Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 50

ESP 5

WEEK 4 DAY 1
“PAKIKIPAG
KAPWA-TAO”
Paano nyo ipapakita
ang paggalang sa
paniniwala ng mga
katutubo?
Bawat nilalang ng Diyos ay binigyan
niya ng iba’t – ibang kaalaman,
karunungan, kahusayan, at kaisipan. Bilang
tao na may mataas na antas ng kaalaman
ay mayroon tayong pagkakataon na
magbigay ng sari – sarili nating ideya /
opinyon. Sa kadahilanang mayroon tayong
iba’t – ibang kaisipan kung kaya may iba’t –
iba rin tayong ideya / opinyon.
Basahin ang isinulat ng iyong mga kaklase. Gamit ang
bondpaper, gumupit ng dalawang kahon at isulat
kung paano ka inilarawan ng iyong mga kaklase
Magagandang opinyon Hindi magagandang
opinyon
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
*Kung may hindi magandang
sinabi na opinyon/ideya tungkol
sa iyo ang iyong kaklase, ano
ang gagawin mo?
*Paano mo ipapakita ang paggalang
sa kanyang ideya/opinyon?
*Bakit mahalagang igalang
ang mga opinyon/ideya ng
inyong mga kaklase?
Iguhit ang masayang mukha
kung nagpapakita ng paggalang sa
ideya/ opinyon ng iba at malungkot
na mukha kung hindi.
1. Nakipag-away ka sa kaklase mo
dahil sinabihan kang pangit
magdrowing.
1. Nakipag-away ka sa kaklase mo dahil sinabihan kang pangit magdrowing.
2. Nagpasalamat ka sa kaklase mo nang punahin ka tungkol sa di-magandang ugali mo.

2. Nagpasalamat ka sa kaklase mo
nang punahin ka tungkol sa di-
magandang ugali mo.
3. Naghinanakit ka sa kaklase mo nang
sabihan ka niya na para-kopya sa katabi.
4. Mas pinaunlad mo pa ang iyong sarili nang
punahin ka ng iyong kaklase.
5. Ang mga ideya o opinyon ay nakakatulong
upang mas mapaunlad ang ating mga sarili.
Maraming salamat
sa pakikinig! 
ESP 5
WEEK 4 DAY 2
“PAKIKIPAG
KAPWA-TAO”
Sa araw-araw nating
pamumuhay ay maaari tayong
makabuo at makapagpahayag
ng iba’t- ibang ideya o opinyon.
Paano mo ipinapahayag ang
iyong ideya o opinyon?
Nakapanood na ba kayo ng
isang debate?
Ano ang ginagawa kapag
may debate?
1. Ano ang iyong reaksiyon sa nabasang
seleksiyon? Sa pagpapalitan ng ideya / opinyon ng
mga mag –aaral? Ipaliwnag ito.
2. Bakit kaya sa palagay mo ay magkaiba ng
ideya / opinyon ang mga bata sa kuwentong
binasa?
3. Sa iyong palagay, ano ang pinagbatayan ng mga
mag –aaral sa kanilang mga opinyon na ibinigay
hinggil sa naturang usapin? Pagtibayin ang iyong
sagot.
4. Kung ikaw ang kalahok sa naturang
debate, ano ang marapat mong gawin
upang maiwasan ang conflict sa pagitan
ng dalawang pangkat?
5. Magtala ng mga paraan upang
maipakita mo ang paggalang sa ideya /
opinyon ng ibang tao.
Pangkat 1” Iarte Mo”
Isang araw habang papasok ka ng paaralan ay may
nakita kang grupo ng mga raliyista na nanawagan
sa gobyerno upang itaas ang sweldo ng mga
ordinaryong manggagawa. Paano mo ipapakita
ang paggalang sa kanilang ideya/opinyon?
Pangkat 2 “ Ipaglaban Mo”
Sa wakas ikaw ay papasok na nang kolehiyo. Inakala mong
matutupad na ang iyong pangarap na maging guro ngunit
biglang nagdesisyon ang iyong mga magulang na dapat ikaw
ay maging inhinyero dahil wala pa daw inhinyero sa inyong
pamilya samantalang ang guro nandiyan ang nanay at ate
mo. Paano mo ipaglalaban ng may paggalang ang iyong
pangarap? Isadula.
Pangkat 3” Isadula mo”
Sa pagtatapos ng flag ceremony ay nag – anunsiyo ang
inyong punongguro na tatanggalin na sa kantina lahat
ng mga panindang hindi masustansiya gaya ng
junkfood, tetra pack na juice, hotdog at marami pang
iba. Alam mo sa sarili mo na ito ay ilan lamang sa mga
paborito mong kinakain tuwing recess. Isadula kung
paano mo ipapakita ang paggalang sa ideya/opinyon
ng punungguro.
*Bakit mahalagang igalang
ang mga opinyon/ideya ng
inyong mga kaklase?
Iguhit ang simbolo ng thumbs
up kung ang pangungusap
ay naglalahad ng wastong
1. Nakipag-away ka sa kaklase mo dahil sinabihan kang pangit magdrowing.
2. Nagpasalamat ka sa kaklase mo nang punahin ka tungkol sa di-magandang ugali mo.

kaisipan at thumbs down


naman kung hindi.
______1. Si Noel ay masaya na walang pasok, subalit si
Tony ay hindi dahil ayon sa kanya ay mawawalan siya ng
matutunan. Ayaw sumang – ayon ni Noel dail mahilig
siyang maglakwatsa. Pinabayaan na lamang ni Tony si
Noel sa kanyang nais.
______2. Nakakita ang magkaibigang Grace at Marian
ng pitaka sa may kantina. Binalak ni Grace na itago na
lamang ang pitaka ngunit hindi pumayag si Marian. Dahil
dito ay magkasamang ipinagbigay alam ng magkaibigan
sa opisina ng Lost and Found ang napulot na pitaka.
______3. Sinabi ni Jose na sila lamang ang
mapupunta sa langit kapag namatay, indi
pumayag si Pedro at sinabing sinungaling siya.
______4. Ang mag – asawang Lita at Lito ay
namimili ng mga kandidato na nais nilang iboto sa
darating na halalan at dito napagtanto nila na
magkaiba pala sila ng mga napipisil na kandidato.
Malugod na tinanggap ng mag – asawa ang
kanilang mga napagdesisyunan.
______5. Ang magkapatid na Jane at Bea ay
nanood ng patimpalak sa plaza. Sa kanilang pag
– kritiko, sinabi ni Jane na mas magaling ang
unang kalahok. Ngunit hindi pumayg si Bea,
ayon sa kanya ay mas magaling ang ikalawang
kalahok. Dahil dito ay nagtalo ang magkapatid.
Maraming
salamat sa
pakikinig! 
ESP 5
WEEK 4 DAY 3
“PAKIKIPAG
KAPWA-TAO”
BALIK ARAL

Ano ang dapat gawin kung may


ideya/opinyon ang inyong
kapwa?
Sitwasyon A: Di mo gusto ang
istilo ng pananamit ng kaklase mo.
Sitwasyon B: May di kanais-nais
na amoy ang kili-kili ng katabi mo.
Sitwasyon C: Magkaiba kayo ng
paniniwala ng kaklase mo.
Sitwasyon D: Bullying
Sitwasyon E: Pagbabawal sa
paggamit ng plastic.
Ano ang isinaalang-alang nyo
habang nagbibigay kayo ng
opinyon hinggil sa isang usapin?
Paano kayo magpahayag ng
inyong opinyon?
Bigyang diin ang kahalagahan
ng paggalang sa pagbibigay
ng ideya o opinyon.
ISULAT ANG OPINYON HINGGIL SA:
Pangkat 1- Pagtatrabaho sa ibang bansa at
sa sariling bansa
Pangkat 2-Masama at mabuting epekto ng
makabagong teknolohiya
Pangkat 3-Paninirahan sa urban at rural
Iguhit ang masayang mukha kung sa
palagay mo ay tama ang mga salitang
ginamit sa pagtanggap ng mga
puna/opinyon. Iguhit ang malungkot na
mukha kung hindi ka sang-ayon sa mga
salitang ginamit sa pagtanggap ng mga
puna/opinyon. Gawin ito sa kuwaderno.
______1. Salamat sa mga puna mo, susundin
ko ang iyong mga payo.
______2. Mabuti at napansin mong hindi bagay
ang damit sa akin. Papalitan ko na lang.
______3. Magaling kaya ako. Hindi ko
kailangan ang mga puna ninyo!
______4. Alam kong para sa kabutihan ko ang
puna mo.
______5. Mabuti nalang, napuna mo ang mali
bago ko naipasa.
Maraming
salamat sa
pakikinig! 
ESP 5
WEEK 4 DAY 4
“PAKIKIPAG
KAPWA-TAO”
Saan ginagamit ang
tainga?
Ano ang pagkakaiba
ng narinig at
napakinggan?
Bakit mahalaga ang
pakikinig?
Ano ang sikreto ng
magandang samahan
ng pamilya?
1. Malapit na ang kaarawan mo. Gustong-
gusto mong magpabili ng bagong sapatos
at sandalyas sa nanay mo pero nakiusap sa
iyo na huwag muna ngayon dahil kulang pa
ang budget. Ano ang gagawin mo kung
iyon ang desisyon ng nanay mo?
2. Nais mong sumama sa
kaibigan mo upang magpicnic sa
ilog. Hindi ka pinayagan ng
mama mo dahil nag-aalala siya
sa iyo. Ano ang gagawin mo?
Pangkat 1 “Iarte Mo”
Naglalaro kayo ng mga pinsan mo
sa loob ng inyong bahay ng biglang
masagi mo ang bagong biling
plorera ng nanay mo. Paano mo
iyon sasabihin sa kanya?
Pangkat 2 “ Itala Mo”
Magkaiba kayo ng relihiyon ng
pinsan mo. Paano mo ipapakita
ang paggalang sa paniniwala
niya. Itala ang iyong sagot.
Pangkat 3 “Skit”
May field trip ang inyong paaralan.
Hindi ka pinayagan ng iyong tatay
dahil baka raw may masamang
mangyari sa iyo. Gumawa ng skit
tungkol dito.
Isulat ang Tama kung nagpapakita ng paggalang sa
opinyon ng iyong kapamilya at Mali kapag hindi.
1. Nagalit ka sa kapatid mo nang sabihin niya
na hindi bagay sa iyo ang suot mong damit.
2. 2. Gustong-gusto mong magdiwang ng
kaarawan kasama ang iyong mga kaibigan
pero wala kayong pera. Naunawaan mo ang
sitwasyon.
3. Sinabi ng ate mo na kailangan mo nang
matutunan ang mga gawaing bahay dahil
malaki ka na. Nagkunwari kang walang narinig.
4. Ipinagmamalaki mo ang pinsan mong si Ryl
dahil sa husay nya sa pagbabasketbol.
5. Ipinagsabi mo sa mga kaibigan mo na
mahina ang utak ng bunso mong kapatid.
Maraming
salamat sa
pakikinig! 

You might also like