Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Summative Test in MTB

• Tamang Hakbang sa Pagsesepilyo


• Una, kumuha ng isang basong tubig. Ikalawa,
hugasan at lagyan ng toothpaste ang sepilyo. Ikatlo,
isepilyo ito sa ngipin hanggang sa bumula ang
toothpaste. Pagkatapos, sepilyuhing mabuti ang mga
ngipin sa harap, mga pagitan ng mga ngipin at ang mga
sulok ng galagid. Sunod, magmumog ng tubig hanggang
sa maalis nang mabuti ang toothpaste sa bibig. Sa
wakas, linisin at hugasan ang sepilyo bago ito itago.
1.Tungkol saan ang talata?
a. Hakbang sa paliligo
b. Hakbang sa paglilinis
c. Hakbang sa pagluluto
d. Hakbang sa pagsesepilyo
2. Ano ang mga kailangan sa
pagsesepilyo?
a. toothpaste
b. tubig
c. sepilyo
d. lahat ng nabanggit
3. Ano ang unang hakbang sa talata?
a. Magmumog ng tubig.
b. Lagyan ng toothpaste ang sepilyo.
c. Kumuha ng isang basong tubig.
d. Hugasan ang sepilyo at itago.
4. Ano ang ikaapat na hakbang sa talata?
a. Kumuha ng isang basong tubig.
b. Sepilyuhing mabuti ang mga ngipin sa harap,
mga pagitan ng mga ngipin at ang mga sulok ng
galagid.
c. Magsepilyo hanggang sa bumula ang toothpaste.
d. Magmumog ng tubig hanggang sa maalis ang
toothpaste.
5. Ano ang nagagawa ng tubig sa atin?
a. Napapanatiling malakas at malusog ang
ating katawan.
b. Napapanatiling malinis ang tirahan at
pagkain.
c. Napapanatiling malinis ang katawan at
damit.
d. Lahat ng nabanggit.
6.Ang mga sumusunod ay paraan ng pagtitipid ng
tubig, MALIBAN sa isa. Alin dito?
a. Tiyaking walang tagas ang gripo.
b. Gumamit ng tabo sa paliligo.
c. Hayaang nakabukas ang gripo kung
nagsisipilyo.
d. Gumamit ng baso sa pagsisipilyo.
7. Ano ang pangunahing diwa ng talata?
a. Napananatili ng tubig na malakas at
malusog ang ating mga katawan.
b. Kahalagahan ng tubig sa atin.
c. Tubig ay kailangan upang mabuhay
d. Napapanatili ng tubig ang malinis na
pagkain at inumin.
8. Aling pangungusap ang hindi sumusuporta sa
pangunahing diwa ng talata?
a. Tubig ay mahalagang bagay sa mundo.
b. Napapanatili nitong malinis ang ating
tirahan at pagkain.
c. Napapanatiling malusog at malakas ang
ating katawan
d. Nalilinis nito ang ating katawan.
9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
nararapat na isama sa banghay.
I. Paraan ng pagsaing
a. Ihanda ang kaldero na paglulutuan.
b. Hugasang mabuti nang tatlong beses ang
bigas.
c. Punuin ng tubig ang kaldero bago isalang.
d. Isalang ito sa katamtamang apoy.
10. Ano ang kahalagahan ng banghay sa isang
kwento o ulat?
a. Naipapahayag dito ang pangyayari o ganap
ng isang kwento.
b. Nailalahad dito ang tatalakayin ng isang ulat
o kwento.
c. Gabay ito upang maging maayos ang
paglalahad ng impromasyon.
d. Lahat ng nabanggit.
11. Ito ay nagsasaad ng isang
direksiyon na dapat sundin upang
maisagawa ang isang gawain.
a. panuto
b. pananda
c. hudyat
d. pamamaraan
12. Ito ay nagbibigay-hudyat sa mga mambabasa at
ginagamit upang matukoy ang pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari.
a. panuto
b. Pananda
c. direksiyon
d. pamamaraan
13. Ayusin ang mga sumusunod na hakbang sa pagpapakulo ng
inuming tubig.
I. Hayaang kumukulo ang tubig sa loob ng 5 minuto.
II. Ilagay ang malamig na tubig sa malinis na lalagyan at
puwede na itong
inumin.
III. Pakuluan ang tubig.
IV. Palamigin ang tubig sa ginamit na kaldero or kaserola.
a. III-IV-II-I c. III-II-I-IV
b. III-IV-I-II d. III-I-IV-II
14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang gumamit ng
salitang pananda?
a. Basain ang iyong mga kamay gamit ang malinis na
tubig.
b. Lagyan ng sabon ang binasang kamay.
c. Pagkatapos, kuskusin ang iyong mga kamay sa loob
ng hindi bababa sa 20 segundo.
d. Banlawan ang iyong mga kamay nang mabuti sa
ilalim ng malinis at tumutulong tubig.
15. Pagsunud-sunurin ang wastong hakbang sa paghuhugas ng pinggan.
I. Simulan ang pagsasabon ng mga pinggan at ilagay sa palangganang
may malinis na tubig.
II. Punasan ang mga ito gamit ang malinis na tela at ibalik sa lagayan
ng mga pinggan.
III. Banlawan ang mga ito sa palangganang may malinis na tubig.
IV. Alisin ang mga tira-tirang pagkain na nakakapit sa pinggan.
a. I-IV-III-II c. I-III-II-IV
b. IV-I-III-II d. IV-III-I-II
16-20. Basahin ang sumusunod na talata. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos.
Tamang Hakbang sa Pagsesepilyo
Una, kumuha ng isang basong tubig. Ikalawa, hugasan at
lagyan ng toothpaste ang sepilyo. Ikatlo, isepilyo ito sa ngipin
hanggang sa bumula ang toothpaste. Pagkatapos, sepilyuhing
mabuti ang mga ngipin sa harap, mga pagitan ng mga ngipin at
ang mga sulok ng galagid. Sunod, magmumog ng tubig
hanggang sa maalis nang mabuti ang toothpaste sa bibig. Sa
wakas, linisin at hugasan ang sepilyo bago ito itago.
16. Tungkol saan ang talata?
a. Hakbang sa paliligo
b. Hakbang sa paglilinis
c. Hakbang sa pagluluto
d. Hakbang sa pagsesepilyo
17.Ano ang mga kailangan sa
pagsesepilyo?
a. toothpaste
b. Sepilyo
c. tubig
d. lahat ng nabanggit
18. Ano ang unang hakbang sa talata?
a. Magmumog ng tubig.
b. Lagyan ng toothpaste ang sepilyo.
c. Kumuha ng isang basong tubig.
d. Hugasan ang sepilyo at itago.
19. Ano ang ikaapat na hakbang sa talata?
a. Kumuha ng isang basong tubig.
b. Sepilyuhing mabuti ang mga ngipin sa
harap, mga pagitan ng mga ngipin at ang mga
sulok ng galagid.
c. Magsepilyo hanggang sa bumula ang
toothpaste.
d. Magmumog ng tubig hanggang sa maalis ang
toothpaste.
20. Ano ang panghuling hakbang sa talata?
a. Linisin at hugasan ang sepilyo bago
itago.
b. Kumuha ng isang basong tubig.
c. Magmumog ng tubig hanggang sa
maalis ang toothpaste.
d. Lagyan ng toothpaste ang sepilyo.

You might also like