Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

ANG RELASYON SA PAGITAN NG PAGBASA AT PAG-

INTINDI NG BINABASA SA AKADEMIKONG


PERPORMANS NG MGA MAG-AARAL

ZAMBONGA DEL SUR SCHOOL OF ARTS AND TRADES TAONG PANUNURUAN 2022-2024
MGA MANANLIKSIK MULA SA OBEDIENCE

WELJEAN C. CUEVAS
JESSA B. DELEVERIO
RANIE JUNE MARK V. ASOY
ELJUN C. SALASA
EVA MARIE DUMINGUEZ
Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay nagsusuri sa pagitan ng kakayahang magbasa at pag-unawa sa binabasa. Ang pangunahing problema na kinakaharap ng mga kabataan ngayon ay ang kakulangan sa pag-unawa ng mga tekstong binabasa at
hirap sa pag-basa at ito ang sanhi sa hindi pagiging aktibo sa pag-aaral. Upang makamit ito ang impormatibo at deskriptibong survey ng pananaliksik disenyo ay pinatibay. Ang pag-aaral ay nakatutok lamang sa zssat
(ZAMBOANGA DEL SUR SCHOOL OF ARTS AND TRADES). Ang simpleng pamamaraan ng random sampling ay pumili ng isang sample ng (83) mag-aaral. Ang mga instrumentong ginagamit ng mga mananaliksik ay ang
mga talatanungan. Ang naging resulta ng aming pananaliksik ay nagpapakita na may relasyon ang pagbasa at pag intindi ng binabasa sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral, dahil ito ang nagsisilbing gabay ng mga mag-
aaral upang mapaunlad at mabuo ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa zssat. At napatunayan din sa ginawa naming pananaliksik na ang pag-basa at pag-intindi ng binabasa ay mahalaga para sa akademikong perpormans
ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makilala at maunawaan ang mga pangunahing sanhi ng kakulangan sa pag-unawa sa binabasa at hirap sa pagbasa ng mga mag-aaral sa ZSSAT, upang mabigyan ng angkop
na solusyon at mabigyan ng mabisang pamamaraan ang mga ito. Ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagpapahusay ng akademikong perpormans ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa
kakayahang magbasa at mag-unawa sa binabasa.
KONSEPTWAL NA BALANGKAS

PAG-BASA PAG-INTINDI

AKADEMIKONG
PERPORMANS

• EDAD
• KASARIAN
• BAITANG
• INCOME
• GABAY NG MAGULANG
• LUGAR NA TINITIRHAN
TEORITIKAL NA BALANGKAS

TEORYANG BOTTOM-UP
Sinasabi sa teoryang ito na ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo o
(stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tunog (tugon o response). Ayon pa sa teoryang ito ang
pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto yugtong pagkilala ng mga titik salita parirala at
pangungusap ng buong teksto bago ang pagpapakahulugan sa teksto. Ang teoryang ito ay tinatawag na
pagkilala sa salita at ang teksto ang tinatayang pinakamahalagang elemento sa pagbasa.

TEORYANG TOP DOWN


Bilang reaksyon sa naunang teorya isinalarawan. napatunayan kasi ng maraming dalubhasa na ang
pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa (top) tungo sa teksto (down).

Teoryang Iskima
Bawat bagong impormasyon nakukuha sa pagbabasa ay na idara sa dati ng iskima, ayon sa teoryang
ito. Samakatuwid, bago pa man basahin ang isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay ng
ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskema sa paksa.
Teoryang interaktib

Ayon sa teoryang ito ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng author at sa pag-unawa nito
ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o
kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyon awtor-mambabasa at mababasa-awtor ito'y may dalawang
direksyon o bi-directional.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1. Ano ang halaga ng pagbasa at pag intindi ng binabasa sa mga sumusunod:


A. Numeracy
B. Literacy
2. Ano ang relasyon sa pagitan ng pagbabasa at pag intindi ng binabasa sa pagkakaroon ng magandang
perpormans sa akademiko?
3. Ano-anong mga impormasyon ang ginagawa ng mga guro upang matugunan ang suliraning
kinakaharap ng mga mag-aaral?
A. Pag-basa
B. Remidial
HAYPOTESES

HAYPOTESIS Walang mahalagang kaugnayan ang relasyon sa pagitan ng pagbasa at pag intindi ng
binabasa sa mga mag-aaral.
KABANATA 4
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON
TANONG OO MINSA DEPE HINDI
N NDE

1. Para sayo mahalaga ba ang pagbasa at pag intindi ng binabasa? 83 0 0 0

2. Sa tingin mo ba lahat ng magaaral ay marunong mag basa at 7 11 42 23


umunawa?
3. Kinakailangan bang marunong Kang magbasa at umunawa 50 22 6 5
upang Kaya mong makipaghalubilo sa ibat-ibang Tao at sa ibat-
ibang pagkakataon?
4. May relasyon ba ang pagbabasa at pag intindi sa isat isa? 62 5 14 2
5. Sapat lang ba na marunong kalang bamasa at hindi kayang 5 6 15 57
umunawa?
6.kaya mo bang umintindi kahit hindi ka masyadong nakakabasa? 15 21 28 19

7. Sa ginagawang catch-up friday ng deped matutugonan Kaya ang 52 5 22 4


kakulangan sa kaalaman ng mga kabataan na hindi marunong
magabasa?
8. Ang paggawa ng aktibidad sa pagbabasa tuwing byernes ay 53 13 15 2
sagot ba sa problema tungkol sa kabataan na hindi marunong
magabasa?
9.Sa tingin ninyo ba ang mga hindi marunong mag basa ay may 36 10 27 10
pagasa pa ba para makapagtapos ng pag-aaral?
10. Kasalanan ba ng mga guro na Hindi marunong mag basa at 5 5 21 52
umintindi ang mga mag-aaral?

Ang sumagot ng oo na nangingibabaw sa lahat ay ang pinakaunang tanong dahil para sa kanila
mahalaga ang pagbasa at pag intindi ng binabasa. Kung ikukumpara natin sa ibang katanungan. Ang
pinakamababang bilang naman sa sumagot ng oo na nagtamo ring maraming sumagot sa hindi ay ang
sapat lang ba na marunong ka lang bumasa at hindi kayang umunawa.
1. Para sayo mahalaga ba ang pagbasa at pag intindi ng BILANG PORSYENTO RANKING
binabasa?

Oo 83 100% 1
MINSAN 0
DEPENDE 0
HINDI 0

Nagkaroon ng pinaka mataasna puntos ang Oo na nakakuha ng 100% ayon sa among nakapanayam na si Ivan
ang pag-basa at pag-intindi ng binabasa ay mahalaga para magkaroon ng kaalaman sa ating paligid at ito Ang
tulay para malaman ang ibat-ibang bagat. Walang sumagot ng hindi dahil ayon sa aking nakapanayam na si
mark hindi siya sumagot ng "hindi" sa kadahilanan na mahalaga sa kanya ang pag-basa at pag-intindi ng
binabasa.
2. Sa tingin mo ba lahat ng magaaral ay marunong mag BILANG PORSYENTO RANKING
basa at umunawa?
Oo 7 8% 4
MINSAN 11 13% 3
DEPENDE 42 51% 1
HINDI 23 28% 2

Nagkaroon ng pinakamataas na puntos ang sagot na depende na nakakuha ng 51% dahil ayon sa aming
nakapanayam na si lovely joy naka depende daw ng mga mag-aaral na marunong magbasa at umunawa
mayroonng ibang mag-aaral na na kulang ang kanilang kasanayan sa pagbabasa at pag-uunawa sa
kanilang binabasa. Nagkaroon ng pinakamababang porsyento ang sagot na oo at ito ay nakakuha ng 8%
dahil ayon sa aming nakapanayam na si shena dahil lahat daw tayo ay nag-aaral at tayo ay tinuturuan ng
ating mga guro kung sa ganon marunong tayo lahat mag-basa.
3. Kinakailangan bang marunong Kang magbasa at BILANG PORSYENTO RANKING
umunawa upang Kaya mong makipaghalubilo sa ibat-
ibang Tao at sa ibat-ibang pagkakataon?

Oo 50 60% 1
MINSAN 22 27% 2
DEPENDE 6 7% 3
HINDI 5 6% 4

Nagkaroon ng pinakamataas na puntos ang Oo na nakakuha ng 60% ayon sa aming nakapanayam na si


audrey dahil hindi kayo magkaka-intindihan ng iyong kausap kung hindi ka marunong mag-basa at
umitindi ng binabasa. Nagkaroon ng pinakamababang porsyento ang sagot na hindi at ito ay nakakuha
ng 6% ayon sa aming nakapanayam na si Jemairah dahil hindi naman mahalaga ang pag-basa at pag-
intindi upang tayo ay makikipaghalubilo. Maraming tao ang Hindi nakakabasa at nakakaintindi kagaya
ng hindi nakapag aral marunong din naman sila makipaghalobilo.
4. May relasyon ba ang pagbabasa at pag intindi sa BILANG PORSYENTO RANKING
isat isa?
Oo 62 75% 1
MINSAN 5 6% 3
DEPENDE 14 17% 2
HINDI 2 2% 4

Nagkaroon ng pinakamataas na puntos ang sagot na oo at ito ay nakakuha ng 75% dahil ayon sa aming
nakapanayam na si marian mayroong relasyon ang pagbasa at pag intindi sa isa't isa. Ang pagbasa at
pag intindi ay magkasama dahil ang ang pag-intindi ay naganap sa pamamagitan ng pagbasa.kapag
tayo ang nagbabasa binabasa natin ang mga salita at teksto upang maunawaan ang mga mensahe at
kaisipan na ibinabahagi ng may akda. Nagkaroon ng pinakamababang porsyento ang sagot na hindi at
nakakuha ng 2% dahil ayon sa aming nakapanayam na si ivan chavez hindi daw niya alam na may
relasyon pala ang pagbasa at pag hindi sa binabasa.
5. Sapat lang ba na marunong kalang BILANG PORSYENTO RANKING
bamasa at hindi kayang umunawa?

Oo 5 65% 4
MINSAN 6 7% 3
DEPENDE 15 18% 2
HINDI 57 69% 1

Nagkaroon ng pinakamataas na puntos ang hindi na nakakuha ng 69% ayon sa aming nakapanayam na
si Jasmine na hindi sapat na marunong ka lang bumasa at hindi kayang umunawa dahil ano pa ang
saysay kung marunong ka ng bumasa at hindi ka naman marunong umunawa ng iyong binabasa.
Nagkaroon ng pinakamababang porsyento ang sagot na o at nakakuha ng 6% dahil ayon sa aming
nakapanayam na si mema oo dahil para sa kanya sapat lang na marunong siyang magbasa dahil daw
noon hindi talaga daw siya marunong magbasa at tinatawanan daw siya ng kanyang kaklase kaya't
sapat lang na marunong siyang mag bumasa kahit hindi siya marunong umintindi.
6.kaya mo bang umintindi kahit hindi ka BILANG PORSYENTO RANKING
masyadong nakakabasa?
Oo 15 18% 4
MINSAN 21 25% 2
DEPENDE 28 34% 1
HINDI 19 23% 3

Nagkaroon ng pinakamataas na puntos ang sagot na depende at ito ay nakakuha ng 34% dahil ayon sa
aming nakapanayam na si hann na nakadepende daw ito sa kasanayan ang paraan ng pag-aaral. Saad pa
niya mayroong paraan ng pag-aaral at pag-unawa tulad ng pakikinig sa guro na hindi na kailangan ng
mag-aaral na magbasa sa teksto kasi may ibang guro na siya ang magbabasa sa teksto. Nagkaroon ng
pinakamababang porsyento ang sagot na oo at nakakuha ng a18% dahil ayon sa aming nakapanayam
na si mohadira Oo nakakaintindi siya kahit masyadong nakakabasa dahil palagi daw siyang nagbabasa
ng diksyonaryo.
7. Sa ginagawang catch-up friday ng deped BILANG PORSYENTO RANKING
matutugonan Kaya ang kahulugan sa kaalaman
ng mga kabataan na hindi marunong magabasa?
Oo 52 62% 1
MINSAN 5 6% 3
DEPENDE 22 27% 2
HINDI 4 5% 4

Nagkaroon ng pinakamataas na porsyento ang oo na nakakuha ng 62% ayon sa aming nakapanayam na


si lyka nakakatulong daw ang ginawang catch-up friday dahil habang ginagawa iyon ay nag iimprove
ang mga mag-aaral at natututo. Nagkaroon ng pinakamababang porsyento ang sagot na hindi at
nakakuha ng 5% dahil ayon sa aming nakapanayam na si renzjo hindi dahil sa tuwing araw ay biyernes
ang mga mag-aaral nahindi marunong mag-basa ay umaabsent.
8. Ang paggawa ng aktibidad sa pagbabasa tuwing BILANG PORSYENTO RANKING
byernes ay sagot ba sa problema tungkol sa kabataan
na hindi marunong magabasa?
Oo 53 64% 1
MINSAN 13 16% 2
DEPENDE 15 18% 3
HINDI 2 2% 4

8.Nagkaroon ng pinakamataas na puntos ang sagot na oo at ito ay nakakuha ng 64% dahil


ayon sa aming nakapanayam na si shane marie ang paggawa ng aktibidad sa pagbabasa at
tuwing byernes ay sagot sa problema tungkol sa kabataan na hindi marunong magbasa dahil
ito ang nagpapahalaga sa kanilang kaalaman at para din mabigyan sila ng pagkakataon na
ma-develop ang kanilang kasanayan sa pag-basa. Nagkaroon ng pinakamababang porsyento
ang sagot na hindi at nakakuha ng 2% dahil ayon sa aming nakapanayam na si rizzy hindi
dahil ang mga ibang estudyante ay hindi nila nilagay sa utak ang tinuturo sa kanila.
KABANATA V LAGOM

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Ang relasyon sa pagitan ng pagbasa at pag intindi ng
binabasa sa akademikong performance ng mga mag-aaral”. Ang pag-aaral na ito ay may layunin na (1)
Malaman ang halaga ng pagbabasa at pag intindi ng binabasa sa karunungan. Ang pag-aaral na ito ay
gusto rin (2) Matukoy ang relasyon sa pagitan ng pagbabasa at pag intindi ng binabasa sa akademikong
performance ng mga mag-aaral. (3) Maisa isa ang iba’t ibang impormasyon na ginagawa ng mga guro
upang matugunan ang suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nakatutok
lamang sa ZSSAT (ZAMBOANGA DEL SUR SCHOOL OF ARTS AND TRADES). Ang simpleng
pamamaraan ay pumili ng isang sample ng (83) mag-aaral. Ang resulta ng aming pananaliksik ay
nagpapakita na may relasyon ang pagbasa at pag intindi ng binabasa sa akademikong performans.
KONKLUSYON

Sa ginawa naming pananaliksik may relasyon ang pagbasa at pag intindi ng binabasa sa mga mag-aaral
dahil ito ang nagsisilbing gabay ng mga mag-aaral upang mapaunlad at mabuo ang kritikal na pag-iisip
ng mga mag-aaral sa zssat.
REKOMENDASYON
Ang pag-basa at pag-intindi ng mga binabasa ay mahalaga para sa akademikong performance ng mga mag-
aaral. Narito ang ilang mga rekomendasyon:
1. Pagsulong ng reading comprehension skills. Mahalaga na matutuhan ng mga mag-aaral ang
mabisang pag-unawa sa binabasa, kabilang ang pagtukoy ng mga pangunahing ideya, pagkakaugnay ng mga
detalye, at pagsasama-sama ng impormasyon.
2. Pagpapaunlad ng vocabulary. Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa mga salita ay
nakatutulong sa mas mabisang pag-unawa ng mga binabasa, lalo na sa mga akademikong teksto.
3. Pagsasanay sa analytical at critical reading. Kailangan ng mga mag-aaral na matuto ng mga
kasanayan sa pag-aaral ng mga teksto nang may kritikal na pag-iisip, upang makabuo ng mga sariling
konklusyon at pananaw.
4. Pagsulong ng reading habits. Ang regular na pagbabasa, maging sa labas ng klase, ay nakatutulong
sa pagpapalakas ng kakayahan sa pag-unawa at pagbuo ng kaalaman.
5. Pagbibigay ng suporta at gabay. Ang mga guro at magulang ay maaaring tumulong sa mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga estratehiya at pag-aaral ng mga teksto.

Ang pagsasagawa ng mga ito ay makatutulong upang mapahusay ang akademikong performance ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng mas mabisang pag-unawa at paggamit ng mga binabasa.

You might also like