G9 AP Q4 Week 7 Impormal Na Sektor

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Impormal na Sektor

Panimula
• Ang pambansang kaunlaran ay makakamit
lamang kung ang lahat ng bumubuo sa sektor ng
ekonomiya at ang pamahalaan ay
magtutulungan.
• May bahaging ginagampanan ng mga sektor ng
agrikultura, industriya at paglilingkod upang
makamit ang pambansang kaunlaran.
• Subalit, hindi masasabing kumpleto ang pag-
aaral ng ekonomiya kung hindi kabilang ang
impormal na sektor sapagkat maraming mga
mamamayan ang kabilang dito.
Impormal na Sektor
• Ito ang sektor ng
ekonomiya na salat o
walang pormal na
dokumentong kailangan sa
pagsasagawa ng mga
gawaing pang-ekonomiya.
• Ang kita ng impormal na
sektor ay HINDI naisasama
sa kabuuang Gross
Domestic Product (GDP) ng
bansa.
Katangian ng Impormal na Sektor

• Hindi nakarehistro sa
pamahalaan;
• Hindi nagbabayad ng
buwis mula sa kinikita;
• Hindi nakapaloob sa
legal at pormal na
balangkas na inilatag
ng pamahalaan para
sa pagnenegosyo.
Impormal na sektor
• Ang impormal na sektor ay paraan ng mga
mamamayan upang magkaroon ng kabuhayan o
dagdag na kita sa tuwing panahon ng
pangangailangan at kagipitan.
• Ang kawalan ng sapat na hanapbuhay at ang
kahirapan ang siyang nagtutulak sa tao na pumasok
sa ganitong uri ng sitwasyon.
• Ang paglaganap ng impormal na sektor ay isang
global phenomenon. Gayumpaman, hindi maikakaila
ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng ekonomiya ng
bansa, partikular na sa pagbibigay ng empleyo o
hanapbuhay sa mga mamamayan.
Iba’t ibang Anyo ng Impormal na
Sektor
Gawaing maaring
isakatuparan sa loob
lamang ng tahanan

Ilegal na gawain tulad Impormal Gawaing pansibiko,


ng pagnanakaw, na kawanggawa at
piracy at Sektor panrelihiyon
prostitusyon.

Mga sari-sari stores,


pagtitinda sa sidewalk,
paglalako ng kalakal at
serbisyo
Gawain na nasa loob ng bahay

Illegal na gawain

Gawaing panrelihiyon

Nagtitinda sa sidewalk
Kahalagahan ng Impormal na Sektor
• Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi
makapasok bilang mga regular na empleyado
sa isang kompanya.
• Nagbibigay ng pagkakataon sa maraming
Pilipino na makapaghanapbuhay.
• Nagsisilbi itong tagasalo ng mga mamamayang
may mahigpit na pangangailangan.
• Malaki ang naitutulong sa mga konsyumer ang
mga kalakal at serbisyong mula sa impormal na
sektor dahil sa mura nitong halaga.
Dahilan ng Impormal na Sektor
• Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa
pamahalaan;
• Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot
na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa
pamahalaan (bureaucratic red tape).
• Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na
kung saan ang mga batas at programa ay hindi
naipapatupad nang maayos;
• Makapaghanapbuhay ng hindi nangangailangan
ng malaking kapital o puhunan;
• Malabanan ang matinding kahirapan.
Epekto ng Impormal na Sektor sa
Ekonomiya
• Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis – Ito ay
nangangahulugan ng malaking pagbawas sa
kabuuang koleksiyon o maaaring kitain ng
pamahalaan sa pangongolekta ng buwis.
• Banta sa kapakanan ng mga mamimili - Ang mga
mamimiling tumatangkilik dito ay maaaring
mapahamak, maabuso, o mapagsamantalahan.
• Paglaganap ng mga ilegal na gawain – Dahil sa
kagustuhan na kumita nang mabilisan, ang mga tao
ay nauudyok na pumasok sa mga gawaing ilegal o
labag sa batas.
Pagbubuod:
• Ang impormal na sektor ay sektor ng
ekonomiya na salat o walang pormal na
dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng
mga gawaing pang-ekonomiya.
• Ang kita ng impormal na sektor ay HINDI
naisasamasa kabuuang Gross Domestic Product
• Ang mga katangian ng impormal na sektor ay
hindi nakarehistro sa pamahalaan; hindi
nagbabayad ng buwis mula sa kinikita; at hindi
nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na
inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo.
TAKDANG ARALIN:
PAGPAPAHALAGA

• Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin


ng pamahalaan upang mabawasan ang
mga taong nagpupunta sa impormal na
sektor?

You might also like