Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

WALONG HAKBANG SA PAGTATAG NG KALIDAD SA

NEGOSYO
1. Misyon para sa kalidad. Gumawa ka ng isang misyon na nagpapakita
ng pagpapahalaga mo sa kalidad ng trabaho. Ipaalam ito sa iyong mga
manggagawa. Bumuo ng isang maikling pangungusap na nagpapaalala sa
pagtatrabaho nang may kalidad.

2. Pamumuno Nang may Kalidad. Maging halimbawa ng isang mahusay


na manggagawa. Makinig sa mga suhestiyon. Kahit gaano kaliit, maaaring
makatulong ito sa pagtaguyod ng kalidad.
3. Pagsasanay para sa Kalidad.
Mamuhunan sa mga pagsasanay. Alamin ang mga pamamaraan sa
pagsuri ng depekto sa kalidad, lalonglalo na ng isang produkto:
1. Pagtukoy sa problema
2. Pagsuri sa problema
3. Paglutas sa problema
4. Pag-iwas sa problema
5. Komunikasyon sa kostumer
4. Pagpapatibay ng Paninindigan sa Kalidad
Panatilihing matibay ang paninindigan mo sa pagtataguyod ng kalidad sa
trabaho. Huwag mabulag sa malaking kita kung ang kapalit naman ay
pagkasira ng pangalang ipinundar mo.

5. Paggawa Nang may Kalidad


Kung naipakita at naibigay mo na sa iyong manggagawa ang lahat ng
suporta, inaasahang magkakaroon siya ng magandang pananaw sa
paggawa. Hindi na mahirap
pang gawin ang isang de-kalidad na serbisyo o produkto. Magiging bahagi
na ito ng inyong pang-araw-araw na gawain.
6. Pag-uugali na may Kalidad
Kung naging bahagi na ng pang-araw-araw mong buhay ang kalidad sa
trabaho, nakakabit na ito sa iyong pag-uugali at hindi kaagad-agad
mabubuwag.

7. Kalidad Bilang Isang Kultura


Napakaganda kung napagtagumpayan mo ang pakikibaka tungo sa isang
de-kalidad na serbisyo at produkto. Kung narating mo na ang pinakatuktok
na hagdan tungo sa
pagtatatag ng negosyong kumikilala sa salitang kalidad at kung naging
kultura na sa iyong negosyo ang kalidad, nasa kamay mo na ang ganap na
tagumpay
6. Pag-uugali na may Kalidad
Kung naging bahagi na ng pang-araw-araw mong buhay ang kalidad sa
trabaho, nakakabit na ito sa iyong pag-uugali at hindi kaagad-agad
mabubuwag.

7. Kalidad Bilang Isang Kultura


Napakaganda kung napagtagumpayan mo ang pakikibaka tungo sa isang
de-kalidad na serbisyo at produkto. Kung narating mo na ang pinakatuktok
na hagdan tungo sa
pagtatatag ng negosyong kumikilala sa salitang kalidad at kung naging
kultura na sa iyong negosyo ang kalidad, nasa kamay mo na ang ganap na
tagumpay
8. Pagkakaroon ng kultura ng kalidad
1. Ano sa pakagay mo ang pinakamahalagang benipisyo na makukuha natin
kapag
ang produkto at serbisyo natin ay may kalidad? Bakit?
2. Bilang isang manggagawa, anu-anong mga katangian ang maaaring
makatulong
sa iyo upang maitaguyod ang walong hakbang na iyong natutunan tungo sa
dekalidad na serbisyo at produkto? Ilista ang mga ito.
3. Isulat ang walong hakbang tungo sa de-kalidad na serbisyo at produkto.
Panuto: Tukuyin kung opinion o katotohanan ang nasa bawat pahayag.
____1. Maraming Pilipino ang magaling magsalita at magsulat sa wikang
Ingles.
____2. Hindi tunay na Pilipino ang mga taong laging nagsasalita at
nagsusulat sa wikang Ingles.
____3. Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre
Ang pang-angkop ay katagang ginagamit na pang-ugnay sa dalawang
salitang magkasunod upang maipakita ang pagkakaugnay ng mga ito
sa isa’t-isa, at upang maging madulas ang pagbigkas sa dalawang
salitang
magkasunod.

Tandaan na ginagamit lamang ang pang-angkop na –ng kung ang


sinusundan salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:

gabing madilim
matalinong bata
Kung ang salita naman ay nagtatapos sa n, maaari nang alisin ang pang-
angkop na na at magdugtong na lamang ng g upang maging madali at higit na
madulas ang
pagbigkas dito.
Halimbawa:
dahon na tuyo – dahong tuyo
hardin na mabango – harding mabango

Ang na ay pang-angkop na ginagamit kung ang sinusundang salita ay


nagtatapos sa katinig maliban sa n.
Halimbawa:
magalang na bata
mabait na kapatid
Panuto: Tukuyin ang tamang pang-angkop (-ng, -g, o na) sa
pangungusap.
1. Nauuna ang pulang kotse sa karera.
2. May mga bahay bato na nakatayo pa sa Vigan.
3. Limandaan piso ang sinukli sa kanya ng kahera.
4. Nasuot mo na ba ang damit regalo ng ninang mo?
5. Si Myra ay takot pumasok sa madilim silid.
Panuto: Isulat ang pangungusap at bilugan ang pang- angkop na
ginamit.
1. Ang Qatar ay isa sa mga pinakamayamang bansa sa buong
mundo.
2. Ang matamis na mangga ng Pilipinas ang paborito kong prutas.
3. Masyadong matao ang mga mall tuwing malapit na ang Pasko.
4. Dahil sa mataas na lagnat, dinala siya sa pinakamalapit na ospital.
5. Napakaganda ng gintong singsing ng reyna!
6. May makapal na kumot sa loob ng lumang kabinet.
7. Bumili tayo ng mga sariwang gulay mamayang hapon.
8. Sa mahiyaing bata ibinigay ang bago laruan.
9. Hinuli ng dalawang pulis ang lalaking magnanakaw.
10. Masaganang ani ang isa sa mga biyaya ng taong nakalipas

You might also like