Professional Documents
Culture Documents
Ap - Q1L4 - Kawalan NG Trabaho
Ap - Q1L4 - Kawalan NG Trabaho
Ap - Q1L4 - Kawalan NG Trabaho
NG
TRABAHO
UNEMPLOYMENT
Ang kawalan ng trabaho ng mga taong may
wastong gulang at mabuting pangangatawan
na isa sa mga kondisyong pang-ekonomiyang
bunga ng kawalan ng mga oportunidad o
pagkakataong makahanap ng trabaho ayon sa
kakayahan ng manggagawa at sa kailangan
ng mga may negosyo.
UNEMPLOYMENT RATE
Ito ay nakakalkula sa pamamagitan ng
paghahati ng bilang ng mga
mamamayang walang trabaho sa bilang
ng mga mamamayan sa lakas-paggawa
o puwersang manggagawa.
UNDEREMPLOYED
Ang mga taong nagnanais na
magkaroon pa ng karagdagang oras sa
kanilang kasalukuyang trabaho o
magkaroon pa ng karagdagang
pagkakakitaan o bagong trabaho na
may mahabang oras.
YAMANG-TAO
Ang isa sa mga yaman ng isang bansa na
tumutugon sa pagbuo, paggawa at
pagbibigay ng produkto o serbisyo sa bansa
o sa mga bansang nangangailangan ng
empleyo. Ang yamang-tao ng isang bansa
ang pinagkukunan ng lakas-paggawa o
labor force.
LABOR FORCE
Ito ang bahagi ng populasyon na may edad 15
pataas na may trabaho o empleyong FULL-TIME
(nagtatrabaho ng 8 oras o higit pa at nabibigyan ng
benepisyo ng kaniyang pinaglilingkurang
kompanya) o PART-TIME (nagtatrabaho ng 4 na
oras pababa at hindi nakakakuha ng benepisyong
natatanggap ng full-time na manggagawa) o
naghahanap ng mapapasukang trabaho.
LABOR PARTICIPATION
RATE
Ang tawag sa bahagi ng populasyon na
may edad 15 pataas na may kakayahang
sumali sa gawain ng ekonomiya. Kung
mataas an labor participation rate, malaki
ang potensyal o kakayahan ng isang lugar
na pataasin ang ekonomiya dahil mataas
ang dami ng mga manggagawa sa bansa.
MGA DAHILAN NG
UNEMPLOYMENT
Kakulangan ng Oportunidad para
makapagtrabaho
Kawalan ng Pamahalaan ng
komprehensibo at pangmatagalang plano
na makalilikha ng trabaho
Paglaki ng Populasyon
MGA DAHILAN NG
UNEMPLOYMENT
Hindi tugma ang pinag-aralan o kwalipikasyon ng mga
mamamayan sa maaari nilang pasukang trabaho
Kakulangan sa kinakailangang kasanayan para sa
trabaho
Hindi matugunan ang kondisyon ng kawalan ng
trabaho
Masalimuot na paraan para makapagtatag ng negosyo
MGA DAHILAN NG
UNEMPLOYMENT
Hindi pagbibigay ng wastong sahod sa manggagawa,
kaunting benepisyo at hindi maayos na kondisyon ng
pinagtatrabahuhan (poor working conditions)
Katamaran ng mga tao na magtrabaho
Pamumulitika at katiwalian ng mga nanunungkulan
sa Pamahalaan
Pananalasa ng mga kalamidad sa bansa
ANG UNEMPLOYMENT RATE SA PILIPINAS
YON SA IBA’T-IBANG ORGANISASYON
Tumitinding kahirapan
Naaapektuhan ang Mental Health o
Kalusugan ng pag-iisip ng mga tao
Nagpupunta sa ibang bansa ang mga
manggagawa
EPEKTO NG KAWALAN NG TRABAHO SA
PAMUMUHAY NG MGA MAMAMAYAN