Modyul 4

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

ORGANISASYON NG

PASALITA AT PASULAT NA
KOMPOSISYON

MODYUL 4
Ang makrong kasanayang pagsasalita at
pagsulat ay napakahalaga sa buhay ng tao.
Kakaiba sa pakikinig at pagbabasa na mga
kasanayang reseptib, ang pagsasalita at
pagsulat ay mga kasanayang ekspresib at
prodaktibo o mga kasanayang ginagamit sa
pagpapahayag ng ideya o kaalaman at
damdamin o emosyon
 Sa bahaging ito ng pag-aaral,
marapat ngang pagtuunan natin ng
pansin ang paggawa ng
komposisyon na mauuuri rin bilang
pasalita o pasulat. Ang paggawa
nito ang pinakakonkretong
manipestasyon at sukatan ng
kahusayan sa pagpapahayag,
masining man o karaniwan.
Sa organisasyon ng pasalita at pasulat na
komposisyon kinakailangang taglayin ang mga
sumusunod:

● KAISAHAN

● PAGKAKAUGNAY-UGNAY O KOHIRENS

● DIIN P EMPASIS

● PAGBABALANGKAS
KAISAHAN
 ito ang tawag sa pangangailangan ng iisang paksang
tatalakayin sa kabuuan ng isang komposisyon. Subalit may
mga pagkakataon na ang paksang ating gagawan ng
pagtalakay ay lubhang malawak at masaklaw. Buhat sa
limitadong paksa, maaari na ngayong bumuo ng isang
paksang pangungusap na maaaring matagpuan sa alinmang
bahagi ng talata. Ito ang magiging gabay sa pagbuo ng mga
sumusuportang pangungusap.
 Upang magkaroon ng kaisahan sa loob ng
isang komposisyon, kailangang
magkaroon din ng kaisahan ang ideya,
layunin at tono sa pagsulat upang
mapagdugtong-dugtong ang mga kaisipan
ng malinaw at maayos sa pamamagitan
ng mga hiblang tagapag-ugnay.
Kaisahan sa
ideya

Kaisahan sa Kaisahan sa Kaisahan sa


Layunin Komposisyon Tono

Mga Hiblang
tagapag-
ugnay
 Makakatulong din sa pagpapanatili ng kaisahan ang semantic mapping bago magsalita o magsulat. Sa
pamamagitan nito, matitiyak na ang mga sumusuportang detalye ay hindi lumalayo sa pangunahing
kaisipan.

1. Mga
6. Paano hindi kaganapan 2. Ang salarin
na mauulit

krimen

5. Mga
epektong 3. Mga biktima
pandaigdig 4. Mga
epektong
pambansa
PAGKAKAUGNAY-UGNAY O KOHIRENS
 ito ang aytem ng retorika na tumutukoy sa
pangangailangan ng kakipilan. Maituturing
na may ugnayan ang mga pangungusap sa
isang komposisyon kung mahusay ang
pagkakahanay ng mga ideya o
pangyayaring tinalakay rito. Sa
pamamagitan nito, magiging tuloy-tuloy
ang daloy ng diwa ng kompsisyon.
May mga salitang ginagamit upang magkaroon o kaya’y mapanatili ang
ugnayan ng mga salita at pangungusap sa kompsisyon. Ilan sa mga ito ay ang
mga sumusunod:

• Paggamit ng mga panghalip panao at mga


panghalip na pamatlig.
- Panghalip panao- ako, amin, siya, kami, kayo,
atin, kanya, kita, kanila, inyo
- Panghalip pamatlig- dito, dyan, doon, narito,
iyan, iyon, ganito
• Paggamit ng mga salitang naghahayag
ng karagdagan.

Hal. Isa pa, at, gayundin,karagdagan


- Iyan ang ngiti- pampalakas loob, pamawi
ng lungkot, pangalis ng alinlangan at
pamuno ng pagmamahal.
• Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pagsalungat.
Hal. Datapwat, dahil sa, subalit, ngunit
- Subalit ang realidad ng buhay, ng lipunan at ng mamamayan sa
bansang ito ay hindi lamang nagsaad ng ligaya at tuwa

• Paggamit ng mga salitang bunga ng sinundan.


Hal. Dahil, bunga
- Bunga nito ay may pagkakataong higit na pinapanigan ng
alipin ang kanyang panginoon kaysa kapwa.
• Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pagkasunud-sunod
ayon sa panahon.
Hal. Samantala, pagkatapos, sumunod
- Sa halalang 1995, naulit na naman ang pagbangonSamantala, ng mga
patay para makialam sa eleksyon.

• Paggamit ng mga salitang magkasingkahulugan at maging ang


pag-uulit ng mga salita.
Hal.
- Lahat ng ganda at rikit ay dumaan kay Daniel. Maraming Siga-siga
sa Sapang bato. Ngunit pawing basta basta lamang ang mga ito kung
ihahambing sa pagkasiga ni Kleto. Si Kleto ang siga ng mga siga sa
sapang bato.
DIIN O EMPASIS

Ito ang pagbibigay ng higit na


pansin sa pinakamahalagang
kaisipan sa loob ng isang
komposisyon. Mauuri ito ayon sa
mga sumusunod:
 Diin sa pamamagitan ng posisyon – tumutukoy ito sa paglalagay ng pamaksang
pangungusap sa wasto o angkop na lokasyon nito sa loob ng isang set ng mga pahayag o
talata. Kung gayon, ang pamaksang pangungusap ay maaaring matagpuan sa unahan, sa
gitna o sa huling bahagi.

 Diin sa pamamagitan ng proporsyon – sa simulating ito, ang bawat bahagi ay


binibigyan ng proporsyonal na diin ayon sa halaga, laki, ganda at iba pang kasangkapan.

 Diin ayon sa pagpapares-pares ng mga ideya – ang paglalahad ng ideya sa


pamamagitan ng pagpapares-pares ng mga ito ay nakapagbibigay ng malinaw na
pagkakatulad o pagkakaiba ng kanilang pagkakaugnay. Makaktulong ito sa
pagpapahayag ng mga barayti ng mga implikasyon. Madali lamang maisagawa ito.
Kadalasan, ang pagpapares-pares ng mga ideya ay nagagawa sa paggamit ng salitang at
at o.
ANG PAGGAWA NG BALANGKAS
Isang sikreto upang matiyak na ang isang
komposisyon ay nagtataglay ng kaisahan,
pagkakaugnay-ugnay at diin ay ang
maingat at matalinong pagpaplano nito.
Ang paggawa ng balangkas kung gayon,
ay isang teknik upang makamit ang mga
nabanggit na aytem sa pagsulat.
 Ang isang balangkas ay nahahati sa tatlong
kategorya: dibisyon, sabdibisyon at seksyon.
- Ang ginagamit na pananda sa dibisyon ay ang mga
Bilang Romano (I,II,III,IV atbp)
- Sa sabdibisyon ay ang mga malalaking titik ng
alpabeto (A, B, C, D atbp)
- Sa seksyon ay mga Bilang arabiko (1, 2, 3, 4 atbp)
- Sabseksyon naman ay maliliit na letra ng alpabeto (a,
b, c, d atbp)
 May dalawang uri ng balangkas: Paksang Balangkas
(Topic Outline) at Pangungusap na Balangkas
(Sentence Outline).
Halimbawa ng paksang
balangkas

You might also like