Professional Documents
Culture Documents
Modyul 4 NG El Filibusterismo 1
Modyul 4 NG El Filibusterismo 1
KATATAGAN AT
PANININDIGAN
(KABANATA 1-8 NG EL
FILIBUSTERISMO)
KABANATA 1: SA IBABAW NG KUBYERTA
Matapos ang labintatlong taong pamamalagi sa
ibang bansa, sa wakas ay nagbalik na si Crisostomo
Ibarra sa katauhan ni Simoun upang maghiganti sa
pamahalaan. Nais niyang ipaghiganti ang tatlong mahal
niya sa buhay – sina Don Rafael, Maria Clara at Elias –
ang itinuring niyang lihim na kaibigan.
Nagpanggap siyang mag-aalahas at
marahil dahil sa kayamanan at
impluwensiya ay naging misteryoso sa lahat
ang kaniyang pagkatao. Mataas ang tingin
ng mga tao kay Simoun dahil na rin alam
nila, lalo na ng mga tao sa Maynila, na
naiimpluwensiyahan nito ang Kapitan
Heneral.
Naglalayag sa ilog Pasig ang Bapor Tabo isang
umaga ng Disyembre. Patungo ito sa Laguna at lulan sa
ibabaw ng kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb,
Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Irene, Padre
Salvi at Simoun. Sila ang mga taong makapangyarihan,
maimpluwensiya, mayaman at kinikilala sa lipunan.
Dahil sa kabagalan ng bapor habang sila’y
naglalakbay ay napag-usapan sa ibabaw ng kubyerta
ang pagpapalalim ng ilog Pasig.
Sa kanilang usapan ay iminungkahi ni Simoun na
gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng
Laguna at sa look ng Maynila. Nagkasagutan sila ni Don
Custodio na isang opisyal na konsehal at nagbigay ng
solusyon na kumbinsihin na lang diumano ang mga tao na
mag-alaga ng itik. Kinakain daw kasi ng mga itik ang mga
suso sa ilog. Sa ganitong paraan, huhukayin daw ng mga tao
ang ilog upang may makuhang suso na kanilang ipapakain
sa mga alagang itik. Ngunit hindi nagustuhan ni Donya
Victorina ang naturang suhestiyon dahil nandidiri siya sa
balut.
KABANATA 2: SA ILALIM NG KUBYERTA