Magandang Buhay,: Mabuting

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 42

Magandang Buhay,

Mabuting Tao,
Magandang Asal.
Mga Batas
na
Nakabatay Modyul
sa Likas na 2
Batas
Moral
Gawain
Tukuyin kung ikaw ay sang-ayon
o hindi sang-ayon sa mga
sumusunod na batas na
kasalukuyang ipinatutupad sa
Pilipinas. Pangatwiranan ang
iyong sagot.
Gawain
Basahin ang sumusunod na mga
sitwasyon. Tukuyin kung ano ang
gagawin mo kung ikaw ay naharap
sa kaparehas na sitwasyon.
UNANG SITWASYON:

Nawalan ng hanapbuhay ang iyong ama. Siya


lamang ang kumikita para sa inyong pamilya.
Habang naglalakad ka, kinagabihan, may nakita
kang pitaka sa kalsada. Nang tingnan mo,
naglalaman ito ng dalawang libong piso. Naisip mo
na kailangan mo ng pera pambili ng gamot ng
iyong ina na may sakit. Tumingin ka sa paligid at
sigurado ka na walang ibang nakakakita sa iyo.
Ano ang gagawin mo?
IKALAWANG SITWASYON:

Alam mo na nagkokopyahan ang iyong mga


kaklase tuwing araw ng pagsusulit, ngunit hindi
sila nahuhuli ng inyong guro. Isang araw, hindi
inaasahang may pagsusulit kayo sa Matematika.
Hindi ka nakapaghanda kung kaya’t nag-aalala
ka na makakuha ng mababang marka. Isang
kaklase ang lumapit sa iyo at nag-alok na
pakopyahin ka sa pagsusulit. Ano ang gagawin
mo?
IKATLONG SITWASYON:

Malapit ka sa iyong bunsong kapatid. Isang


araw, nahuli mong nangungupit sa pitaka ng
inyong ina ang iyong kapatid. Alam mong
pagagalitan at parurusahan siya kapag nalaman
ito ng inyong mga magulang. Kinagabihan,
maluha-luha ang iyong ina habang
nagkukwento sa iyong ama tungkol sa pera na
ipinatago lamang sa kanya na nawala mula sa
kanyang pitaka. Ano ang gagawin mo?
Paano nalalaman ng
tao kung ano ang
Mabuti at ano ang
masama?
Mga Batas
na
Nakabatay Modyul
sa Likas na 2
Batas
Moral
Ano ang Likas na
Batas Moral?
LIKAS NA BATAS
MORAL
• Ang Likas na Batas Moral ay bigay ng Diyos sa
tao upang maging gabay sa pagkilala sa mabuti
at masama.
• Nakalapat ito sa isip at damdamin ng tao kung
saan na ginagamit na personal na pamantayang
moral ng tao.
DALAWANG BATAS NA NAKA-
UGAT SA LIKAS NA BATAS
MORAL.
1. Batas ng
Diyos (EternalLaw or
Divine Law)
2. Batas ng Tao (Man-made Law)
DALAWANG BATAS NA NAKA-UGAT SA
LIKAS NA BATAS MORAL.
1. Batas ng Diyos (Eternal Law or Divine
Law
• Batas na, ayon sa relihiyosong paniniwala ay
nagmula direkta sa Diyos.
• Hindi ito maaaring baguhin ng tao. Ito ay
walang hanggan at walang katapusan.
• Ito ay kinakailangan para sa ikaliligtas ng tao.
DALAWANG BATAS NA NAKA-UGAT SA
LIKAS NA BATAS MORAL.
2. Batas ng Tao (Man-made Law)
• Matatagpuan sa konstitusyon ng bawat
bansa.
• Mga alituntunin na ipinatutupad ng
bawat bansa upang ang mga
mamamayan ay makapamuhay ng
mapayapa at matiwasay.
TAMA: IBA SA
MABUTI
Ang MABUTI ay
• pakay at layon ng tao kung bakit niya
gagawin ang isang kilos.
• Ang tao ay likas na naaakit sa Mabuti.
Ang ating isip at puso ang gabay sa
pagkilatis ng Mabuti.
Ang TAMA ay
• ang pagpili ng pinakamabuting
kilos batay sa panahon, at
sitwasyon
• pinakaangkop na kilos ng tao
batay sa sitwasyong
kinakaharap.
• Hindi sapat na Mabuti ang
intensyon para masabi na Mabuti
ang kabuuan ng gawain. Kailangan
din isaalang-alang ang
pamamaraan kung paano ito
ginawa.
• “Gusto kong maibigay ang
pangangailangan ng aking pamilya
(mabuti) kaya nagnakaw ako (hindi
tama)”
• “Gusto kong makakuha ng mataas na
marka (mabuti) kaya kokopya ako sa
aking kamag-aral sa araw ng
pagsusulit (hindi tama)”
• “Nais ko na maging malakas ang aking
pangangatawan (mabuti) kaya regular
akong nagpapa-check up sa doctor
(tama)”.
• “Nais ko na makatulong sa gastusin sa
bahay (mabuti) kaya naghanap ako ng
part-time job tuwing wala akong pasok
sa eskwela (tama)”.
ANG KAISA-
ISANG BATAS:
MAGING
MAKATAO
•Maaaring magkasundo-sundo ang
nagkakaibang mga tao kung ano ang
mabuti, ngunit babalik parin sa iba’t-
ibang pamamaraan kung paano gagawin
ang naaayon na kilos dito.
• Anumang sitwasyon ng isang tao, isa ang
dapat tandan: HUWAG MANAKIT (Firs
Do No Harm)
Ikalawang Markahan
Tayahin# 2
Panuto: Basahin Mabuti ang bawat
pahayag at piliin ang
pinakatamang sagot.
1.Alin sa mga sumusunod ang unang
prinsipyo ng Likas na Batas Moral
A. First Do No Harm
B. Time is Gold
C. Do Not Do Unto Others What You
Don’t Want Others to do Unto You.
2. Kanino nagsisimula ang
pagtuturo ng mabuti at pag-iwas
sa masama?
A.kapitbahay
B.Guro
C.magulang
3. Ano ang nagsisilbing gabay
ng tao upang kilatisin kung
ano ang mabuti?
A.Katuwiran at Konsensiya
B.Dignidad at Pilosopiya
C.Isip at Puso
4. Saan nagmula ang Likas na Batas
Moral?
A. Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao
B. Mula sa kaisipan ng mga pilosopo
C. Mula sa Diyos
5. Alin sa sumusunod ang hindi naaayon sa
Likas na Batas Moral?
A. Pagkaltas ng buwis sa mga manggagawa ng
walang konsultasyon
B. Pagmungkahi sa mga ina na regular na
magpatingin sa malapit na center sa kanilang
lugar
C. Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga
sa sarili
TAMA o MALI
6. Alam ng tao ang mabuti at
masama at ang magiging epekto nito
sa sarili.
7. Ang Batas ng Diyos ay nilikha
upang maabot ng tao ang kaniyang
kaganapan at kaligtasan.
8. Hindi sapat na mabuti ang
intensyon ng kilos upang matawag na
mabuti ang isang gawain.
9-10. Ibigay ang dalawang batas na
nag-ugat sa Likas na Batas Moral
Takdang-Aralin:
Sagutan ang Gawain 4: Pagganap
(p.76). Kopyahin at sagutan sa isang
buong papel. Huwag kalimutan lagyan
ng pangalan at section.

You might also like