Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

1.

Sumurot sa damdamin
Sumurot sa damdamin- ay nanuot sa
damdamin o tumimo sa puso't damdamin.
2. Nakakahilakbot
Nakakahilakbot- ito ay nakakatakot o
nakakabahala
3. Nakakahndik
Nakakahindik- ito ay nakakabahala o
nakakabigla
4. Pumupukaw
Pumupukaw- ito ay nangangahulugang
‘pumukaw’ at ito ay ginagamit upang ilarawan
ang pagpukaw ng damdamin, interes, o
emosyon ng isang tao.
5. Namayapa
Namayapa- ito ay nangangahulugang
namatay na at ito ay ginagamit upang ilarawan
ang pagkamatay ng isang tao at ang
pagkakaroon ng kapayapaan matapos ang
buhay.
BUOD
Napalis ang lungkot ni Crisostomo Ibarra habang tumatakbo
ang sasakyan sa kanyang paglalakbay. Isa-isang nagbalik sa
kanyang alaala ang mga masasaya at malulungkot na alaala
habang pinagmamasdan ang mga tanawing dinararaanan.
Walang tigil ang mga kalesa at karumatang nagyayao’t dito,
iba’t ibang mga tao, mga kargador, naglalako ng paninda, mga
tindahan. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang mga
karitong hila ng mga kalabaw. Baku-bako pa rin ang kalsada
at hindi aspaltado kaya't lubhang malubak kapag tag-ulan at
maalikabok kapag tag-araw. Napansin din niya na hindi na
lubhang kagandahan ang Escolta at ang mga puno ng talisay
sa kalye San Gabriel ay nabansot. Namataan pa niya si Padre
Damaso na pormal at nakakunot- noo habang lulan ng
magarang sasakyang Victoria. Nakasabay ni Ibarra ang
karwahe ni Kapitan Tinong at kasama nito ang maybahay at
dalawang anak na babae. Victoria.
Payuko siyang binati ng matandang lalaki. Nakita ni
Ibarra ang pagawaan ng tabako sa Arroceros makababa
ng tulay. Lumiko ang karwahe ni Ibarra sa Subana na
ngayo'y mas kilalang Plaza Lawton at Kalye P. Burgos.

May sumurot sa kanyang damdamin pagkakakita sa


mga bilanggong inaalipin sa pagpapatag ng kalsada.
Ang mas nakakahilakbot, sa gayong estado ay
natatamo pa nila ang karahasang hindi sana nila
natatanggap mula sa kapwa bilanggo na may kaparis
na kapalaran at sitwasyon.
Sa nakakahindik na pangitain ay hindi niya maiwasang
ikumpara ang Europa sa kanyang mga nakikita. Naparaan sila
sa Mehan Garden o Hardin ng Botanika. Biglang sumagi sa
kanyang isip ang Jardin Botanika. Biglang sumagi sa kanyang
isip ang Jardin Botanico sa Europa. Kapansin-pansin ang
kaunlaran nito dahil ginugulan ng salapi kung ikukumpara sa
kabulukan ng hardin sa Maynila dahil napabayaan ito.

Naaalala niya ang mga salita ng isang gurong pari na


namayара. Ayon dito, ang karunungan ay para sa mga may
puso lamang. Ang anumang natamo ay nais iturong muli ni
Ibarra sa mga susunod pang henerasyon. Kung ang mga
dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas upang dumukal ng ginto,
kailangang hanapin naman sa kanila ang gintong kailangan ng
bayan, ang karunungan. Dahil habang ang Europa ay patuloy sa
walang katapusang pag-unlad ay papalugmok naman ang
1. Sino-sino ang mga tauhan?

2. Ano ang pamagat ng Kabanata na ito?

3. Sino ang nakasakay sa sasakyan o


karwahe?

4. Ano amg bumalik sa ala-ala ni Ibarra


habang naglalakbay?

5. Saan makikita ang pagawaan ng Tabako?


6. Umuunlad ba ang lugar ayon sa
pagtingin ni Ibarra mula sa kanyang
obserbasyon?

7. Anong nakakahilakbot na pangyayari


ang nasaksihan ni Ibarra?

8. Anong magandang tanawin ang


pumukaw sa damdamin ni Ibarra?
9. Ano ang gintong kailangan ng bayan
natin? Bakit?

10. Anu-ano ang tagubilin ng pari kay


Ibarra?

You might also like