Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 62

Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan – Modyul 4


Kaugnayan ng Rebolusyong
Pangkaisipan sa Rebolusyong
Amerikano at Pranses
Gawain 1: Bigyang linaw, Ipaliwanag Mo!

Ano-ano ang mahalagang kontribusyon ng mga sumusunod na


pangyayari sa Europe?

Panuto: Bigyan ng linaw ang mga sumusunod mula sa isa tanong sa ibaba. Isulat ang inyong
mga sagot sagutang papel.
Mahalagang Kontribusyon
Ang Unang Yugtong
Imperyalismo at
Kolonisasyon
Rebolusyong Siyentipiko

Rebolusyong Industriyal

Panahon ng Enlightenment
Panuto: Pagdugtonging ang mga salitang magkaugnay mula sa hanay
A at hanay B. Gawin ito sa sagutang papel.

A B

1.Kolonyalismo Digmaan

2.Siyentipiko Tributo

3.Rebolusyon Pananakop

4.Komunikasyon Siyensya

5.Kontribusyon Pakikipagugnayan
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4
Kaugnayan ng Rebolusyong
Pangkaisipan sa Rebolusyong
Amerikano at Pranses
Rebolusyon
Ang Rebolusyon ay tumutukoy sa
mabilisang pagbabago ng isang
institusyon o lipunan. Nagdudulot ito
ng pansamantalang kaguluhan sa
mga taong nasanay sa tahimik at
konserbatibong pamumuhay.

Rebolusyon
Sa Pilipinas, nangyari ang EDSA
Revolution noong 1986, ito ang
kauna-unahang mapayapang
rebolusyon sa daigdig na may
mapayapang demonstrasyon na
nagtagal ng apat na araw mula
Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng
taong iyon.
Rebolusyon
Panuto: Magbigay ng dahilan at epekto ng pagkalunsad ng
rebolusyon. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

Dahilan Epekto
Mahalagang malaman at maintindihan ng bawat isa
na ang kasawian at tagumpay na naranasan ng
bawat lipunan ay may pinag-ugatan. Ang
paglaganap ng Rebolusyong Pangkaisipan ay
nagdudulot ng malaking impluwensiya upang
mabago ang hindi mabuting sistemang namayani sa
iba’t-ibang lipunan sa Europe, Amerika, Asya at iba
pang bahagi ng daigdig bago matapos ang taong
1700.
Rebolusyong Pangkaisipan
Ang rebolusyon ay tumutukoy sa mabilisang pagbabago
ng isang institusyon o lipunan. Nagdudulot ito ng
pansamantalang kaguluhan sa mga taong nasanay sa
tahimik at konserbatibong pamumuhay. Isa sa mga bunga
ng pamamaraang makaagham ang pagbabagong ginawa
nito sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng tao. Marami ang
nagmungkahi na gamitin ang pamamaraang ito upang
mapaunlad ang buhay ng tao sa larangang
pangkabuhayan, pampulitika, panrelihiyon at maging sa
edukasyon. Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan
(Enlightenment).
Rebolusyong
Pangkaisipan
Ang ideyang ito ay nakasentro sa paggamit
ng ‘reason’ o katuwiran sa pagsagot sa
suliraning panlipunan, pampulitikal, at
pang-ekonomiya. Ito ay nagsimula sa
batayang pangkaisipang iminungkahi ng
mga pilosopo.

Rebolusyong
Pangkaisipan
Nagkaroon ng mga salon na naging lugar ng talakayan
ng mga pilosopo, manunulat, artists at iba pang katulad
nito. Sa Paris nagmula ang salons noong 1600’s, dito
nagkakaroon ng pagbasa ng tula ang kababaihan. Sa
pagsapit ng 1700’s, ang kababaihang mula sa gitnang-uri
ay nagkaroon ng kani-kanilang pagtitipon. Naging lugar
ito ng pagkikita ng mga middle class at noble na may
pagkakaunawaang pantay sila lalo’t higit sa pagtalakay
ng mga ideyang liberal.
Rebolusyong
Pangkaisipan
Kaisipang Politikal
Noong ika-18 na siglo, umunlad ang
Englightenment o Rebolusyong
Pangkaisipan. Isa sa kinilalang pilosopo
sa panahong ito ay si Baron de
Montesquieu dahil sa kanyang tahasang
pagtuligsa sa absolutong monarkiyang
nararanasan sa France.

Baron de Montesquieu
Sa aklat na pinamagatang “Spirit of the
Laws” (1748), tinalakay ni Baron de
Montesquieu ang iba’t ibang pamahalaang
namayani sa Europe. Ang Parlemento ay
kalipunan ng mga pangkaraniwang tao at
mga baron na kasapi ng konseho na
naglalayong maging tagapagsalita ng mga
mamamayan.

Baron de Montesquieu
Higit na kinilala ang kaisipang balance of
power ni Montesquieu na tumutukoy sa
paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan sa
tatlong sangay (ehekutibo,
lehislatura at hudikatura). Ang paglikha ng
ganitong uri ng pamahalaan ay nagbibigay
proteksiyon sa mamamayan laban sa pang-
aabuso ng kapangyarihan ng pamahalaan.

Baron de Montesquieu
Philosophes
Isang pangkat ng mga philosophes
ang nakilala sa France.
Pinaniniwalaan ng pangkat na ito na
ang reason o katuwiran ay
magagamit sa lahat ng aspeto ng
buhay, tulad ni Isaac Newton na
ginamit ang katuwiran sa agham.
Philosophes
Sir Isaac Newton FRS was an English
polymath active as a mathematician,
physicist, astronomer, alchemist,
theologian, and author who was
described in his time as a natural
philosopher. He was a key figure in the
Scientific Revolution and the
Enlightenment that followed.
Isaac Newton
Limang mahahalagang kaisipan
ang bumubuo sa kanilang
pilosopiya.

Philosophes
1. Ang katotohanan (truth) ay
maaaring malaman gamit ang
katwiran. Ang katwiran ay ang
kawalan ng pagkiling at
kakikitaan ng pag-unawa sa mga
bagay-bagay.
Philosophes
2. May paggalang sa kalikasan
(nature) ng isang bagay. Ang likas o
natural ay mabuti. Naniniwala ang
mga philosophes na ang lahat ng
bagay ay may likas na batas (natural
law). Tulad ng pisikal na may likas
na batas na sinusunod, gayon din ang
Philosophes
ekonomiya at politika.
3. Para sa mga philosophes, ang
kaligayahan ay matatagpuan ng
mga taong sumusunod sa batas ng
kalikasan. Naniniwala sila na ang
maginhawang buhay ay
maranasan sa mundo.
Philosophes
Taliwas ito sa paniniwalang
Medieval na kailangang
tanggapin ang kahirapan habang
nabubuhay upang matamasa ang
kaginhawaan sa kabilang buhay.
Philosophes
4. Ang mga philosophes ang
unang Europeong naniwala na
maaaring umunlad kung gagamit
ng “makaagham na paraan”.

Philosophes
5. Tulad ng mga British, ninais ng
mga philosophes na maranasan
ang kalayaan sa pagpapahayag,
pagpili ng relihiyon,
pakikipagkalakalan at
paglalakbay.Mangyayari lamang
ito kung gagamitin ang reason.
Philosophes
Itinuturing na maimpluwensiyang
philosophe si Francois Marie Arouet
mas kilala sa tawag na Voltaire na
nakapagsulat ng higit sa 70 aklat na
may temang kasaysayan, pilosopiya,
pulitika, at drama.
Voltaire
Madalas gumamit ng satiriko si
Voltaire laban sa mga katunggali
tulad ng mga pari, aristocrats at ang
pamahalaan. Ilang beses siyang
nakulong at ipinatapon sa England
ng dalawang taon.
Voltaire
Nang makabalik sa Paris,
ipinagpatuloy niya ang
pambabatikos sa batas at
kaugaliang Pranses at maging sa
relihiyong Kristiyanismo.
Voltaire
Isa pa sa kinilalang pilosopo sa
Inglatera ay si John Locke na may
parehong paniniwala gaya ni Hobbes
na kinakailangang magkaroon ng
kasunduan sa pagitan ng mga tao at
ng kanilang pinuno.
John Locke
Ngunit naiiba siya sa paniniwala na
ang tao sa kanyang natural na
kalikasan ay may karapatang
mangatwiran, may mataas na moral
at mayroong mga natural na
karapatan ukol sa buhay, kalayaan, at
John Locke pag-aari.
Ayon kay Locke, ang tao ay
maaring hindi sumunod sa
kanyang kasunduan sa pinuno
kung ang pamahalaan ay hindi
kayang pangalagaan at ibigay ang
mga natural na karapatan.
John Locke
Binigyang diin niya na kung ang
tao ay gumamit ng
pangangatwiran ay makararating
siya sa pagbubuo ng isang
pamahalaang mabisang
makikipag-ugnayan at tutulong sa
kanya.
John Locke
Philosophes
Philosophes
Noong 1690, inilathala niya ang
Two Treatises of Government na
naging popular at
nakaimpluwensiya sa kabuuan ng
Europe at maging sa kolonya ng
Inglatera, ang Kolonyang Amerika.
Thomas Jefferson
Ang sanaysay na ito ang naging
basihan ng mga Amerikano na
lumaya at ihayag ang kasarinlan
mula sa Great Britain.

Thomas Jefferson
Ang Deklarasyon ng Kalayaan na
sinulat ni Thomas Jefferson ay
naging mahalagang sulatin sa
paglaya ng Amerika sa mga Ingles
ay halaw sa mga ideya ni Locke
ukol sa kasunduan sa pagitan ng
mga tao at ng pamahalaan.
Thomas Jefferson
Isa pang philosophes ang
tumalakay sa prinsipyo ng
pamamahala ay si Jean Jacques
Rousseau.

Jean Jacques Rousseau


Kinilala siya bilang isang mahusay
na manunulat ng mga sanaysay na
tumatalakay sa kahalagahan ng
kalayaang pang-indibidwal
(individual freedom).
Jean Jacques Rousseau
Naniniwala siya na ang pag-unlad
ng lipunan o sibilisasyon ang
siyang nagnakaw sa kabutihan ng
tao.
Jean Jacques Rousseau
Ayon sa kanya, likas na mabuti ang
tao. Nagiging masama lamang ang
tao dahil sa impluwensiya ng
lipunang kaniyang kinabibilangan.

Jean Jacques Rousseau


Inihain niya ang paniniwala
tungkol sa mabuting pamahalaan sa
kanyang aklat na The Social
Contract.

Jean Jacques Rousseau


Naniniwala siya na magkaroon
lamang ng maayos na pamahalaan
kung ito ay nilikha ayon sa
‘pangkalahatang kagustuhan’.

Jean Jacques Rousseau


Ang Social Contract ang naging
batayan upang malikha ang
Saligang Batas ng France
matapos ang rebolusyon.
Ipinahiwatig ng prinsipyong ito ang
kasunduan ng mga malayang
mamamayan na magbalangkas ng
isang lipunan at pamahalaan na
alinsunod sa pangkalahatang
kagustuhan o (general will) ng
lipunan.
Batay sa kasunduang ito isinusuko
ng mga mamamayan ang ilan sa
kanilang karapatan para sa
kapakanan ng lahat (common good)
habang ang pamahalaan ay may
tungkulin na dapat gampanan sa
pamamagitan ng pagtataguyod ng
hustisya at kapakanang
pangkalahatan (general welfare).
Mga Pamprosesong Tanong:
Panuto: Basahin at sagutan
ang sumusunod na tanong:

Isulat ang mga sagot sa


sagutang papel.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang ipinapahiwatig ng
Rebolusyong Pangkaisipan?

Mga Pamprosesong Tanong:


2. Ano ang layunin ng
Rebolusyong Pangkaisipan?

Mga Pamprosesong Tanong:


3. Paano sumibol ang
Rebolusyong Pangkaisipan?

Mga Pamprosesong Tanong:


4. Paano nakatulong ang
Rebolusyong Pangkaisipan sa
pagbago ng balangkas ng
pamahalaan?
Mga Pamprosesong Tanong:
5. Bakit mahalaga ang
partisipasyon ng bawat
mamamayan sa pagbalangkas
ng pamahalaan sa
pamamagitan ng pagkakalikha
ng Saligang Batas?
Mga Pamprosesong Tanong:
Oryentasyong Pagbigkas

1. Bakit nagkakaroon ng pambabatikos sa isang


pamahalaan?

2. Bakit mahalaga sa isang tao na matutong


mangatwiran sa mga bagay bagay?
Base sa mga katanongan na inyong sinagotan,
anong ideya ang inyong naisip patungkol sa aralin
na tatalakayin natin ngayon?
1. Batay sa iyong binasa paano nababago ng
Rebolusyon ang isang institusyon at lipunan?

2. Ano sa iyong palagay ano ang maaaring


maging bunga o epekto ng Rebolusyon sa
isang bayan o bansa?
Bilang mag-aaral ano ang mahahalagang aral
ang inyong natututan sa ating natapos na
aralin?

You might also like