Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Catch Up Friday

March 8, 2024
"Papuri o “Compliments’ sa mga
Tagapaglingkod sa Pamayanan””
Gawain: Post me a Compliment
: Materyales: sticky notes, lapis o ballpen
Panuto:

1. Ang bawat isa ay gagawa ng sticky notes o gugupit ng mga


maliliit na papel.
2. Sa bawat papel ay isusulat ninyo ang mabubuting katangian na
nakikita ninyo sa inyong kaklase.
3. Pagkatapos ay maaaring umikot sa loob ng silid aralan at
ibigay ang inyong isinulat sa inyong kaklase na gusto ninyong
bigyan nito.
Mga Katanungan:

1. Ano ang naramdaman ninyo ng makatanggap kayo


ng compliment note or letter?
2. Ano ang isinasaad ng gawain na ito, “Post me a
Compliment”?
3. Bakit mahalaga ang positibong komento sa kapwa?
4. Ano ang realisasyon mo sa gawaing ito?
Gawain: Basahin ang sanaysay

Isang guro ko noong elementarya ang nagpakita ng


kakaibang dedikasyon sa kaniyang propesyon. Hindi na niya
naisipang mag-asawa at inilaan na lamang niya ang kaniyang
panahon sa pagtuturo sa amin. Napakabait niya at mapag-unawa
sa aming kakulangan. Kaya sa aming pagtatapos, sinabi ko sa
kaniya na siya ang pinakapaboritong guro ko at binigyan ko siya
ng isang liham pasasalamat. At sinabi ko rin na sa kanya na hindi
ko makakalimutan ang mga naituro niya sa akin
Mga Katanungan:

● Tungkol saan ang talata na iyong binasa?


● Anong aral o mensahe ang nais na iparating ng essay?
● Anong katangian ang iyong makikita mula sa talata?
● Ano ang iyong realisasyon matapos mabasa ang
sanaysay?
Gawain: I-COMMENT NA YAN!
Panuto:

• Pumili ng isang tagapaglingkod sa


larawan.
• Ilarawan ang kanilang ginagawa o
ano ang masasabi nyo sa kanila.
• Ilahad kung papaano ninyo
ipapakita ang pasasalamat sa
kanila at ipaliwanag kung ano ang
kahalagahan ng pagpapakita nito.
MAHALAGA NA MARUNONG KANG
MAGPASALAMAT AT MGBIGAY NG
POSITIBNG KOMENTO AT KILALANIN
MO SILANG TAGAPAGLINGKOD SA
PAMAYANAN.

IKAW AY NAGING MATAGUMPAY


THANKFUL TREE !
Gawain: THANKFUL TREE !

Materyales: bond paper, colored paper or pad paper

- Kumuha ng bond paper at colored paper.


Gamit ito ay gumuhit o gumawa ng isang puno na
may maraming dahon. Sa bawat dahon ay isusulat
ninyo kung sino ang gusto ninyong pasalamatan at
bakit. Maaaring ito'y simpleng mga salita, mga
pangalan ng mga tao na inyong pinasasalamatan, o
mga karanasan na nagdulot sa inyo ng kasiyahan o
pag-unlad.
TANDAAN:

Ugaliing maging mapagpasalamat sa buhay at sa mga taong


nakapaligid sa atin. Dahil ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga at
pagtanggap sa mga simpleng biyaya na ating natatanggap.

You might also like