Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

MGA DULOG SA PAGTUTURO NG

WIKA

Inihanda ni:Yasmine Faith H. Daño


KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO

Ito ay sumasaklaw sa kasanayan


nakatuon sa mga tuntunin na dapat
iasal sa paggamit ng wika.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA EPEKTIBONG KOMUNIKASYON:

S-etting (lugar kung saan nakikipag talastasan ang mga tao)


P-articipant (ang mga taong nakikipag talastasan)
E-nds (layunin o pakay ng pakikipag talastasan)
A-ct sequence (takbo ng usapan)
K-eys (tono ng pakikipag-usap)
I-nstrumentalities (tsanel o medium na ginamit, pasalita,o pasulat)
N-orms (paksa ng usapan)
G-enre (diskursong ginamit)
MASASABI RING ANG ISANG TAO AY MAITUTURING NA MAY KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
KUNG SIYA AY NAG-AANGKIN NG MGA SUMUSUNOD:

1.May kabatiran sa kayarian ng wika at ng mga tuntuning gramatikal.


2.May kakayahan sa pagpili ng kayariang angkop gamitin para sa epektibong
paghahatid ng nais ipahayag na mensahe.
3.Nalalaman at nagagamit ang mabisang istratehiya sa paghahatid sa kausap o
pinagtutungkulan ng mensaheng nais ipahayag.
4.May kasanayan sa pagkuha ng mensaheng nais ipahayag
5.Sinasaalang alang ang mga salik sosyo-kultural sa kanyang paggamit ng wika
6.Napipili at nagagamit ang mabibisang istratehiya sa pagpapahatid ng iniisip na
mensahe
7.Napipili at nagagamit ang istilo ng pagpapahayag na angkop at tinatanggap sa ibat-
ibang kalagayang sosyal
DULOG

Ang Dulog ay tinatawag na approach. Ito


rin ang isang pamamaraan sa pagtuturo
upang lubos na maunawaan ang isang
aralin.
IBAT-IBANG URI NG PAGDULOG SA

PAGTUTURO NG WIKA
PA G D U L O G G R A M AT I K A L

• Sa pagdulog na ito ay binibigyan ng higit na pansin ang


kayaran ng wika at ang mga huwarang gramatika

• Ang layunin at paksang aralin ay nakatuon sa pag-alam ng


kayarian o istruktura ng wika at ng mga tuntuning gramatikal
PAGDULOG SITWASYUNAL

• Sa pagdulog na ito ay isinasaalang alang kung anong kayariang


pangwika at aspetong gramatikal ang angkop gamitin sa isang
partikular na sitwasyon.

• Ang pagdulog na ito ay batay sa teorya ng kakayahang


komunikatibo na magamit ang wika sa mabisang
pakikipagtalastasan ayon sa pangangailangan at hinihingi ng
sitwasyon.
PAGDULOG NASYONAL
Ang pagdulog na ito ay batay sa simulaing paglinang ng kakayahan ng mga
magaaral sa pagpapahayag ng sadyang nais na ipahatid na mensahe o ideya at
kaisipan na kaugnay ng limang gamit ng wika
Limang (5) Lawak ng Gamit ng Wika:
1.Personal
2. Interpersonal
3. Direktibo
4.. Re-perensyal
5.Imahinatibo

nilalayon sa pagdulog na ito na malinang ang malayang pagpapahayag ng sarili,


naisasagawa dahil sa malinaw na pagkaunawa sa ideya o nosyon at may wastong
pagpiling kayariang pangwikang angkop gamitin sa pagpapahayag
PAGDULOG KOMUNIKATIBO

ang pagdulog na ito ay batay sa paniniwalang ang


kakayahang komunikatibo ay hindi lamang ang kaalaman sa
wika, kundi ang kakayahan sa paggamit ng wika, ang
makapagpahayag ng kaisipan sa pananalitang wasto sa
aspetong pambalarila at angkop sa kalagayan, pangyayari at
gawaing pampaligid ng nagsasalita/ nakikinig.
MGA SALIGAN NG KOMUNIKATIBONG PAGTUTURO
NG WIKA

Ayon sa modelo nina Canale at Swain, may apat(4) na


aspekto o elemento ang Communicative Competence

1.KAHUSAYANG PANGRAMATIKA (GRAMMATICAL COMPETENCE )


2.KAHUSAYANG PANSOSYOLINGGWISTIKA ( SOCIOLINGGUISTIC COMPETENCE
3.KAHUSAYANG PANDISKURSO ( DISCOUSE COMPETENCE )
4.KAHUSAYANG PANG-ISTRATEHIYA( STRATEGIC COMPETENCE )
KAHUSAYANG PANGGRAMATIKA

• kakayahang umunawa at makabuo ng mga istruktura sa


wika na sang-ayon sa mga tuntunin sa gramatika

• sa batayang ito ipinapakita ng isang tao ang kanyang


kahusayan sa paglalapat ng tuntunin sa wika at hindi
kahusayan sa pagsabi ng tuntunin nito
KAHUSAYANG PANSOSYOLINGGWISTIKA

• Batayang Interdisciplinary

• Ang taong may taglay nito ay nakauunawa at


nakagagamit ng kontakstong sosyal ng isang
wika.
KAHUSAYANG PANDISKURSO

Ang "kahusayang pandiskurso" ay tumutukoy sa


kasanayang makabuo at makapagpahayag ng mga
ideya at kaisipan sa pamamagitan ng masusing
paggamit ng wika at iba pang paraan ng
komunikasyon. Ito ay naglalarawan ng kakayahan ng
isang indibidwal na magsalita, magsulat, at
makipagtalastasan nang matalinuhan at epektibo.
KAHUSAYANG PANG-ISTRATEHIYA

Ang "kahusayang pang-istratehiya" ay tumutukoy sa


kakayahan ng isang indibidwal o grupo na magplano at
magpatupad ng mga disenyong pang-istratehiya upang
makamit ang kanilang mga layunin o tunguhin. Ito ay
may kinalaman sa paggamit ng matalinong
pamamaraan, pagpaplano ng mga hakbang, at
pagsasagawa ng mga desisyon na naglalayong mapabuti
ang mga resulta o outcome sa isang partikular na
sitwasyon.
ANG PINAGSANIB NA PARAAN
NG PAGTUTURO NG WIKA AT
PANITIKAN
NARIRITO ANG MGA MUNGKAHING MGA HAKBANG SA PARAANG PINAGSANIB NA
PAGTUTURO NG PANITIKAN AT WIKA

1. Panimula (Introduction )
a. Pagganyak- Umiisip ng mabuting paraan na magigising angkawilihan ng mag-
aaral sa maikling kathang tatalakayin.
b. Paghahawan ng balakid o pag-aaral ng mahihirap na salita namababasa sa loob ng
katha. Maaaring salita o maikling pahayag.
c. Pag-uusap tungkol sa buhay ng may-akda

– Nakakatulong kungminsan sa pag-unawa ng katha kung may nalalaman ang mag-


aaral sa buhay ng awtor. Maaari ring mapag-usapan kung bakit naisulat ng may-akda
ang kathang pinag-aralan.
2.Pagtalakay sa Maikling Katha (Discussion of the Short Story)

Ang mga tanong na pag-uusapan ay kalimitang naibigay na ng sinundang araw bilang takdang-
aralin.

a. Ano ang paksa ng-diwa ng kuwento?


b. Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan?
c.Aling bahagi ng kuwento ang kasukdulan? Kakalasan?

3. Pagbasa (Reading)

a. Pagbasa sa mga talatang may magandang pahayag.

b. Pagbasa sa mga talatang nagpapatunay sa mga sagot.

c. Pagbasa sa mga bahaging madula.


4. Pagsasanib ng Aralin sa Balarila (Integration of Language ang Literature)

Kung ang aralin sa balarila ay pang-uri, maaaring ipapili sa klase ang mga pang-uri na
nasa loob ng kuwento.

a. Maaaring ang mga ito ay ipasulat sa pisara upang makilala ng mabuti at tuloy ay
masabi kung ano ang pang-uri.
b. Matapos maibigay ang katuturanng pang-uri, ipapangkat ang mga panguring nasa
pisara ayon sa kayarian.
c. Maaari rin naming kung ang mga napiling pang-uri ay nasa isahang anyo,
maipasusulat ng guro ang anyong maramihan ng pang-uri.
d. Ipabigay ang tuntunin kung paano nabuo ang maramihan ganyong panguri.
e. Bilang paggamit, maaaring magpasulat ng mga pangungusap o talata na ginagamit ang

mga pang-uri.

f. Gawaing Pasulat. Sa tulong ng mga pang-uring napag-aralan at sa iba pang mga

pang-uring alam nang mag-aaral, ganyakin ang mga mag-aaral na sumulat ng

paglalarawan tungkol sa ilang mungkahing paksa.

g. Maaari rin naming magkaroon ng mga malikhaing Gawain tungkol sa maikling

kuwentong binasa.
THANK YOU!!
Inihanda ni: Yasmine Faith H. Daño

You might also like