FIL02 - CO5.1 Kabanata V - Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Ikalimang Kabanata:

Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

shs.mapua.edu.ph
LAGOM
1. Simulan sa isang maikling pahayag tungkol sa pangunahing layunin
ng pag-aaral, mga respondent, saklaw at limitasyon at panahon ng
pag-aaral, pamamaraan at instrumenting ginamit sa pangangalap ng
mga datos at impormasyon at ang disenyo ng pananaliksik. Hindi na
kailangan ng anomang eksplenasyon o pagappalawig.
2. Ilahad ang mga importanteng datos sa lagom sa paraang tekstuwal
at numerikal.

shs.mapua.edu.ph
LAGOM
3. Huwag gumawa ng pagbabawas, pagpapatibay na paliwanag at
interpretasyon.
4. Mga importanteng tuklas at haylayt ng mga datos ang dapat
banggitin sa lagom, lalo na ang iyong mga pinagbatayan ng mga
kongklusyon
5. Ang mga datos ay inilalahad lamang at hindi ipinapaliwanag dito.
6. Gawing maikli at tuwiran ang pahayag.
7. Huwag magdagdag ng bagong datos o impormasyon dito.

shs.mapua.edu.ph
KONGKLUSYON
1. Lahat ng kongklusyon ay dapat ibatay sa lohika ng mga datos at
impormasyong nakalap.
2. Dapat masagot nang tumpak at maayos ang mga katanungang
tinutukoy sa Layunin ng Pag-aaral. Mawawalan ng kabuluhan ang
pananaliksik kung ang mga katanungang iyon ay hindi malalapatan
ng mga kasagutan sa kongklusyon.
3. Dapat matukoy sa kongklusyon ang mga paktwal na napag-alaman
sa inkwiri.

shs.mapua.edu.ph
KONGKLUSYON
4. Huwag bumuo ng kongklusyon batay sa mga implayd at inderektang
epekto ng mga datos.
5. Gawing maikli at tuwiran ang mga kongklusyon ngunit dapat tugon ito
sa mga suliranin ng pag-aaral.
6. Maging tiyak sa paglalahad ng mga kongklusyon at huwag gumamit ng
mga salitang nagpapahayag ng walang-katiyakan.
7. Ilimita sa paksa, saklaw at panahon ng pag-aaral.
8. Kailangan na ito’y hindi tila kinopyang pahayag sa ibang bahagi kaya
dapat ipaliwanag ito sa ibang kaparaanan.

shs.mapua.edu.ph
REKOMENDASYON
1. Ang mga rekomendasyon ay naglalayong lutasin ang mga
problemang natuklasan sa pag-aaral.
2. Huwag magrekomenda ng mga solusyon sa anomang suliraning
hindi naman natukalasan o natalakay sa pag-aaral.
3. Kahit ideyal ay dapat maglaman ito ng parkatikal, naisasagawa,
nakakamit, makatotohanan at makatarungan.
4. Dapat maging balid at lohikal ang bawat rekomendasyon.

shs.mapua.edu.ph
REKOMENDASYON
5. Dapat ipatungkol ang bawat rekomendasyon sa indibidwal, pangkat,
tanggapan o institusyong nasa posisyong magpatupad ng bawat isa.
6. Kung may mga mabubuting bagay na natuklasan, kailangang
irekomenda ang pagpapanatili, pagappatuloy at/o pagpapabuti ng
mga iyon at/o mga hakbang o paraan kaugnay niyon.
7. Maaaring irekomenda sa ibang mga mananaliksik ang pagpapatuloy
o pagpapalawak ng isinagawang pag-aaral at/o paggamit ng ibang
saklaw, panahon, lokaliti at populasyon upang ma-verify,
maamplipay o mapasinungalingan ang mga natuklasan sa pag-aaral.

shs.mapua.edu.ph
End of Presentation

shs.mapua.edu.ph

You might also like