Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PONOLOHIYA:

MGA PRINSIPAL NA
SANGKAP NG
PANANALITA AT ANG
MGA PALATUNUGAN
MGA LAYUNIN:
Sa katapusan ng araling ito, inaasahan na ang
mga mag-aaral ay:
Naiisa-isa ang mga prinsipal na sangkap ng
pananalita.
Nailalarawan ang mga salik upang makapagsalita
ang isang tao.
Nagagamit ng wasto ang paraan sa pagsasalita.
PONOLOHIYA

 Isa sa antas ng makaagham na pag-aaral ng ating wika.

 Ang “pono” ay galing sa English ng “phone” na

nangangahulugang “tunog” at;

 “lohiya” na ngangangahulugang “pag-aaral”.

 Isang payak na salita na kinakailangang isa-isahin at

pagdudugtingin ang mga yunit ng tunog na tinatawag na

“ponema”.
 Ang tunog na nagmumula sa lalamunan at bibig ay tinatawag na
speech sounds. Sa tulong ng dila, mga labi, at ilong, nakalilikha
ang tao ng mga tunog.

 Ayon kina Cid Alvarez, Magdalena Jocson, at Pat Villafuerte, na


mga manunulat, may tatlong salik para makabuo ng tunog:

1. Ang pinagmulang lakas o enerhiya na siyang gumagawa ng


puwersa na nagpapalabas ng hangin mula sa mga baga.
2. Ang artikulador o bagay na nagpapagalaw sa hangin na
lumilikha ng mga tunog, kung saan naroon ang vocal cords
(nasa larynx).
3. Ang resonador na siyang sumasala ng mga tunog papuntang
bibig. Ang mga tagasala (filters) ay ang mga organ na nasa itaas
ng larynx (kagaya ng pharynx, oral cavity, at nasal cavity).

Habang dumadaloy ang hangin mula sa mga baga


paakyat sa lalamunan (trachea), dumadaan ito sa larynx mula sa
vocal cords. Mula sa larynx, dumadaloy ang hangin sa pharynx.
Maaari itong pumasok sa bibig (oral cavity) o sa ilong (nasal
cavity) lamang depende sa kalagayan ng malambot na bahagi ng
ngalangala o soft palate.

Kapag nakaangat at hinihila palikod ang palate at sa bibig


lamang puwedeng pumasok ang palabas na hangin, ang malilikha
ay mga tunog na oral. Kapag nakababa naman ang sa ilong, ang
mga tunog sa nasal ang nalilikha, kagaya ng mga tunog na /m/,/n,/
at engma o sa (Latin alpabet ay nagrirepresenta sa voiced velar
nasal).
Ang mga itinuturing na palatunugan ay ang bibig at ang
butas ng ilong. Nasa bibig ang apat na mahalagang sangkap sa
pagbigkas ng mga tunog:
 Dila at panga (sa ibaba/sentral)
 Ngipin at labi (sa unahan/harap)
 Matigas na ngalangala (sa itaas)
 Malambot na ngalangala/uvula (sa likod)

Dahil malayang naigagalaw ang panga at dila,


nagbabago-bago ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng
bibig. Ito ang dahilan kung bakit napag-iiba-iba rin ng
nagsasalita ang uri ng tunog sa lumalabas sa bibig.
KABUUAN:
Napakaimportante ng mga prinsipal na
sangkap ng pananalita sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay. Ang mga tunog na ito
ay naglilikha ng mga tinig at salita na
nagmumula sa ating bibig. Dahil dito, ito ay
nagsisilbing daan o kaparaanan upang
magkaroon tayo ng komunikasyon at
interaksyon sa ating kapuwa’t tao.
MGA SANGGUNIAN

https://www.studocu.com/en-us/document/daytona-state-
college/filipino/ponema-at-ponolohiyasa-araling-ito-layunin-na-
talakayin-ang-makabuluhang-yunit-ng-tunog-at-ang-makabuluhang-pag-
aaral-nito/23964971

https://www.studocu.com/ph/document/mindanao-state-
university-iligan-institute-of-technology/filipino-sining-ng-
komunikasyon/yunit13kakayahanglinggwistiko/40924049

https://www.slideshare.net/MaechelleAnneEstomat/mga-
prinsipal-na-sangkap-sa-pananalita

https://www.google.com/url?
sa=t&source=web&rct=j&opi=89978449&url=https://m.youtube.com/
watch%3Fv
%3Djy2o6zA7uhU&ved=2ahUKEwjW4brL3I2BAxWryzgGHTZZAKgQwqs
BegQIOBAG&usg=AOvVaw3Z9ikTeMARjzkQu_57HTVf
MARAMING
SALAMAT SA
INYONG PAKIKINIG!

You might also like