Mga Alusyon at Mga Talinhaga Sa Pagsulat

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

MGA ALUSYON AT MGA

TALINHAGA SA PAGSULAT
Ang alusyon, na tinawag na tukoy
ni Alejandro ay pamamaraan
panretorika na gumagamit ng
pagtukoy sa isang tao, pook,
katotohanan, kaisipan o
pangyayari na iniingatan sa
pinakatagong sulok ng alaala ng
isang taong may pinag-aralan.
1. ALUSYON SA
HEOGRAPIYA

Halimbawa:

A. Ang Boracay ang Hawaii ng Pilipinas.

B. Ang Bulkang Mayon ang Fujiyama ng Pilipinas.


2. ALUSYON SA BIBLIYA

Halimbawa:

A. Sa dinanas niyang pagsubok sa buhay, siya’y naging


modernong Job na naging matiisin at mapagtagumpay.

B. Ang hukom ay naging Solomon sa paghatol sa kaso ng


dalawang babaeng kapwa nagsisilbi silang ina ng batang babae.
3. ALUSYON SA LITERATURA

Halimbawa:

A. Ang aming kapitbahay ay isang Sisa na naghahanap ng


kanyang dalawang anak na nawawala.

B. Isa siyang makabagong Simoun nang bumalik siya sa


sariling bayan.
4. ALUSYON SA MITOLOHIYA

Halimbawa:

A. Si Florante ay binanggit sa Florante at Laura na isang


Adonis o kaya’y isang Narciso.

B. Napakalaking karangalan ang tagurian siyang Venus ng


kagandahan.
5. ALITERASYON
Paggamit ng magkakaugnay na salitang may pag-uulit ng inisyal
na tunog-katinig, tulad ng makikita sa mga salitang langit at lupa,
biyak na bunga, lungkot at ligaya.

A. Pilit siyang dumilat ngunit parang bakal ang bigat ng talukap ng


kanyang mata.
6. EUPEMISMO
Ang eupemismo ay paggamit ng mga salitang nagpapaganda ng
pangit na pahayag o nagpapalumanay sa bawal o marahas na kahulugan,
tulad ng hinalay, hinidi nireyp; nagdadalang-tao, hindi buntis; bibig,
hindi bunganga; yumao, hindi namatay; lovechild, hindi putok sa buho.

A. Ang lolo niya ay yumao na kamakailan lamang.


7. HAYPERBOLI /
PAGMAMALABIS

Eksaherasyon o lagpas-lagpas na pagpapahayag upang mapatindi ang


damdamin o kaisipan tulad ng sasabog ang dibdib, nanliliit sa kahihiyan,
bumaha ng dugo, namuti na ang mga mata sa kahihintay.

A. Sumambulat sa kanyang mukha ang liwanag ng silid.


B. Mainit at nagbabaga ang ulo ng kapitbahay nila.
8. METAPORA / PAGWAWANGIS

Ito’y naghahambing ngunit hindi gumagamit ng mga salitang gaya ng,


kapara, tila, katulad, at kawangis sapagkat ito’y tiyakang paghahambing.

A. Ang suntok ni Larios ay kidlat sa bilis na tinanggap ni Pacquiao.

B. Ang aking matalik na kaibigan ay isang ahas.


9. SIMILE / PAGTUTULAD

Paggamit ng tuwirang pagkukumpara ng dalawang bagay na magkaiba ang uri at


karaniwang ginagamitan ng mga salitang tulad ng, gaya ng, kapara, tila, mistula, kawangis, at
katulad.

A. Ang punongkahoy ay tila isang nakadipang krus.

B. Ang buhay ng tao ay parang talinhaga.

C. Ang pagkapanalo ng NXP kontra Bren ay mistulang ulan sa isang tag-araw.


10. PERSONIPIKASYON /
PAGSASATAO

Paggamit ng salita na inuuring tao o parang may buhay, bagay, katangian o ideya
tulad ng pahayag na: namamaalam na ang dapithapon, sumisilip na ang araw sa silangan,
ngumiti ang buwan, humihiyaw ang mga katanungan, sumilip ang liwanag sa nakaawang na
pinto.

A. Sumisilip na ang araw sa silangan nang siya’y bumangon.


B. Ang sigaw na iyon ay sinagot ng mga hikbi.
11. METONIMI / PAGPAPALIT-
TAWAG

Paggamit ng isang salita na panumbas o nagpapahiwatig ng kahulugan ng ‘di


tinukoy na salita tulad ng bulsa sa halip na salapi, krus sa halip na relihiyon, dugo sa halip
na kamatayan.

A. Hindi natin siya kayang pag-aralin sapagkat hindi na kaya ng ating bulsa. (salapi)
B. Naubos ang kanyang kayamanan dahil sa alak, sugal at babae. (bisyo)
C. Ginamit ni Rizal ang panulat sa kanyang paghingi ng mga reporma. (mapayapang
paraan)
12. ONOMATOPEYA

Paggamit ng mga salita ang tunog ay gumagagad sa inilalarawan o ang tunog ay parang
alingawngaw ng tunay na kahulugan, tulad ng dagundong ng kulog, sagitsit ng pagprito sa kawali,
haging ng hangin.

A. Sunod-sunod at malalakas ang paghampas-hampas ng mga palapa ng niyog sa bubungan.

B. Ang inahing manok ay kumutuk-kutok saka niyupyupan ang kanyang mga sisiw.

C. Isang alanganing sipol at alanganing tsug-tsug ng mga piston at ng tren ang nabuhay at dahan-
dahang kumilos.
13. OKSIMORON /
PAGTATAMBIS

Ito’y paghahalo ng dalawang salitang magkasalungat na nagiging katanggap-tanggap


naman sa nakaririnig o nakababasa.

A. Nakabibinging katahimikan ang matagal na namagitan nang magkita ang mag-asawang


ilang taon ding nagkahiwalay.

B. Matamis na pasakit ang tinanggap ng Panginoong Hesus nang ipako Siya sa krus.
14. APOSTROPHE/PAGTAWAG

Ito ay paggamit ng mga salita sa pakikipag-usap sa isang


bagay na tila totoo itong buhay.

A. O tukso, layuan mo ako!

B. O pag-ibig, bakit ka mailap?


15. SINEKDOKE / PAGPAPALIT-
SAKLAW

Ito ay pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi bilang


pagtukoy sa kabuuan.

A. Isang bagong mukha ang aming nasilayan sa bahay ni Calamcam.

B. Maraming kamay ang gumawa ng aming proyekto kaya maganda ang


kinalabasa nito.
16. TANONG RETORIKAL

Ang pagpapahayag na ito ay ginagamit upang tanggapin o di-tanggapin


ang isang bagay. Isang tanong na walang inaasahang sagot.

A. Bakit napakahigpit ng kapalaran?

B. Natutulog ba ang Diyos?


17. IRONY / PAG-UYAM

Ito ay nangungutya o nang-aasar sa tao o bagay.

A. Ang sipag mo naman, Juan. Nakikita ko ang sipag


mo sa madumi mong kwarto.
18. PARADOX / SALANTUNAY

Ito ay ang pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan


ng paggamit ng sangkap na animo’y di totoo sa biglang basa o dinig.

A. Ang mayaman ay mahirap sa kaligayahan.


19. ANALOGY /
PAGHAHALINTULAD

Ito ay pagtutulad ng dalawang bagay, lugar, o


ideya na magkatumbas.

A. Ang dalaga ay parang isang bulaklak, at ang binata


ay parang isang bubuyog.

You might also like