Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Mapanuring Pagbasa sa Mga Pangunahing

Sanggunian ng Pagdadalumat/Pagteteorya sa
P/Filipino.
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
Ang pagbasa’y isang bahagi ng pagkikipagtalastasan na kahanay ng
pakikinig, pagsasalita at pagsulat (Bernales, et al: 2001)

Ayon kay Goodman (sa Badayos, 2000), ang pagbasa ay isang


psycholinguistic guessing game. Sa pagbabasa kasi, ang isang mambabasa
ay bumubuo muli ng kaisipan o mensahe hango sa tekstong kanyang
binabasa. Sa depinisyong ito ni Goodman, binigyang diin ang mga
kasanayan sa paghula, paghahaka, paghihinuha at paggawa ng prediksyon
sa pagpapakahulugan ng tekstong binasa.
APAT NA HAKBANG SA PAGBASA
PRESEPSYON
Ito ay hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at
maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.
KOMPREHENSYON
Pagpoproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang
ipinahahayag sa simbulong nakalimbag sa binasa. Ang
prosesong ito ay nagaganap sa isipan. Ang pag-unawa sa
tekstong binabasa ay nagaganap sa hakbang na ito.
REAKSYON
Sa hakbang na ito, hinahatulan o pinagpapasyahan ang
kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong
binasa.
ASIMILASYON
Sa hakbang na ito, isinasama at inuugnay ang kaalamang
nabasa sa mga dati nang kaalaman at/o karanasan.
MGA PANANAW AT TEORYA SA PAGBASA
TEORYANG BOTTOM-UP
Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na
higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa
pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng
nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog.
Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa
pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang
kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita,
at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang
pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tanging
tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong
kanyang binasa. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay
nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag
itong bottom up. Tinatawag din itong "outside-in" o "data driven" sapagkat
ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa taga-basa kundi sa
teksto.
TEORYANG TOP-DOWN
Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil
napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay
hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa
teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na
naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon
dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso
ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang
nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa
wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-
akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito
na "inside out" o "conceptually-driven" dahil ang kahulugan o
impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto.
TEORYANG ISKIMA
Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating
kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng
teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa
pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid,
bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay
may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang
iskima sa paksa.
URI NG PAGBASA
1. KASWAL - Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa
habang may inaantay o pampalipas ng oras.
2. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON - Ito’y pagbasang may layunin malaman ang
impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin
malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang
takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang kaalaman.
3. MATIIM NA PAGBASA - Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning
maunawaang ganap ang binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report,
riserts, at iba pa.
4. RE-READING O MULING PAGBASA - Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap
unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang
muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng
materyal na binasa.
5. PAGTATALA - Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o
ideya bilang pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan
ng pansin o highlight ang bahaging mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.
SEATWORK
Panuto: THINK-PAIR SHARE ACTIVITY.

Magsaliksik at maghanap ng mga tatlong (3) babasahing


pilipino. Mapa-tungkol sa kasaysaysayan, talang-buhay o
ano pa man. At tukuyin, kung anong uri ng teorya ito
sumasailalim at anong uri ng pagbasa ang ginamit rito.
Ipaliwanag ang inyong magiging mga kasagutan sa
paraang nauunawaan ng guro.

You might also like