Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Tekstong Argumentatibo

Pinagkaiba ng Persuweysib at
Argumentatibo, Maling Paraan ng
Pakikipag-argumento
Pangangatwiran:
Sa batas man ng Diyos o maging
sa tao, mababasa ang pagtiyak sa
karapatang magpahayag ng kani-
kaniyang opinyon. Dito
nabubuhay ang prinsipyo ng
demokrasya at maging ang banal
na aral ng kalayaan.
Mangatwiran ka!
Genesis 3:1-10 ang panunukso ng
ahas sa kay Eva.
Mga Uri Ng Maling Pangangatwiran
1.) Argumentum ad Hominem
2.) Argumentum ad Baculum
3.) Argumentum ad Misericordia
4.) Non sequitur
5.) Ignoratio Elenchi
6.) Dilema
Mga Uri Ng Maling Pangangatwiran
•Argumentum ad Hominem
Isang nakahihiyang pag-atake sa
personal na katangian/katayuan
ng katalo at hindi sa isyung
tinatalakay o pinagtatalunan
Mga Uri Ng Maling Pangangatwiran
•Argumentum ad Hominem
Hal.
Ano ang mapapala ninyong iboto ang
aking katunggali gayong ni hindi siya
naging pinuno ng kanyang klase o ng
kanyang barangay. Balita ko’y under de
saya payata!
Mga Uri Ng Maling Pangangatwiran
•Argumentum ad Baculum
Pwersa o awtoridad ang gamit
upang maiwasan ang isyu at
tuloy maipanalo ang argumento.
Mga Uri Ng Maling Pangangatwiran
•Argumentum ad Baculum
Hal.
Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak
lang kita at wala kang karapatang
magsalita sa akin nang ganyan!
Baka sampalin kita at nang
Makita mo ang hinahanap mo!
Mga Uri Ng Maling Pangangatwiran
•Argumentum ad Misericordia
Upang makamit ang awa at
pagkampi ng mga
nakikinig/bumabasa, gumagamit
ng mga salitang umaatake sa
damdamin at hindi sa kaisipan.
Mga Uri Ng Maling Pangangatwiran
•Argumentum ad Misericordia
Hal.
Limusan natin ang mga kapuspalad na taong
ito sa lansangan. Hindi ba natin nakikita ang
marurumi nilang damit, payat na
pangangatawan at nanlalalim na mga mata?
Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang
sentimos bilang pantawid-gutom?
Mga Uri Ng Maling Pangangatwiran
•Non sequitur
Sa Ingles ang ibig sabihin nito
ay It doesn’t follow.
Pagbibigay ito ng konklusyon sa
kabila ng mga walang
kaugnay ang batayang ginagamit.
Mga Uri Ng Maling Pangangatwiran
•Non sequitur
Hal.
Ang santol ay hindi magbubunga ng
mangga. Masamang pamilya ang
pinagmulan niya. Magulong paligid ang
kaniyang nilakhan. Ano pa ang inaasahan
mo sa ganyang uring tao kundi kawalang-
hiyaan!
Mga Uri Ng Maling Pangangatwiran
•Ignoratio Elenchi
Ginagamit ito ng mga Pilipino
lalo na sa mga usapang barberya,
wika nga: Ito ang kilala sa Ingles
na circular reasoning o paliguy-
ligoy.
Mga Uri Ng Maling Pangangatwiran
•Ignoratio Elenchi
Hal.
Anumang bagay na magpapatunay sa
aking pagkatao ay maipapaliliwanag ng
aking butihing maybahay. Tiyak ko
namang paniniwalaan ninyo siya pagkat
naging mabuti siyang ina ng aking mga
anak, kahit tanungin pa ninyo sila ngayon.
Mga Uri Ng Maling Pangangatwiran

•Dilemna
Naghahandog lamang ng
dalawang opsyon/pagpipilian na
para bang iyon lamang at wala
nang iba pang alternativo.
Mga Uri Ng Maling Pangangatwiran

•Dilema
Hal.
Tatanggapin mo na mayroon
akong kabit o hihiwalayan nalang
kita?

You might also like