Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

BIONOTE

 Ang bionote ay impormatibong talata na nagpapaalam sa


mga mambabasa kung sino ka o ano-ano na ang mga nagawa
mo bilang propesyunal.
 Iba ang bionote sa talambuhay at autobiyograpiya. Ang
bionote ay maikli at siksik, samantalang mas detalyado at
mas mahaba ang talambuhay at awtobiyograpiya.
Isinasalaysay sa awtobiyograpiya ang lahat ng tungkol sa
may-

akda, sa buhay at karanasan nya, ang ipinakikilala naman sa


biograpiya ay ang buhayng ibang tao.
 Nakasulat gamit ang punto de bistang pangatlong panauhan.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
 Maikli ang nilalaman -Karaniwang hindi binabasa ang mahabang bionote,
lalo na kung hindi naman talaga kahanga-hanga ang mga dagdag na
impormasyon. Ibig sabihin, mas maikli ang bionote, mas babasahin ito.
Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang
impormasyon. Iwasan ang pagyayabang.

 2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw - Tandaan, laging


gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote kahit
na ito pa ay tungkol sa sarili.
 3. Kinikilala ang mambabasa - Kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa
pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng
paaralan, kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap
nila. Halimbawa na lamang ay kung ano ang klasipikasyon at kredibilidad mo
sa pagsulat ng batayang aklat.

 4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok - Katulad sa pagsulat ng balita at iba


pang obhetibong sulatin, unahin ang pinakamahalagang impormasyon. Ito ay
dahil sa ugali ng maraming taong basahin lamang ang unang bahagi ng
sulatin. Kaya naman sa simula pa lamang ay isulat na ang pinakamahalagan
impormasyon.
 5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangaian -Mamili
lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng iyong
bionote. IWASAN ito: “Si Pedro ay guro/ manunulat/ negosyante/
environmentalist/ chef.” Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan,
halimbawa, hindi na kailangan banggitin sa bionote ang pagiging negosyante
o chef.

 6. Binabanggit ang degree kung kailangan - Kung may PhD sa antropolohiya,


halimbawa, at nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa
Cagayan, mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito.
 7.Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon - Walang
masama kung paminsan-minsan ay magbubuhat ng sariling
bangko kung ito naman ay kailangan upang matanggap sa
inaaplayan o upang ipakita sa iba ang kakayahan. Siguraduhin
lamang na tama o totoo ang impormasyon. Huwag mag- iimbento
ng impormasyon para lamang bumango ang pangalan at
makaungos sa kompetisyon. Hindi ito etikal at maaaring
mabahiran ang reputasyon dahil dito
KAHALAGAHAN NG
BIONOTE
 Nagsusulat tayo ng bionote upang ipaalam
sa iba hindi lamang ang ating karakter kundi
maging ang ating kredibilidad sa larangang
kinabibilangan. Ito ang paraan upang ipakilala
ang sarili sa mga mambabasa.

You might also like