Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ang Hamon Ng

Agwat
Teknolohikal
Palagi nating naririnig o sinasabi na napakabilis ng paglipas ng
panahon. Subalit kung tutuusin, higit na mabilis ang pagbabago ng
mga bagay sa ating paligid kaysa sa pagdaan ng mga araw at taon. Sa
mga pagbabagong ito, pinakatampok ang pagbabagong teknolohikal.
Ktunayan, ayon kay Dr. Larry Rosen, isang sikolohista, kung dati ay
bumibilang ng ilang dekada bago tanggapin at gamitin ng tao ang
isang bagong teknolohiya, sa kasalukuyan, may bagong teknolohiya na
lumalabas at ginagamit ng tao sa bawat 3-5 taon. Ayon pa kay Rosen,
tumagal ng 38 taon bago narrating ng radio ang karamihan ng
populasyon sa US, 13 taon ang telebisyon, 16 taon ang kopyuter, at 5
taon ang Internet. Lubhang mabilis ang pagbabago ng teknolohiya at
nagiging mahirap ang pagsabay sa pagbabagong ito.
Ang teknolohiya ay ang paggawa ng mga bagay na
makatutugon sa pangangailangan at makapagbibigay
ng solusyon sa suliranin ng tao. Ang mga
pangangailangan at suliranin na ito ang nagbubunsod
sa mga pag babago ng teknolohiya. Ang mabilis na
pagbabagong teknolohikal ay nag bibigay-daan sa
tinatawag na technological gap o agwat
teknolohikal ng mga tao at mga henerasyon.
Ano agwat teknolohikal?
Ang agwat teknolohikal ay ang pag kakaiba ng mga taong
gumagamit at hindi gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. Ito
ay mapapansin sa pagitan ng mga henerasyon na mayroong mag
kakaibang nakagisna at nakasanayang teknolohiya. Ayon kay Gravett
at Throckmorton, mayroong tatlong henerasyon sa kasalukuyan na
pinaghihiwalay ng teknolohikal na pagbabago sa paglipas ng panahin.
Ito ay ang tinatawag nilang baby boomers na ipinanganak sa
pagitan ng taong 1946 at 1964. Generation X na ipinanganak
sa pagitan ng 1965 at 1976, at ang Generation Y na
ipinanganak sa pagitan ng 1977 at 1991.
Idinagdag dito ni Rosen ang tinatawag niyang Millennials, mga pinanganak
sa pagitan ng 1991 at ng kasalukuyang dekada.

Ayon kina Gravett at Throckmorton, ang baby boomers ay


gumamit ng typewriter upang isulat ang kanilang mga ulat sa
paaralan, nakinig sa stereo at long playing record o LP at
unang nakakita ng paglabas ng kompyuter. Natutuhan nila ang
paggamit nito sa panahon na tapos na silang mag-aral kuya kaya
mas pipiliin nila ang personal na pag-uusap. Sila ay higit natututo
sa pamamaraang biswal at awditori. Kapag sila ay nagkaroon ng
bagong gamit, ang una nilang gagawin ay basahin ang manwal
upang malaman kung paano ito gagamitin.
Samantala, ang Generation Y ay gumamit ng word processor
paea sa kanilang mga ulat, nakaranas manood ng VHS at DVD,
making sa Walkman at cassette tapes, at maglaro ng Atari.
Alam nila kung ano ang floppy disk at beeper. Sila ang unang
henerasyon na nagging computer literate at dahil dito, mas higit
nilang ginagamit ang electronic communication o email kaysa
sa harapan o personal na pag-uusap. Natutuhan din nila ang
paggamit ng cellphone kapalit ng beeper.

You might also like