BHWManual - Core-1-PriorityArea2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 76

Priority Area 2:

Be Clean, Live Sustainably


Priority Area 2: Be Clean, Live
Sustainably
• Environmental Health
• Ligtas na inuming tubig
• Sanitation (Kalinisan at palikuran)
• Wastong pagtatapon ng basura
• Mga Nakakahawa (Infectious) at Vector-Borne Diseases
• Tuberculosis
• Dengue
• Rabies
• Influenza/Flu
• Hepatitis A, B, and C
• Leptospirosis
• COVID-19
• Iba pang mga nakakahawa at vector-borne na mga sakit (Typhoid fever, Malaria, Leprosy, Filariasis,
Schistosomiasis)
Environmental Health
Environmental Health
• Ang kalusugang pangkapaligiran o environmental health ay ang
proseso ng pagtiyak sa kalusugan at kaligtasan ng komunidad sa
pamamagitan ng ligtas na mapagkukunan ng inuming tubig, malinis
na palikuran o toilet, wastong pagtatapon ng basura, at kaligtasan sa
pagkain.
Environmental Health
• Ang pagtiyak ng sapat na pangangalaga sa kapaligiran ay
nangangailangan ng:
• wastong pagtatapon ng basura upang maiwasan ang polusyon sa hangin at
tubig;
• pagkakaloob ng ligtas na inuming tubig upang maiwasan ang pagkalat ng mga
sakit na dala ng tubig;
• pagpapagawa o pagpapatayo ng sanitary toilet at wastong paggamit at
pagpapanatili ng mga ito upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit; at
• mga hakbang ukol sa kaligtasan ng mga pagkain upang maiwasan ang
kontaminasyon at pagkalason.
• Bilang bahagi ng komunidad, may malaking papel na ginagampanan
ang mga BHW sa pagtataguyod ng environmental health (maayos na
kapaligiran) sa pamamagitan ng patuloy na pagpapaalaala sa mga tao
ng kahalagahan ng:
• wastong pagtatapon ng basura
• paglilinis ng paligid (drainage, estero, kanal)
• pagkakaroon ng sapat at ligtas na tubig na inumin
• pagpapatayo at pagpapanatili ng kalinisan ng palikuran (pampubliko o
pribado), at
• food safety (ligtas na paghahanda ng mga pagkain).
Ligtas na inuming tubig
Ligtas na inuming tubig
• Ang ligtas na supply ng tubig ay mahalaga sa pag-iwas sa mga sakit at
para sa pagpapanatili ng maayos na kalusugan sa komunidad.
• Ang mga linya ng tubo (pipe line) ng tubig ay dapat protektahan
upang maiwasan ang kontaminasyon na nangyayari sa:
• pagtagas ng tubig sa tubo na nakalubog sa mga kanal o stagnant na tubig;
• mga palikuran na itinayo malapit sa water sources (ilog, dagat, sapa, estero)
• maruming lalagyan ng tubig.
Ligtas na inuming tubig
• Bukod sa pag-alam ng mga pinagkukunan ng tubig sa kanilang mga
komunidad, inaasahan ang BHW na mahikayat ang mga miyembro ng
kabahayan at mga opisyal ng barangay na regular na isulong o
itaguyod ang mga kasanayan sa pagkakaroon ng ligtas na tubig, tulad
ng:
• Palaging paglilinis ng mga lalagyan ng tubig na hindi bababa sa isang beses
kada linggo.
• Regular na water sampling ng mga pinagmumulan ng tubig.
• Regular na pag-disinfect ng Level I na pinagmumulan ng tubig kada 3 buwan.
• Pag-inom lamang ng chlorinated/treated/pinakuluang tubig.
• Siguraduhing ligtas ang tubig na inumin.
Ligtas na inuming tubig
• Pakuluan ang tubig kung ito ay tubig-ulan, mga tubig galing sa ilog,
lawa, balon at bukal ng hindi bababa sa dalawang minuto pagkatapos
magsimulang kumulo ang tubig.
• Gumamit ng malinis na containers na may takip kapag nag-iipon ng
tubig.
• Kung walang gripo ang lalagyan, gumamit ng malinis na tabo o
anumang pangsalok para kumuha ng tubig.
• Huwag ilagay ang mga kamay o maruruming tasa sa tubig.
Ligtas na inuming tubig
• Dapat ding makipag-ugnayan ang BHW sa mga opisyal ng barangay at
sa sanitation inspector upang mapadali ang pagkilala sa mga
kabahayan na may potensyal ng magkaroon ng kontaminadong
pinagmumulan ng tubig, o kung may posibleng kontaminasyon ng
tubig sa loob ng lugar na pinagkukunan ng komunidad.
Sanitation at Toilet
Sanitation at Toilet
• Ang bulate sa tiyan at pagtatae ay mga karaniwang sakit sa mga komunidad na
walang toilet at sapat na supply ng tubig para sa kalinisan.
• Ang pagpapatayo at paggamit ng maayos at malinis na palikuran ay maaaring
makaiwas sa ganitong mga sakit.
• Gamit ang pinakabagong mga form para sa environmental sanitation, ang mga
BHW ay inaasahang ilista ang mga pangalan ng mga pamilya na walang palikuran
at hindi gumagamit nito.
• Sa tulong ng mga sanitary inspector, dapat na pagbawalan ng mga BHW ang mga
pamilya sa pagdumi o pagtapon ng mga dumi sa mga kalsada, ilog, at kanal.
• Hikayatin ang regular na paggamit ng mga palikuran upang maiwasan ang
parasitismo na nagpapalubha ng malnutrisyon sa mga bata.
Sanitation at Toilet
• Maaari ding ipaalala sa komunidad ang mga sumusunod na kasanayan
sa kalinisan:
• Itapon ng maayos ang mga dumi ng tao upang maiwasan ang pagkalat ng mga
mikrobyo at parasite na maaaring magdulot ng mga sakit tulad ng cholera,
parasitism, at typhoid fever.
• Ang hindi malinis na public toilet o pampublikong palikuran ay nakakaapekto
sa komunidad at maaaring pagmulan ng pagkakontaminado ng mga
pinagkukunan ng tubig. Ang pagpapanatili ng malinis at maayos na mga
pampublikong palikuran ay tungkulin ng buong komunidad.
• Makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay at mga sanitary inspector
upang mapadali ang pagkilala sa mga kabahayan na walang sanitary toilet.
Wastong pagtatapon ng basura
Wastong pagtatapon ng basura
• Ang hindi tamang pagtatapon ng mga basura sa mga open area, ilog,
sapa, at mga kanal ay maaaring magdulot ng pagbabara ng drainage at
magdulot ng pagdami ng mga daga at insekto na nagdadala ng mga
sakit.
• Pwede din itong magdulot ng pagbaha na nagreresulta sa
kontaminasyon ng tubig na maaaring magdulot ng pagtatae,
leptospirosis, at iba pang sanhi ng diarrhea.
• Gamit ang pinakabagong mga form para sa environmental sanitation,
ang mga BHW ay inaasahang maglista ng mga miyembro ng komunidad
kung anong uri ng mga basura ang itinatapon sa loob ng kanilang mga
itinalagang lugar.
Wastong pagtatapon ng basura
• Sa tulong sa mga opisyal ng barangay at mga sanitary officer, dapat isulong o i-
promote ng BHW ang wastong pagtatapon ng basura, kabilang ang mga
sumusunod:
• Bawasan ang paggamit ng mga single-use plastics (hindi na pinapahintulutan ang single-use
plastics sa mga health facilities), o mga gamit na yari sa plastic na itinatapon agad
pagkatapos ng isang gamit gaya ng plastic na kutsara, tinidor, at baso.
• Ilagay o itabi ang basura sa mga itinalagang lalagyan sa komunidad para sa koleksyon nito.
• Ipagbawal ang pagsisiga o pagsusunog ng basura upang maiwasan ang polusyon sa hangin.
• Gumawa ng compost pit sa likod ng bahay para sa mga nabubulok na basura. Ito ay
maaaring magsilbing pataba para sa organic gardening.
• I-recycle ang mga plastik na bote, o ibenta ang mga ito sa mga junk shop.
• Ipagbawal ang pagtatapon ng basura sa mga kalye, ilog, o mga kanal upang maiwasan ang
pagbara sa drainage, at pamugaran ng mga daga at insekto.
Infectious at Vector-Borne Diseases
Infectious at Vector-Borne Diseases
• Ang mga infectious diseases o mga nakakahawang sakit ay nakukuha
mula sa mga bacteria, virus, at iba pang organismo na maaaring
pumasok sa katawan ng isang tao.
• Ito ay maaaring maipasa at makahawa sa ibang tao.
• Sa bahaging ito, tatalakayin ang mga nakakahawang sakit na maaaring
makuha sa komunidad, tulad ng tuberculosis, typhoid fever, dengue,
rabies, influenza, leptospirosis, COVID-19, at iba pa.
• Ang mga BHW ay inaasahan na may alam sa mga karaniwang
nakakahawang sakit na ito na maaaring makita sa kanilang komunidad,
at tulungan ang mga midwife at health center sa pagbibigay ng payo at
pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan.
Tuberculosis (TB)
Tuberculosis (TB)
• Ang tuberculosis o TB ay isang nakakahawang sakit na dulot ng
Mycobacterium tuberculosis bacteria na pangunahing nakakaapekto
sa mga baga, ngunit maaari ring makaapekto sa ibang bahagi ng
katawan gaya ng buto, utak, at mga kasukasuan.
• Ito ay nananatiling isa sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay sa
Pilipinas.
• Nalalaman na may TB ang isang tao sa pamamagitan ng pagsusuri sa
plema gamit ang Xpert testing, direct sputum smear microscopy
(DSSM), o sa pamamagitan ng diagnosis ng doktor batay sa x-ray at
mga sintomas.
Tuberculosis (TB)
• Nakukuha ang TB sa pamamagitan ng paglanghap ng TB bacteria sa
hangin. Ang bacteria na ito ay galing sa mga taong maysakit na
tuberculosis at lumalabas sa kanilang paghinga, pag-ubo, pagbahing,
o pagdura sa mga pampublikong lugar.
• Ang taong nahawahan ay nagkakaroon ng sakit kapag ang kanyang
immune system o resistensya ay humina.
Tuberculosis
• Ang mga taong may mga senyales at sintomas ng TB ay tinatawag na
presumptive TB patients. Kasama sa mga palatandaan at sintomas na
ito ang mga sumusunod:
• May ubo na sa loob ng 2 linggo o higit pa
• Pagkakaroon ng lagnat sa hapon o gabi
• Hindi maipaliwanag na pananakit ng dibdib o likod
• Pagbaba ng timbang
• Walang ganang kumain
• May bahid ng dugo sa plema
Tuberculosis
• Ang mga sumusunod ay mataas ang tiyansa na magkaroon ng TB, at
kinakailangang magpasuri sa health center o TB clinics (sa pamamagitan ng
chest x-ray screening) kahit na wala silang mga sintomas:
• Mga kasama sa bahay ng taong may TB
• Mga taong nagkaroon na dati ng TB
• Mga pasyenteng may diabetes
• Mga taong may HIV (people living with HIV o PLHIV)
• Mga pasyenteng mahina ang resistensya (gaya ng mga sumasailalim sa chemotherapy
at dialysis)
• Mga katutubo o miyembro ng mga pangkat-etniko
• Mga mahihirap sa lungsod at kanayunan
• Mga taong nagtatrabaho o naninirahan sa mga congregate setting (halimbawa, mga
nasa kulungan, mga detention center, mga ampunan)
Tuberculosis (TB)
• Ang TB ay nagagamot.
• Ang karaniwang anim na buwan na gamutan na ibinibigay ng libre ng
DOH sa mga health center ay binubuo ng dalawang buwan (56 araw)
na intensive phase at apat na buwan (112 araw) na maintenance
phase.
• Ang paggamot sa TB ay sakop ng PhilHealth.
Tuberculosis (TB)
• Ang TB ay maaaring mapigilan at maagapan kung ang mga taong may sintomas
sa komunidad ay agad matutukoy at magagamot.
• Ang mga kasama sa bahay ng pasyenteng may TB na hindi pa nagkaroon ng sakit ay maaari
ding makinabang sa TB preventive therapy, na ibinibigay din ng mga health center.
• Ilang paraan para maiwasan ang TB:
• Pagbabakuna ng BCG sa mga bagong silang na sanggol.
• Aktibong pakikilahok at suporta ng komunidad para sa mga pasyente at programa ng TB
• Wastong pag-ubo (ubokabularyo)
• Paghikayat sa mga taong may sintomas ng TB (presumptive TB) na magpakonsulta sa
health center
• Pagbibigay ng TB preventive therapy (TPT) para sa mga kasama sa bahay o nakahalubilo ng
pasyenteng may TB.
• Maayos na bentilasyon sa kabahayan at silid kung may kasamang may TB.
Dengue
Dengue
• Ang dengue ay isang viral infection na nakukuha sa pamamagitan ng kagat ng
isang infected na babaeng Aedes aegypti o Aedes albopictus na lamok, na
kadalasang kumakagat sa araw.
• Karaniwang nangingitlog ang mga ito sa malinis at stagnant na tubig gaya ng
mga lalagyan ng tubig, mga gulong (ginagamit bilang pabigat sa mga bubong) at
mga lalagyan ng pinggan.
• Nagdudulot ito ng dengue fever na may mga sintomas tulad ng trangkaso at
minsan ay nagiging sanhi ng malalang komplikasyon tulad ng pagbaba sa bilang
ng platelet sa dugo at dengue hemorrhagic fever. Maaari itong makaapekto sa
mga sanggol, bata, at matatanda.
• Ang mga taong may dengue ay hindi nangangailangan ng anumang uri ng
antibiotic.
Dengue
• Kasama sa mga karaniwang senyales at sintomas ng dengue ay ang
biglaang pagtaas ng lagnat, kasama ang dalawa sa mga sumusunod:
• Matinding sakit ng ulo
• Panghihina ng katawan o kawalan ng ganang kumain
• Pananakit ng kalamnan
• Sakit ng kasu-kasuan
• Sakit sa likod ng mata
Dengue
• Ang mga senyales ng posibleng pagdurugo mula sa impeksyon ng dengue ay
maaaring magpakita bilang lagnat na tumatagal ng 2-7 araw, kasama ang
alinman sa mga sumusunod:
• Pananakit ng tiyan
• Tuloy-tuloy na pagsusuka
• Mga klinikal na palatandaan ng pag-iipon ng tubig sa katawan
• Pagdurugo (sa ilong, gilagid, o kapag nagsusuka)
• Panghihina ng katawan (lethargy) o kawalan ng ganang kumain at gumalaw
• Laboratory: pagtaas ng hematocrit at/o pagbaba ng platelet count sa complete blood
count (CBC)
• Agad kumunsulta ang pasyente sa pinakamalapit na health center o ospital
kung mayroong alinman sa mga palatandaan at sintomas ng dengue fever.
Rabies
Rabies
• Ang rabies ay isang nakamamatay na viral infection na nakakaapekto
sa utak ng isang taong nahawaan.
• Naipapasa ito sa pamamagitan ng laway, kagat, o kalmot ng isang
hayop (aso, pusa, o paniki) na may virus.
• Ang rabies ay maiiwasan, ngunit hindi na magagamot kapag
nagsimula na ang mga sintomas ng impeksyon.
Rabies
• Ilan sa mga karaniwang mga palatandaan at sintomas ng rabies
infection ang mga sumusunod:
• Lagnat at sakit ng ulo
• Pananakit o pamamanhid ng bahaging may kagat
• Pananakit o nahihirapan sa paglunok
• May takot na tumingin sa tubig (hydrophobia)
• May takot sa hangin (aerophobia)
• Makapal at malagkit na laway na tumutulo mula sa bibig
• Delirium at paralysis sa mga malalang kaso
Rabies
• Ang pagiging responsableng may-ari ng alagang hayop ay mainam na
paraan para maiwasan ang rabies sa komunidad.
• Ang mga alagang aso ay dapat nakarehistro, nabakunahan sa 3 buwang
gulang, at nabigyan ng taunang vaccine booster habang ito ay buhay o tuwing
may mass vaccination.
• Huwag hayaang malayang nakakagala ang mga aso sa mga lansangan o
pampublikong lugar na walang tali.
• Pananagutan ng mga may-ari ng alagang hayop ang mga biktima ng kagat ng
kanilang alagang hayop, kasama ang mga gastos sa paggamot.
Rabies
• I-monitor ang alagang hayop sa loob ng 14 na araw pagkatapos ng insidente ng
pagkagat. Huwag patayin o kainin ang aso.
• Ang pagpatay sa aso sa loob ng 14 na araw na panahon ng pag-oobserba ay
awtomatikong ituturing bilang isang kaso ng rabies.
• Ipaalam sa barangay o health center kung ang alagang aso ay namatay sa loob ng
14 na araw ng obserbasyon, o kung ang alagang hayop ay naging mailap,
naglalaway, o hindi kumakain o umiinom.
• Ang mga kagat ng hayop ay dapat hugasan ng sabon ng hindi bababa sa 10 minuto
sa umaagos na tubig.
• Huwag paduguin ang sugat.
• Huwag maglagay ng bawang o tandok sa lugar ng nakagat upang maiwasan ang
kontaminasyon, impeksyon, at karagdagang komplikasyon.
Rabies
• Ang post-exposure prophylaxis (PEP) ay dapat magsimula kaagad
pagkatapos ng insidente ng kagat upang maiwasan ang pagsisimula ng
mga sintomas at kamatayan.
• Ang mga pasyenteng nakagat ng hayop ay dapat na i-refer agad sa
health center o animal bite treatment center
• Ang mga bakunang anti-rabies ay maaaring makuha sa mga animal
bite treatment center.
Influenza o Trangkaso
Influenza o Trangkaso
• Ang Influenza o trangkaso ay isang nakakahawang sakit na dulot ng influenza virus na
karaniwang tumatagal ng isa hanggang tatlong araw kahit na walang paggagamot o iniinom na
gamot.
• Naipapasa ito kapag umubo o bumahing ang isang taong may impeksyon, o kapag may
direktang contact sa mga kontaminadong bagay.
• Ang sinumang tao sa loob ng bahay o komunidad na may mahinang immune system ay nasa
panganib na magkaroon ng mga komplikasyon na maaaring mauwi sa pagkaospital o
kamatayan.
• Kasama sa mga karaniwang palatandaan at sintomas ng influenza ang mga sumusunod:
• Lagnat na maaaring may pananakit ng kasu-kasuan
• Sakit ng ulo
• Sipon
• Pananakit ng lalamunan
• Ubo
Influenza o Trangkaso
• Ang mga adults, lalo na ang mga senior citizen at ang
immunocompromised na tao, ay dapat hikayatin na magkaroon ng
bakuna laban sa trangkaso bawat taon na ibinibigay ng health center
o pribadong klinika.
• Ang trangkaso ay kadalasang mas laganap sa panahon ng tag-ulan.
• Dahil ito ay viral, hindi ginagamot ng antibiotic ang trangkaso. Ito ay
karaniwang gumagaling ng kusa kahit hindi uminom ng anumang
antibiotic.
• Gayunpaman, ang mga senior citizen at immunocompromised na tao ay
maaaring magkaroon ng mga komplikasyon mula sa trangkaso.
Influenza o Trangkaso
• Ang mga pasyente na may trangkaso ay maaaring payuhan na uminom ng maraming
tubig.
• Maaari rin silang uminom ng paracetamol kada apat na oras para sa lagnat.
• Iwasan ang pag-inom ng aspirin lalo na sa mga bata.
• Kung may mga pinaghihinalaang kaso ng trangkaso sa komunidad o loob ng bahay,
sundin ang mga paraan ng pag-iwas sa impeksyon:
• Ibukod ang mga taong may trangkaso sa hiwalay na silid.
• Siguraduhin ang magandang bentilasyon sa bahay.
• Gawin ang wastong paraan ng pag-ubo (ubokabularyo). Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo
o bumabahing.
• Iwasan ang mga matataong lugar.
• Regular na maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.
• Magsuot ng face mask.
• Agad magpakonsulta kung ang ubo at lagnat ay nagpapatuloy ng higit sa dalawang araw.
Hepatitis
Hepatitis
• Ang hepatitis ay isang viral disease na maaaring walang sintomas.
Maaari din itong magdulot ng pamamaga ng atay at ilang sintomas
gaya ng paninilaw ng mata at katawan o jaundice.
• Mayroong tatlong uri ng hepatitis sa Pilipinas.
Hepatitis
• Ang Hepatitis A ay isang viral infection na nakukuha kung makakain or makainom ng
pagkaing kontaminado ng virus mula sa dumi o ihi ng taong may impeksyon.
• Ito ay naiiwasan at nagagamot.
• Ang Hepatitis B ay maiiwasan ngunit HINDI nalulunasan. Ito ay naisasalin sa iba't ibang
paraan:
• Sa pamamagitan ng pagsasalin ng kontaminadong dugo
• Paggamit ng karayom/syringe na unang ginamit ng taong infected ng Hepatitis B.
• Pakikipagtalik sa taong may sakit nito
• Mula sa inang may impeksyon papunta sa kanyang anak habang nanganganak
• Ang Hepatitis C ay naiiwasan din ngunit HINDI nalulunasan. WALANG bakuna para sa
Hepatitis C. Naisasalin ito sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod:
• Pagsasalin ng kontaminadong dugo
• Paggamit ng karayom na unang ginamit ng taong infected ng Hepatitis C
• Pakikipagtalik sa isang taong may impeksiyon ng hepatitis C
Hepatitis
• Ang mga taong nahawaan ng Hepatitis B at Hepatitis C ay maaaring
matukoy sa pamamagitan ng pagpapasuri ng dugo.
• Maaari silang maging carrier habambuhay o maaaring lumala at maging liver
cirrhosis, liver failure, o liver cancer kung ito ay hindi maagapan.
• Ang wastong paghuhugas ng kamay pagkatapos gumamit ng
palikuran, bago maghanda ng pagkain, at bago kumain ay ang
pinakamahusay at praktikal na paraan upang maiwasan ang pagkalat
ng Hepatitis A.
Hepatitis
• Ang pagkahawa ng Hepatitis B virus mula sa ina patungo sa anak sa oras
ng panganganak ay maiiwasan sa pamamagitan ng kumpletong (3
doses) pagbabakuna laban sa Hepa B habang nagbubuntis.
• Ang Hepatitis B immunoglobulin ay ibinibigay din bilang karagdagan sa 3
doses ng bakuna para sa mga sanggol na may inang nagpositibo sa
Hepatitis B.
• Ang pagkakaroon ng iisang karelasyon sa pagtatalik, paggamit ng
proteksyon (gaya ng condom) kung may higit sa isang karelasyon, at
pag-iwas sa paggamit ng anumang bagay na kontaminado ng dugo mula
sa taong nahawaan nito ay ilang pamamaraan para maiwasan pareho
ang Hepatitis B at C.
Hepatitis
• Ang mga impeksyon na hepatitis ay HINDI nangangailangan ng
anumang uri ng antibiotic sa paggagamot nito.
• Ang mga taong nahawaan ng Hepatitis B ay maaari pa ring
magtrabaho o fit-to-work kung walang medikal na komplikasyon.
• Hindi sila dapat makatanggap ng diskriminasyon sa kanilang
pinagtatrabahuhan.
Leptospirosis
Leptospirosis
• Ang leptospirosis ay isang bacterial infection na dulot ng Leptospira. Ang
bacteria na ito ay nakikita sa mga ihi ng infected na hayop (kalimitan ay sa
daga).
• Ang mga tao ay naiimpeksiyon sa pamamagitan ng mga sugat o galos na na-
expose sa kontaminadong tubig gaya ng baha, gayundin ang pagkakababad ng
matagal ng paa sa baha kahit walang sugat.
• Maaari ding makuha ang leptospirosis mula sa pagkain ng kontaminadong
pagkain at inumin.
• Ang mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, panginginig ng katawan,
pananakit ng kalamnan lalo na sa bahagi ng binti, pamumula ng mata, o pag-
unti ng pag-ihi.
• Kadalasang may history ang pasyente ng pagkababad ng paa sa baha.
Leptospirosis
• Kung hindi maagapan, ang leptospirosis ay maaaring makapinsala sa mga bato
(kidney) na maaaring mauwi sa kamatayan.
• Iwasang lumusong sa baha, gayundin ang pagyayapak o paglalakad ng walang
sapin sa paa kahit walang baha.
• Gumamit ng mga bota (boots) kung inaasahan ang paglalakad sa tubig-baha.
• Para sa mga lumusong sa baha, agad na hugasan ang mga paa at binti gamit ng
sabon at tubig.
• Maaaring gawin ang prophylaxis sa pamamagitan ng pag-inom ng doxycycline capsule
(humingi ng gabay sa midwife o health center).
• Hikayatin ang komunidad na panatilihing maayos at malinis ang kapaligiran.
Regular na linisin at patuyuin ang mga lugar na potensyal na magkaroon ng
kontaminadong tubig, lalo na kung may infestation ng daga sa lugar.
COVID-19
COVID-19
• Ang COVID-19 ay isang bagong viral respiratory disease na unang iniulat
noong Disyembre 2019 at nagdulot ng pandemiya na nakakaapekto sa
iba't ibang bansa.
• Ang sakit na ito ay dahil sa SARS-Cov-2 virus, na may iba't ibang variant
(gaya ng Alpha, Beta, Delta, at Omicron). Ang sakit na ito ay pangunahing
nakakaapekto sa baga.
• Para sa mga taong may mataas na peligro na mahawa o magkaroon nito,
ang COVID-19 ay maaaring magresulta sa malubhang komplikasyon gaya
ng pulmonya at maging ng kamatayan.
• Ang virus ay pangunahing naililipat o naipapasa sa pamamagitan ng
paglanghap ng hangin na may virus mula sa taong maysakit.
COVID-19
• Karaniwang sintomas ng COVID-10 ay ang mga sumusunod:
• lagnat
• dry cough
• madaling pagkapagod
• pagkawala ng panlasa at pang-amoy
• baradong ilong
• pamumula ng mata
• pananakit ng lalamunan
• sakit ng ulo
• pananakit ng kalamnan
• diarrhea o pagtatae
COVID-19
• Ang mga sintomas naman ng malubhang COVID-19 ang mga
sumusunod:
• pagkakapos o hirap sa paghinga
• walang ganang kumain
• patuloy na pananakit ng dibdib
• mataas na temperatura (higit sa 38 degrees Celsius)
COVID-19
• Kahit sino ay maaaring magkaroon ng COVID-19, kabilang ang mga bata.
• Subalit ang mga taong may edad 60 pataas at ang mga may kondisyong medikal tulad ng mataas na
presyon ng dugo, mga problema sa puso at baga, diabetes, labis na katabaan, at kanser, ay may mas
mataas na panganib na mahawa at magkaroon ng mas malubhang komplikasyon ng sakit.
• Nakukumpirma ang COVID-19 sa pamamagitan ng RT-PCR (reverse transcription polymerase
chain reaction) test, na isinasagawa sa pamamagitan ng pag-eksamin ng specimen mula sa
ilong o lalamunan.
• Depende sa mga update ng DOH, maaari ding masuri ang COVID-19 sa pamamagitan ng mga rapid
antigen test.
• Kapag nakumpirma, kailangang ihiwalay ang mga pasyente na may COVID-19 ng ilang araw
base sa pinakahuling gabay mula sa DOH upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.
• Ang mga taong close contact o direktang nakasalamuha ng mga kumpirmadong kaso ay
kailangang sumailalim sa quarantine o pagbubukod ng sarili sa loob ng ilang araw depende
sa pinakahuling guidelines ng DOH.
COVID-19
• Ilan sa mga paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19 ay ang mga
sumusunod:
• Magpabakuna kontra COVID-19. Lahat ng bakuna ay ligtas.
• Dahil airborne ang COVID-19, importante na mapaganda ang kalidad ng hangin sa bahay o
sa lugar na pinagtratrabahuhan. Mapapaganda ang bentilasyon sa simpleng paraan ng
pagbubukas ng mga bintana.
• Iwasan ang mga malakihang pagtitipon ng mga tao sa mga kulob na lugar kung saan
mahirap gawin ang physical distancing at magandang bentilasyon. Pumili ng mga lugar na
outdoor o lugar na may magandang bentilasyon.
• Ang paggamit ng face mask, at minsan ay face shield, ay nakakatulong upang maiwasan ang
pagkalat o pagkakaroon ng COVID-19.
• Hugasan lagi ang kamay, o gumamit ng alcohol-based hand sanitizer.
• Magbasa lamang sa mga reliable na online sources, dahil naglipana ang mga maling
impormasyon sa internet at sa social media.
Typhoid Fever (Tipus)
Typhoid Fever (Tipus)
• Ang tipus (typhoid fever or enteric fever) ay nakakahawang sakit mula
sa bacteria na Salmonella typhi.
• Ito ay nakukuha mula sa mga pagkain o tubig na kontaminado ng
dumi o ihi ng taong may tipus.
• Ang tipus o typhoid fever ay karaniwang may lagnat na higit sa limang
(5) araw, na may pananakit ng ulo, pagtatae, panghihina ng katawan,
pananakit ng tiyan, at dugo sa dumi.
Typhoid Fever (Tipus)
• Pinapayuhan ang mga pasyente na agad kumonsulta sa doktor o pinakamalapit na
health center kung patuloy sa pagtaas ang lagnat sa kabila ng pag-inom ng
maraming fluid at paracetamol.
• Huwag uminom ng antibiotics na walang payo ng doktor upang maiwasan ang mga
komplikasyon.
• Dapat paalalahanan o turuan ng mga BHW ang komunidad ng wastong paghuhugas
ng kamay, lalo na pagkatapos gumamit ng palikuran at bago humawak ng mga
pagkain, at tamang paghawak ng pagkain upang maiwasan ang typhoid fever.
• Ang paggamit ng mga sanitary toilet sa komunidad ay dapat isulong. Inaasahan din
na ipaaalam ng mga BHW sa midwife o health center kung may kaso ng hinihinala o
kumpirmadong typhoid fever sa komunidad, at dapat tumulong sa pagsasagawa ng
pagsisiyasat ng sakit sa komunidad.
Malaria
Malaria
• Ang malaria ay isang nakamamatay na sakit na dulot ng Plasmodium parasite na
nakukuha sa pamamagitan ng kagat ng isang infected na lamok na Anopheles, na
nangangagat sa gabi.
• Lahat ng edad, kabilang ang mga buntis na kababaihan, ay posibleng magkaroon
ng malaria sa mga lugar kung saan ito ay endemic.
• Ang malaria ay maaaring makuha kung may kasaysayan ng paglalakbay mula sa
mga endemic na lugar (Palawan, Sulu, Occidental Mindoro, at Sultan Kudarat
noong Abril 2019), habang may sintomas ng panginginig, mataas na lagnat,
pananakit ng kasu-kasuan, matinding sakit ng ulo, panghihina, at labis na
pagpapawis.
• Ang mga pinaghihinalaang kaso ng malaria ay dapat na i-refer agad sa midwife o
health center at dapat ipagbigay-alam sa city/municipal health center.
• Ang pagkontrol sa lamok ang nananatiling pangunahing interbensyon upang
maiwasan at makontrol ang malaria. Ang mga sumusunod ay maaaring maging
gawain ng mga BHW sa kanilang community information campaign:
• Regular na suyurin at sirain ang mga lugar na maaaring pamahayan ng mga lamok na
Anopheles, tulad ng mga lumang gulong, mga inabandonang toilet bowl at mga hindi
nagamit na bote at lalagyan ng tubig.
• Gumamit ng kulambo (mas mainam na may spray ng insecticides ito).
• Magsuot ng damit na may mahabang manggas at pantalon bilang proteksiyon kung
mananatili sa labas at nasa mga endemic na lugar tuwing gabi.
• Maglagay ng mga screen sa mga pinto at bintana.
• Gumamit o magpahid ng insect repellent lotion.
• Ang mga local o international na manlalakbay ay dapat uminom ng mga prophylactic na
antimalarial na gamot kapag pupunta sa mga lugar na endemic ang malaria.
Leprosy o Ketong
Leprosy o Ketong
• Ang leprosy o Hansen’s disease ay isang uri ng impeksiyon mula sa
Mycobacterium leprae bacteria na maaaring maiwasan at malunasan.
• Naipapasa ito sa pamamagitan ng paglanghap ng hangin na may
mikrobyo mula sa taong infected nito at hindi nagpapagamot.
• Ang sakit na ito ay nakakaapekto sa balat at sa mga ugat (o nerves).
• Kung hindi magagamot, maaari itong magdulot ng disfiguration ng
mga daliri at paa, pagkalumpo ng mga kamay at paa, mahapding
pakiramdam (burning sensation), at pagkabulag.
Leprosy o Ketong
• Ang karaniwang ipinakikitang mga senyales ng ketong ay isa o
maramihang mapuputi o mapupulang patse sa balat na may pagkawala
ng pakiramdam
• Halimbawa, hindi sumasakit o hindi makati), pamamanhid, at panghihina ng mga
muscles ng mga kamay at mata.
• Ang paggamot sa mga pasyenteng may ketong ang pinakamahusay na
paraan upang maiwasan ang paglala ng sakit at pagkalat nito sa
komunidad.
• Kung may kumpirmadong kaso, isulong ang good hygiene tulad ng wastong
paghuhugas ng kamay at paraan ng tamang pag-ubo.
• Anumang pinaghihinalaan o kumpirmadong kaso ng ketong ay kailangang
ipagbigay-alam sa midwife o health center.
Leprosy o Ketong
• Ang tagal o haba ng paggagamot ay depende sa klasipikasyon ng ketong.
• Maaaring tumagal ito ng 6-9 na buwan o 24-30 na buwan. Napakahalaga ng
regular na pag-inom ng mga gamot at pagsunod sa follow-up check up sa
health center.
• Dapat ding hikayatin ang mga pasyente na regular na mag-ehersisyo at
kumain ng mga masustansyang pagkain upang mapabuti ang kalusugan at
mapabilis ang kanilang paggaling.
• Dapat ding subaybayan ng mga BHW ang mga pasyente sa kanilang pag-
inom ng gamot sa kanilang mga bahay.
• Ang mga kasama sa bahay ng pasyente ay maaari ding bigyan ng preventive
therapy.
Filariasis
Filariasis
• Ang lymphatic filariasis ay isang parasitic infection na nakukuha sa
pamamagitan ng kagat ng infected na lamok. Isa sa mga
pangmatagalang epekto ng impeksyon ay elephantiasis o paglaki ng
mga binti.
• Ang filariasis ay endemic sa ilang lugar sa bansa. Karaniwang walang
sintomas ito, ngunit habang tumatagal ay nagpapakita na rin ito ng
mga sintomas tulad ng pamamaga ng balat, kulani, dugo sa ihi, paglaki
ng itlog sa lalaki, at pag-iipon ng likido sa mga braso, binti o dibdib.
• Lahat ng pinaghihinalaan o kumpirmadong kaso ng filariasis ay dapat
ipagbigay-alam sa midwife o health center.
Filariasis
• Bukod sa mga hakbang sa pagkontrol ng lamok, ang isang intervention na
ginagamit ay ang mass drug administration (MDA) sa mga lugar na
endemic ang sakit.
• Ang lahat ng miyembro ng komunidad mula edad 2 taong gulang pataas ay
pinapainom ng dalawang gamot - diethylcarbamazine at albendazole - isang beses
kada taon (karaniwan ay sa Nobyembre).
• Karaniwang hinihiling sa mga BHW na tipunin ang mga miyembro ng
komunidad bago ang nakatakdang MDA sa pamamagitan ng mga anunsyo
at edukasyong pangkalusugan, maghanda ng masterlist ng mga dapat
bigyan ng gamot, hikayatin ang partisipasyon ng komunidad, ipamahagi
ang gamot sa mga tao, at itala ang bilang ng mga taong nakainom ng mga
gamot.
Schistosomiasis
Schistosomiasis
• Ang schistosomiasis ay isang sakit sa ilang lugar sa bansa na sanhi ng
impeksyon ng isang blood fluke na tinatawag na Schistosoma
japonicum.
• Naililipat ito sa pamamagitan ng pagtagos ng balat habang naliligo o
lumalangoy sa tubig-tabang na pinamumugaran ng mga maliliit na
kuhol na nagtataglay ng mga fluke.
• Ang snail o kuhol ay nagsisilbing intermediate host ng Schistosoma.
• Ang tubig-tabang ay kontaminado kapag ang isang nahawang tao ay umihi o
dumumi dito.
Schistosomiasis
• Maaaring makaapekto ang
schistosomiasis sa atay, central
nervous system, o iba pang mga
organ kung saan napupunta ang mga
itlog ng Schistosoma.
• Ang mga sintomas nito ay depende
sa uri ng species kung saan
nahawaan ang tao.
• Ang mga karaniwang sintomas nito
ay pananakit ng tiyan, lagnat,
pagtatae, pagdumi na may
kasamang dugo, at paglaki ng tiyan.
Schistosomiasis
• Iwasan ang pagtampisaw, paglangoy, paglalaro sa mga freshwater na
maaaring pinamumugaran ng Schistosoma lalo na kung may kaso sa
probinsya.
• Dapat gumamit ng PPE (personal protective equipment) tulad ng mga
bota at guwantes ang mga magsasaka o sinumang kinakailangan
lumusong sa tubig.
• Ang wastong kalinisan sa kapaligiran (gaya ng paggamit ng mga
sanitary toilet), at edukasyon sa kalinisan o hygiene pa rin ang
pinakapraktikal na paraan upang maiwasan ang pagkakaroon at
pagkalat ng schistosomiasis.
Ang BHW Bilang
Disease Reporting Advocate
Ang BHW Bilang Disease Reporting
Advocate
• Ang mga BHW ay inaasahan din na maging disease reporting advocate upang
maagang madiskubre ang anumang pagkalat ng sakit sa isang komunidad at
upang maalerto ang mga awtoridad upang agarang masugpo ito.
• Bilang disease reporting advocate, kailangang ireport agad ng BHW sa kanilang
midwife o health center kung may mabalitaan o mapansin na mga sumusunod sa
kanilang komunidad:
• May kakaibang sakit o may di pangkaraniwang pagkamatay ng ilang kasama sa komunidad
• Pagdami ng pag-absent sa eskwelahan dahil sa pare-parehong sakit, sintomas, o senyales
• Pagkakaroon ng parehong sakit, sintomas, o senyales ng mga dumalo sa isang pagtitipon
• May nabalitaang di pangkaraniwang sakit sa komunidad mula sa media (TV, radyo, o
diyaryo)

You might also like