Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

PAGGALANG SA BUHAY:

PAGMAMAHAL SA DIYOS
AT SA KAPUWA

ARALIN 12
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
A. ANG BUHAY AY SAGRADO
Ang buhay ang pinakamahalagang biyayang kaloob ng
Diyos sa tao. Kaloob ito ng Diyos upang kalingain at
pagyamanin. Sa kabila ng mga umuusbong na isyu at
mga pangyayari na laban sa buhay, isang katotohanan
ang nananatili- hindi nakasalalay ang ating buhay sa
ating sarilung kagustuhan o kaginhawaan lamang.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
1.Nilikha at hinubog ng Diyos ang bawat tao na Kanyang
kawangis at kalarawan.
2.Ang kasagraduhan ng buhay ang pinakamatibay na
pundasyon ng dignidad ng tao.
3.Ang buhay ng tao ay mayroong tunay na pananagutang
panlipunan.
4.Likas ang karapatan ng buhay na mabuhay.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
B. MAY HIGIT NA MAHALAGA SA BUHAY
Kaugnay sa kahalagahan ng buhay, may sinabi si Rick
Warren sa kanyang aklat na “The Purpose-Driven Life.” Ang
layunin ng iyong buhay ay malayong higit na malaki sa iyong
sariling kaganapan, iyong kapayapaan ng isip, o kaya ng iyong
kaligayahan. Ito ay higit na malaki kaysa iyong pamilya,
trabaho, o kahit iyong pinakamataas na pangarap at
ambisyon.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
B. MAY HIGIT NA MAHALAGA SA BUHAY
Mahalaga ang buhay ngunit may higit na may mahalaga
kaysa ito- ang pagmamahal sa Diyos at sa kapuwa. Kapag
walang pagpapahalaga sa buhay, wala ring pagpapahalaga sa
tao. Kapag nangyari ito, masasaktan natin ang ating sarili at
ang ating kapuwa at hindi natin magagampanan ang
mahalaga sa lahat- ang magmahal at magpuri sa ating
maylalang.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
C. Pagsulong ng Culture of Life sa Halip na Culture of
Death
Ang sinulat ni Pope John Paul II, Evangelium Vitae (Gospel
of Life) ay binibigyang-diin na ang buhay ng tao ay ang
pangunahing pagpapahalaga. Ginamit niya ang culture of life
at culture of death upang isiwalat ang katotohanan tungkol sa
buhay ng bawat tao na dapat tinatanggap nang buong puso
mula sa kanyang pagkalalang hanggang sa kanyang kusang
pagkamatay.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
C. Pagsulong ng Culture of Life sa Halip na Culture of
Death
Ang culture of death ay hihigit pa sa mga karumaldumal na
kilos. Ito ay ang pagkiling sa kultura ay hinahayaan ang
aborsiyon, euthanasia, pagpatay, paghihiganti, suicide o
pagkitil sa sariling buhay, giyera, parusang kamatayan,
kalaswaan, pangangaliwa, paghihiwalay ng mag-asawa at
marami pang iba.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
MGA PANGUNAHING GABAY NA HANGO MULA SA
EVANGELIUM VITAE
A. PAGGALANG SA BUHAY
Ang buhay ng tao ay sagradong katotohanan na
ipinagkatiwala sa atin. Dapat ito ay pagyamanin nang may
pananagutan, na may gawing ganap na pagmamahal at sa
biyaya ng ating sarili, para sa Diyos, at sa ating kapuwa.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
MGA PANGUNAHING GABAY NA HANGO MULA SA
EVANGELIUM VITAE
B. CULTURE OF DEATH: TRAHEDYA NG BUHAY
Mayroong matinding krisis ng kulturang bumubuo ng pag-
aalinlangan kaugnay sa mga pangunahing kaalaman at etika. Ito
ang unti-unting nagpapahirap sa pag-unawa sa tunay na
kahulugan ng tao at ang kahulugan ng kanyang karapatan at
pananagutan.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
MGA PANGUNAHING GABAY NA HANGO MULA SA EVANGELIUM VITAE
C. PAGLAHO NG KAMALAYAN SA DIYOS AT KAMALAYAN SA TAO: UGAT
NG CULTURE OF DEATH
Ang trahedya ng pagkakaroon ng culture of death ay nag-
uugat sa paglaho o eclipse ng kamalayan sa Diyos at
kamalayan sa tao (sense of God and Sense of man). Ang mga
taong hinahayaang maimpluwensiyahan sila sa ganitong
kultura ay madaling mahulog sa mabisyong sitwasyon.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
MGA PANGUNAHING GABAY NA HANGO MULA SA
EVANGELIUM VITAE
D. ABORTION, SUICIDE, EUTHANASIA: PAGTULIGSA SA
KAPANGYARIHAN NG DIYOS SA BUHAY AT KAMATAYAN
Ang buhay ay ipinagkatiwala ng Diyos sa tao na isang
kayamanan na dapat pagyamanin at hindi linulustay kundi
gamitin nang tama at mabuti.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
MGA PANGUNAHING GABAY NA HANGO MULA SA EVANGELIUM VITAE
E. MAHALAGANG GAMPANIN PARA SA CULTURE OF LIDE AT SA PAGTUWID
NG CULTURE OF DEATH
Tayong lahat ay kalahok at kabahagi sa hindi maiiwasang pananagutang
manindigan para sa buhay ng tao. Sama-sama tayong mag-alay sa
mundong ito ng ating pag-asa, at magsikap na siguruhin na ang
katarungan at pagbubuklod ay mag-iibayo at ang bagong kultura ng buhay
ng tao ay maisusulong para sa pagkakataon ng tunay na kalinangan ng
katotohanan at pagmamahal.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
Upang magawa ang mga pangunahing gabay:
1. Konsensiya - kailangan ang paghubog ng
konsensiya kaugnay ng walang kapantay at
kasagraduhan ng buhay ng bawat tao.
Pinakamahalaga ang matatag na pag-unawa ng
pangunahing ugnayan ng buhay at kalayaan.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
Upang magawa ang mga pangunahing gabay:
2. Edukasyon – ang gawain sa edukasyon na malapit sa
paghubog ng konsensiya ay tumutulong sa mga
indibidwal upang magpakato. Ang edukasyon ang
gagabay sa kanila na maging malapit lagi sa katotohanan,
na lumago ang paggalang sa buhay, at magkaroon ng
mabuti at tamang pakikipag-ugnayan.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
Upang magawa ang mga pangunahing gabay:
3. Paninindigan – kailangan natin ang magkaroon sa
ating sarili at sa kapuwa ng isang mapagnilay na
paninindigan. Ang paninindigang ito ay hindi sumusuko
sa harap ng mga maysakit, nagdurusa, itinakwil, o iyong
mga malapit nang mamatay.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
Upang magawa ang mga pangunahing gabay:
4. Pamilya - ang pamilya ay may natatanging gampanin sa
buong buhay ng kanyang mga miyembro mula sa
pagkapanganak hanggang kamatayan. Ito ay tunay na
kanlungan ng buhay (sanctuary of life): ang lugar kung saan
ang buhay na kaloob ng Diyos ay tinatanggap nang tama at
naipagtatanggol laban sa maraming lantad na paninira, at
kung saan napauunlat ito batay sa tunay na paraan para sa
pantaong kaganapan.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
Upang magawa ang mga pangunahing gabay:
5. Serbisyong Panlipunan – patuloy ang mga sentro o
institusyong nagbibigay-suporta sa buhay na may
dedikasyon at serbisyo, na nag-aalay ng moral at
material na tulong sa mga inang nasa kahirapan at nag-
aalangang dumanas ng aborsiyon.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
Upang magawa ang mga pangunahing gabay:
6. Kabataan – malaki ang inaasahan sa mga kabataan
na matuto ng tunay na kalayaan na may kakayahang
pagyamanin sa kanilang sarili at sa iba ang tunay na
mga prinsipyo ng buhay, at tumanda silang patuloy ang
kanilang paggalang at pagserbisyo sa bawat tao, sa
pamilya at sa lipunan.
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
Upang magawa ang mga pangunahing gabay:
7. Media – kailangang pahalagahan at seryosohin ng media ang
kanilang pananagutan na ang mga mensaheng mahusay nilang
inihahayag ay susuporta sa culture of life. Kailangan nilang
ipakita ang mabubuting huwaran ng buhay at magbigay ng mga
halimbawa ng mga positibong pagpapahalaga at mga
kabayanihan sa pagmamahal ng kapuwa.

You might also like