Andrew Case Study

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pereña, Gian Andrew S.

Grade 10 QUEZON
ARALING PANLIPUNAN week 7

CASE STUDY #1

Sa case study #1, Participartory Governance Alegre, Brazil. Mapapansin na sa pagbabasa nito, ang
kanilang lungsod ay mayroong napakalaking mga suliranin na nakaaapekto na sa pamumuhay ng mga tao
roon. Sila ay nahihirapan na mapanatiling nakaangat ang ekonomikong aspeto ng nasabing lugar. Ang
mga opisyales ay namo-mroblema dahil sa kakulangan ng pondo para matulungan ang sariling lungsod.
Sila ay nahihirapan nang maghanap ng paraan upang mas mapalaki ang pondo na naitaguyod. Ang
lungsod nila ay mayroon di’ng kakulangan sa kanilang mga pangangailangan tulad ng serbisyong
medical at mga imprastraktura. Dahil dito, hindi man agad agadang natugunan ang problema ng lungsod
ngunit naisagawa nila ito. Noong taong 1989, naisip ng gobyerno at opisyales ng Porto Alegre na
umpisahan ang tinatawag na Participatory Governance. Ang Participatory Governance ay ang nagbibigay
ng kalayaan at karapatan sa mga mamamayan ng isang lungsod o lugar upang panghawakan ang kanilang
mga respnsibilidad kung ano ba ang sa tingin nilang mas makakabuti para sa kanilang lahat. Isinama ng
mga opisyales na katulong sa pagbabalangkas ng badyet ang kanilang mga mamamayan. Dahil sa
pagsasagawa nito, mas alam ng mga mamamayan ang kanilang mga pangangailanganb na dapat punan at
isakatuparan ng pamahalaan ng kanilang lungsod. Upang maisagawa ito ng mga tao sa Alegre, hinati ng
pamahalaan sa labing-anim na regional assemblies at thematic assemblies upang makuha ang suhestiyon
ng mga mamamayan. Sumakatuwid, ito ay naging isang magandang paraan upang ayusin ang kakulangan
at itama ang pagbabalangkas ng pondo, dahil ang mga mamamayan ang makakaalam kung saan at paano
nila ito magagamit sa kanilang pamumuhay dahil kung wala ito, sila rin ang magkakaroon ng problema.
Pereña, Gian Andrew S. Grade 10 QUEZON
ARALING PANLIPUNAN week 8

CASE STUDY #2

Ang sinasabing Participartory Governance ay nagkaloob din ng magandang dulot sa


ating bansa, sa Pilipinas. Sa katunayan nga raw, ang Local Governmernt Code of 1991 ay isang
testamento kung saan kinikilala nito ang papel ng mamamayan sa pamamahala sa isang lungsod o lugar
na ganap na kinabibilangan. Ang batas daw na ito ay kinikilala ang mga kahalagahan ng papel at
tungkulin ng people’s organization at non-governmental organization sa pamamahala ng mga bayan o
lungsod. Nakapaloob dito na ang papel daw ng mga Pilipino ay hindi lamang limitado sa araw ng
pagboto kundi ay sa araw-araw na pamumuhay ng bawat isa sa atin. Ito ay nagging isang matagumpay na
programa hindi lamang para mapakinggan ang mga daing ng mamamayan kundi para rin sa ikauunlad ng
nating lungsod o pamayanan na tinitirhan/ pinananahanan. Sa aking opinyon man, ang Participatory
Governance man ay nagkaroon ng napakalaking mabuting epekto upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mamamayan dahil dito ay nalalaman natin ang kanilang mga mungkahi, suhestiyon,
o opinyon na alam nila na makabubuti hindi lang para sa kanila kundi ay para na rin sa lungsod na
kanilang kinabibilangan. Bilang isang Pilipino, ako po ay natutuwa na mayroon din tayo nityo. Dahil
ang bawat pamahalaan naman ng ating lungsod ay may kanya-kanyang pangangailangan, napupunan at
natutugunan agad ito nsa mabilis at agarang solusyon. Hindi lamang yon, naipatupad din ng local na
pamahalaan ang mga programang mas nagpalakas sa mekanismo ng Participatory Governance gaya na
lamang ng Productivity Improvement Program na naglalayon na makakuha at mag ayos ng mga
benepisyong nakukuha ng mga kawani ng local na pamahalaan. Mayroon din silang Private Sector
Human Resource Management Techniques para naman s mga empleyado ng pamahalaan ng lungsod na
may layuning mas maisaayos ang serbisyong naibibigay sa pamayanan/ mamamayan ng Naga.

You might also like