LWR

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Noli Me

Tangere
is a novel by Filipino writer and activist José Rizal that was released
during the Spanish colonial period in the Philippines. It investigates
purported disparities in law and practice in relation to how the
reigning
government and Spanish Catholic friars treated the native peoples in
the late nineteenth century.
Kabanata 5: Tala sa Gabing Madilim
Mga Tauhan sa Kabanata 5:
• Crisostomo Ibarra
• Maria Clara
• Kapitan Tiyago
• Padre Salvi
• Mga Bisita
Kabanata 5: Tala sa Gabing Madilim
• Sa araw ding iyon, tumungo si Ibarra sa Maynila at nagtuloy sa Fonda de
Lala, kung saan ay inagnam-agnam niya ang mga pangyayari sa buhay ng
kanyang ama. Mula sa kanyang kinalalagyan, kitang-kita niya ang
maliwanag na tahanan ni Kapitan Tiyago, na puno ng kasiyahan. Naririnig
pa nga niya ang mga alaala ng orkestra at kalansing ng mga kubyertos sa
mga pinggan.
Kabanata 5: Tala sa Gabing Madilim
• Sa gabing iyon, nagdaraos muli ng kasiyahan sa bahay ni Kapitan
Tiyago, at dumating rin sa gabi ring iyon ang anak ni Kapitan Tiyago
na si Maria Clara. Sinalubong siya ng mga bisita na kanyang mga
kaibigan, mga kababata, pati na rin ng mga Kastila, Intsik, mga pari,
militar, at mga malalapit na kaibigan ng kanyang ama.
Nakasuot siya ng bonggang-bonggang kasuotan na may mga palamuting
alahas na gawa sa diyamante at ginto. Ang kanyang kagandahan ang
sentro ng pansin sa gabing iyon.
Kabanata 5: Tala sa Gabing Madilim
• Si Padre Salvi, na mahilig sa mga magagandang dalaga, ay labis na
natuwa nang makasalamuha ang dilag dahil may lihim siyang
damdamin dito.
Hindi agad nakatulog si Padre Salvi sa gabing iyon dahil sa kanyang
mga iniisip kay Maria Clara, samantalang si Ibarra naman ay agad na
nakatulog.
Kabanata 6: Si Kapitan Tiyago
Mga Tauhan sa Kabanata 6:
• Crisostomo Ibarra
• Maria Clara
• Kapitan Tiyago
• Padre Damaso
• Pia Alba
• Don Rafael
Kabanata 6: Si Kapitan Tiyago
Si Kapitan Tiyago ang solong anak ng isang negosyanteng nagtitinda ng
asukasl sa Malabon, ay nasa edad na humigit-kumulang sa tatlumpu’t
limang taon na. Bagaman hindi siya nakapag-aral sa paaralan ay
tinuruan naman siya ng isang paring Dominiko.
Nang yumaon ang kanyang ama, itinuloy niya ang kanilang Negosyo at
nakilala siya ni Pia Alba na taga Sta.Cruz at hindi katagalan sila ay
ikinasal. Sila ay kabilang sa itinuturing na mataas na antas sa Lipunan.
Si Kapitan Tiyago ay makisig, moreno, at pandak na may bilugan na
hugis ng mukha. Naging hindi kaaya-aya ang kanyang itsura dahil sa
pag nga-nga at pag gamit ng tabako.
Kabanata 6: Si Kapitan Tiyago
Siya ay naglilingkod bilang gobernadorcillo. Kasama sa kanyang
tungkulin ang pag wawalang-bahala sa pang aalipusta ng mga Kastila sa
mga Pilipino.
Sa kanyang paningin, siya ay isang Kastila at turing niya sa kanyang
mga kababayang Pilipino ay Indio. Mataas ang pagtingin niya sa
kanyang sarili.
Kaibigan ni Kapitan ang lahat ng mga makapangyarihan, lalo na ang
mga paring Kastila. Kaya lagi siyang kasama sa mga panalangin upang
mabili ang kanyang sariling lugar sa langit.
Kahit anong santo ang mapusuan ni Kapitan, kaya niyang bilhin.
Punong-puno ng mga imahen ng santo ang kanyang silid, kasama na
ang larawan ng Banal na Pamilya.
Kabanata 6: Si Kapitan Tiyago
Dahil sa kanyang Negosyo, Malaki ang kakayahan bumili ni Kapitan
Tiyago ng mga bagay bagay. Tulad nalang ng kanyang pagbili ng lupa
sa San Diego. Dahil dito, nakilala niya si Padre Damaso na isa sa mga
pari sa lugar, at si Don Rafael na kinikilalang pinaka mayaman sa
nasabing lugar.
Sa loob ng anim na taon na mag asawa sila ni Pia Alba, hindi sila
nabiyayaan ng anak kaya’t sila ay nag nonobena sa kung ano-anong
santo base sa payo ni Padre Damaso.
Sa kabila nito, nagkaanak si Pia Alba, na walang kalam alam si Kapitan
Tiyago na bunga ng pang aabuso ni Padre Damaso kay Pia Alba.
Namatay si Pia Alba matapos manganak dahil sa mga karamdaman na
naranasan niya noong siya’y buntis. Maria Clara ang ipinangalan sa
Kabanata 6: Si Kapitan Tiyago
Si Crisostomo Ibarra at Maria Clara ay nagging magkaibigan simula pa
noong kanilang Kabataan. Sa pagpipilit ng mga pari, ipinasok si Maria
Clara sa kumbento ng Sta. Catalina noong siya ay naging labing-apat na
taong gulang, habang si Ibarra naman ay nag-aral sa Europa ng pag
memedesina.
Napagkasunduan ng mga magulang nila na sila’y ipakasal, at wala
namang tumutol dahil mahal nila ang isa’t isa. Si Don Rafael at Kapitan
Tiyago ay naging masaya sa kanilang napagkasunduan na ito, at
inaasahan nila na magiging Maganda ang kinabukasan ng kanilang mga
anak.
Mga Aral at Mensahe mula sa Kabanata 5:
1. Ang Pag-asa at kalungkutan ay maaaring magkasabay.
2. Ang mga Kabataan ay maaaring maging biktima ng kawalan ng
katarungan.
3. Ang bituin bilang simbolo ng pag-asa.
4. Maria Clara ang simbolo ng “Tala sa Gabing Madilim.”
Mga Aral at Mensahe mula sa Kabanata 6:
1. Kapangyarihan ng Simbahan.
2. Pang-aabuso ng mga Pari.
3. Pakikisama at Pangangapit-bahay.
4. Kolonyal at Mentalidad.
5. Diskriminasyon sa mga Anak ng mga Indio.
Sa kabuohan ng Kabanata 6 ito ay isang
malalim na pagusuri sa mga problemang
panlipunan ng Pilipinas noong panahon pa ng
Koloniyalismong Espanyol.

You might also like