PAGPILI NG TRACK O KURSO Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos. Balik-aral: • Tayo ay ginawang katiwala ng Diyos sa maraming bagay - isa na rito ang oras. • May tungkulin tayo na gamitin ang oras na may pananagutan sapagkat ito ay HINDI na maibabalik kailanman. • Ang pamamahala sa oras ay ang kakayahan sa epektibo at produktibong paggamit nito sa paggawa. • Sa pamamagitan ng pamamahala sa paggamit ng oras tataas ang produktibidad, pagkamabisa at kagalingan sa paggawa. Panimula • Handa ka na ba? • Handa ka na bang pumili ng nais mong track o kurso sa Senior High School? • Kailangan mong magpasya at pumili para sa iyong sarili kung ano ang nais mong kuning track o kurso. Pagsusuring Pansarili (Self-assessment) • Ito ang unang hakbang sa pagplaplano sa iyong kukuning kurso. • Binubuo ito ng pagtingin at pag-unawa sa iyong sarili. • Maari itong gamiting batayan upang malaman kung ikaw ay nasa tama at angkop na kurso o trabaho. Pagsusuring Pansarili (Self-assessment) • Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili dahil ito ang tutulong sa iyong makita ang kabuuan at ang iba’t ibang angulo ng sitwasyon. Mas maraming kaalaman sa mga bagay at sitwasyon mas malinaw itong makikita. Pagsusuring Pansarili (Self-assessment) • Ayon kay Jürgen Habermas, tayo ay nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay-sa- mundo (lifeworld), at ito ay nabubuo sa pagkomunikasyon ng kaniyang mga kasapi. • Nahuhubog lamang ng tao ang kaniyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. • Good life for me for us in community. Pansariling salik sa pagpili ng tamang karera • Talento • Hilig • Kasanayan • Pagpapahalaga • Mithiin
Sagutin ang mga self-assessment test sa Appendix A
Pansariling salik sa pagpili ng tamang karera • Talento (Talents) - ito ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang track o kurso Pansariling salik sa pagpili ng tamang karera
• Kasanayan (Skills) – Ang mga
kasanayan ay mga bagay kung saan tayo mahusay o mahilig. Pansariling salik sa pagpili ng tamang karera • Kasanayan (Skills) –Ito ay madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency). • People Skills • Data Skills • Things Skills • Idea Skills Pansariling salik sa pagpili ng tamang karera • Hilig (Interest) – Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso. • Ayon kay John Holland, may anim na kategorya ng hilig ng tao. Tignan ang Appendix B. Pansariling salik sa pagpili ng tamang karera • Pagpapahalaga (Values) – Ito ay tumutukoy sa mga bagay na ating binigyang halaga. Ang mga ipinamamalas na pagsisikap na abutin ang mga ninanais sa buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya. Pansariling salik sa pagpili ng tamang karera • Mithiin (Goals) – Ito ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay. Kung ngayon palang ay matutuhan mong bumuo ng iyong personal na misyon sa buhay, hindi malabong makamit mo ang iyong mithiin sa buhay at sa iyong hinaharap. Layunin ng Pagpili ng tamang track o kurso sa Senior High School • Pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay • Taglayin ang katangian ng isang produktibong manggagawa • Masiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga gawain. Pagbubuod: • Ang pagsusuri sa epekto ng panlabas at pansariling salik ay makapagbibigay ng tamang pasya upang maging produktibong mamamayan. Mahalaga sa kukunin mong hanapbuhay o negosyo sa hinaharap ay maibabalik mo sa Diyos kung ano ang meron ka bilang tao. TAKDA: PAGPAPAHALAGA
• Bakit mahalagang tugma ang mga
pansariling salik sa mga pangangailangan (requirements) sa napiling track o kurso. References: • Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd • esp_9_lm_draft_3.31.2014-2 • https://www.eagleonline.com/the-power-of-to-do-lists/ • http://www.ruwhim.com/?p=49072 • http://www.springboardtraining.com/products/list- articles-columns/success-language-unlimited/tech- time-mgmt