Group 5

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

GROUP 5

Paamchon, Zion Dinamling, Digna


Anniban, Catherine Gano, Cristelle
Bimmohya, Annie Claire Inohiaban, Shane
VIDEO DOCUMENTATION
- Ayon kay Bowman (2016), ang video documentation ay isa na sa
pinakagamiting pamamaraan ng pagkalap ng datos sa kasalukuyan
sapagkat ito ay naglalahad ng aktuwal na pangyayari
- Ayon kay Jewitt (2012), ang video documentation ay napakahalagang
kagamitan sa pagkuha ng impormasyon sapagkat nakatutulong ito upang
mailahad nang wasto ang mga impormasyon, maiulat ayon sa pangyayri at
mabilis ding naipapasa ang dokumento kung kailangan.

PARAAN NG PAGSASAGAWA NG VIDEO
DOCUMENTATION

A. Participatory video approach.


• Isang paraan kung saan ang mananaliksik ay kasama rin sa mga imahen sa video.
Karaniwan ito sa mga programang pangkalusugan, mga pananaliksik kultural, pangwika, historikal at
iba pa

B. Videography
• Isa itong dulog etnograpiko sa pagbuo ng video documentation na nahahawig sa
participatory video approach. Naiiba lamang ito sapagkat mayroon itong layuning aesthetic o
pagpapakita ng mga pangyayari sa paraang malikhain.

• Ito ay may pag-aayos at editing upang makapaghatid ng kawilihan sa mga manonood


C. Existing videos.
• Ito ay paggamit ng mga video na maaaring makuha sa iba’t ibang hanguan o sanggunian.
Maaaring ang mga ito ay mula sa mga pangkat, organisasyon o kaya ay indibidwal. Ang mga halimbawa
nito ay video na nakuha sa tahanan o ‘home-made/domestic video,’ broadcast media, mga CCTV
recording, mga video sa YouTube at iba pa.

D. Video elicitation
• Mga video mula sa mga panayam na ginagamit upang mapagkunan ng mga impormasyon o kaya
ay bilang hanguan ng talakayan.

E.Video-based fieldwork.
• Ito ay pagkuha ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga video camera na inilagay sa
isang lugar sa mahabang panahon upang makuha ang bawat saglit ng mga pangyayari sa ‘subject’ na
nais pag-aralan.
• Halimbawa : mga video na ginagamit sa Discovery channel
A. Pag-aaral / Rebyu ng Literatura
- natayang ulat (evaluative report) ng impormasyong matatagpuan sa mga kaugnay na literatura ayon
sa napiling disiplina o larangan ng pag-aaral o kaya’y ng anumang isinasagawang pag-aaral

• Rebyu

- dapat naglalarawan, nagbubuod, nag-eebalweyt at nagbibigay-linaw sa paksa ng pag-aaral sa


pamamagitan ng maayos na pagtalakay ng mga literaturang nauugnay sa paksa
- Kinakailangan ding ito’y nagbibigay ng teoretikal na batayan para sa pananaliksik na makatutulong
upang matukoy ang kalikasan ng isinasagawang pag-aaral.

• Mga Uri ng Hanguan (Ariola, 2014)


MGA URI NG HANGUAN (ARIOLA, 2014)

A. Panguhaning hanguan (Primary sources). Kasama rito ang mga siniping sabi ng may karanasan
(eyewitness), ulat ng mga saksi o kaya ay mga kasapi sa mga programa, gawain at iba pa.
halimbawa:

a. Legislative acts (kinabibilangan ng artikulo, charters, decrees, talumpati, kasuanduan o treaty, school
records at batas)

b. Aklat, pahayagan, magasin, master’s theses, dissertations

c. Personal na dokumento (tulad ng talambuhay, sulat, diary, mga lisensya at permit)

d. Handwritten materials (bricks, cuneiform, manuscripts)

e. Mga dokumentong oral (kuwentong bayan, alamat, epiko, anekdota sawikain, salawikain at iba pa)

f. Relics (Remains)

g. Testimonya (panayam sa mga kaukulan, kaibigan, kapamilya at iba pa)


A. Sekundaryang hanguan (Secondary sources). Kasama rito ang sumusunod:

a. Thesis review

b. Review of related studies

c. Thesis abstract
• Tiyak na Layunin ng Literature Review

 Nakatutulong sa mga mananaliksik na magkaroon ng mas malalim na pang–unawa sa napiling paksa.

 Nakapagbibigay ng kaseguruhan na wala pang nagawang pag–aaral, walang duplikasyon o replikasyon ang
isinasagawang pananaliksik.

 Napangangatwiranan ang isinasagawang pananaliksik.

 Nakatutulong at nakapagbibigay ng gabay o direksyon sa mga mananaliksik na makahanap ng iba pang


sanggunian o mapagkukunan ng mahahalagang impormasyon.

 Naipakikita kung paano isinagawa ang nakaraang pag–aaral at ng mga nauugnay na pag-aaral.

 Nakatutulong sa mga mananaliksik upang matutuhan at maliwanagan ang mga mga teorya mula sa
nakaraang pag–aaral.

 Nakaaagapay sa pagsasagawa ng literature review at nakadaragdag sa pag–unawa at kaalaman sa


isinasagawang pananaliksik.

 Nakatutulong ang literature review sa pagsasaayos, pagpapahusay/pagpapalalim ng talakayan sa paksa, o


kaya’y pagpopokus muli o pagbabago ng paksa.


INTERBYU (INTERVIEW)

- interbyu ay isang uri ng pasalitang diskurso (tanong-sagot) ng dalawang tao o ng isang pangkat at
isang indibidwal
- Kinasasangkutan ito ng interbyuwer o tagapanayam at ng interbyuwi o kinapapanayam
- Mayroon itong interview guide questions o gabay na talatanungan ito ay nararapat na umaayon
lamang sa mga layunin at suliranin ng pag-aaral
DAPAT ISAALANG-ALANG O KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG KAPAPANAYAMIN

a) May malawak na kaaalaman sa paksa.

 May sapat ba siyang kaalaman sa paksa ng pananaliksik?


 May awtoridad ba siya, upang magbigay ng mga hinihinging datos o impormasyon?

a) Mapagkakatiwalaan / Kapani-paniwala.

 Makatotohanan ba ang kaniyang mga salita o may malawak ba siyang karanasan?


 Maaari bang paniwalaan ang kaniyang mga pahayag?

 Makatwiran ba ang kaniyang pananaw?

 Kalimitan, may mga sariling pananaw ang kinakapanayam na nagiging dahilan upang magkaroon ng pagkiling (bias) ang
kaniyang mga ipinahahayag. Kailangang maging maingat at palamasid, timbangin kung kapani-paniwala ang ibinibigay na
impormasyon ng kinakapanayam.

a) Kahandaan sa oras ng panayam (availability).

 Magbigay ng sapat na oras sa nais kapanayamin. Gaano man katalino ang kinakapanayam, hindi iyon magkakaroon ng silbi
kapag hindi tumutugma ang kaniyang oras sa mga tagapanayam.
 Kadalasan, ang mga awtoridad at dalubhasa ay mga taong mahirap kunan ng pahayag dahil sa pagiging laging abala ng mga
ito.
FOCUS GROUP DISCUSSION

- isa sa pinakapopular na metodo sa qualitative research o kwalitatibong pananaliksik.


- isang mabuting paraan ng pagsama-sama o pagtitipon ng mga taong may pagkakatulad ng
karanasan upang talakayin ang isang tiyak na paksang kanilang interes
- isang metodo para sa qualitative research o kwalitatibong pananaliksik sa larangan ng agham
panlipunan (social sciences)
KAILAN GAGAMITIN ANG FOCUS GROUP DISCUSSION O FGD?

- ginagamit o isinasagawa kung kinakailangang maunawaan ang isang isyu sa mas malawak at mas
malalim na antas kaysa nakukuha lamang sa sarbey.
- nakatutulong sa pagbibigay ng kaisipan mula sa iba’t ibang opinyon ng mga taong kalahok sa
makabagong proseso
HANGGANAN NG FOCUS GROUP DISCUSSION

- Tumatagal ng 60 hanggang 90 minuto lamang.


- Kung ang FGD ay mas maikli sa 60 minuto, kadalasa’y mahirap mapalawak ang diskusyon ng paksa.
Kung ang FGD ay mas mahaba naman sa 90 minuto, ang diskusyon naman ay maaaaring hindi
produktibo at maaaring ang mga kalahok na ang magsasabi ng oras.
OBSERBASYON SA RESPONDENTE (PARTICIPANT OBSERVATION)

- isa sa pinakanatural o likas at pinakamapanghamong metodo sa pangangalap ng kwalitatibong datos


(qualitative data).
- Isinasangkot nito ang mananaliksik sa pagkalap ng datos upang ang pangunahin at batayang
karanasan ng pangkat ng mga tao ay madiskubre sa pamamagitan ng imersyon at partisipasyon
- ginagamit sa larangan ng Agham Panlipunan kabilang na ang iba’t ibang uri ng kaugnay na larangan
tulad ng komersyo, polisiyang pampubliko at sa antropolohikal at sosyolohikal na pag-aaral.
LIMANG DAHILAN KUNG BAKIT ISINASAGAWA ANG PARTICIPANT
OBSERVATION:

1. Maipaliwanag pa ang mga tanong ukol sa mga nauugnay na paksa sa gayon ay makapangalap pa ng
mas malawak na saklaw ng mga datos.
2. Maipaunawa ang mga bagong kaalaman ukol sa isang paksa sa gayon ay mabawasan ang
negatibong reaksyon ng mga tao.
3. Makapagbigay ng higit na mahalagang tanong ang mananaliksik ukol sa mga paksang nais pang
liwanagin.
4. Mapalalim ang pag-unawa sa paksang pinag-aaralan o sa kahulugan ng mga datos.
5. Matutugunan ang mga suliranin sa ganitong Teknik ng pangangalap ng datos.
BENEPISYO SA PAGGAMIT NG PARTICIPANT OBSERVATION (BERNARD (2016))

1. Mapatatag at maging makatotohanan ang talakay sa napiling paksa.

2. Mabawasan ang pagiging bias sa pagtalakay at pagpapaunawa ng mga kaisipan.

3. Makikita at matutukoy ang aktuwal o tunay na pag-uugali ng tagatugon sa pinagdausan ng pag-aaral.

4. Maiiugnay ang nakitang pag-uugali ng tagatugon pisikal na aspekto.

5. Mapatotohanan at mapagtibay ang mga datos.


PAGSUSURI NG PANGALAWANG DATOS (SECONDARY DATA ANALYSIS)

• Ang Secondary Data Analysis (SDA) ay isang paraan ng pag-aaral sa mga nakalap na impormasyon o
kaya ay interpretasyon sa pamamagitan ng masusing pagdalumat sa kahulugan, katangian, gamit at
layon na may pagsasaalang–alang sa iba pang mga nauugnay na impormasyon sa iba-ibang disiplina.
GINAGAMIT ANG SDA UPANG:

maipaliwanag nang higit ang mga dati nang natuklasang kaalaman


mailahad ang mga bagong kaisipan ukol sa mga unang pagsusuri
mabigyan ng iba pang kaugnay na detalye ang mga dating kaalaman na hindi nasiyasat sa unang
pag-aaral
matiyak ang kabuluhan at pagkamakatotohanan ng unang impormasyon hinggil sa mga bagay-bagay
o kaisipang unang nasaliksik o napag-aralan.
EKSPERIMENTAL NA PANANALIKSIK

• ito ay karaniwang ginagamit sa mga pananaliksik na makaagham (scientific) tulad ng pisika, kemistri,
sikolohiya at iba pang sangay ng agham
APAT NA KATANGIAN ANG MAHUSAY NA EKSPERIMENTAL NA
PANANALIKSIK (ARIOLA, 2014)

1. Internal validity – Tumutukoy ito sa katangiang maaaring maipaliwanag ang mga sanhi at bunga
(cause and effect).
2. Reliability – Kung ang mga resultang natuklasan ay maaari ding napatunayan sa kaugnay o isa pang
pag-aaral.
3. Sensitivity – kung maaaring makaapekto o maapektuhan ang resulta ng kahit na alinman o maliliit na
baryabol.
4. External validity -Kung mayroong nabuong kongklusyon na maaaring nakaapekto sa mga variable
setting o kondisyon kahit na hindi saklaw ng eksperimento.

You might also like