat ay maihalintulad sa isang
birthday party. Kapag natapos ang kasayahan
ang gusto ng may kaarawan ay ipakita ang
mga natanggap na regalo sa mga nagsidalo.
Ito ang paglathala sa ginawa.
Mga Anyo o /uri ng Gawaing Pasulat
1. Pasalaysay / Narrative –report, morning story, journals, class
personal, diary, anekdota
2. Paglalarawan- Descriptive – nakikita, naaamoy, naririnig,
naramdaman, nalalasahan
3. Paghikayat / Persuasive- advertisement, editorial, brochure,
sanaysay na political
4. Nagapaliwanag/ Expository- nagpapaliwanag ng hakbang, paraan,
paano ang pagpunta
5. Malikhaing Pagsulat/ Creative Writing- maikling kuwento, tula, dula-
dulaan
Maraming Salamat sa Pakikinig!

You might also like