Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 54

5.

8: Pag-aaral
sa Kaso/Case
Study
PAG-AARAL SA KASO/CASE
STUDY
Ito'y isang malawak na pag-aaral at pagsusuri (analysis) sa isang aklat,
pangyayari, karanasan, isang pasyente, isang usapin o kaso sa hukuman, o
kaya'y isang mabigat na suliranin. Mahalaga rito ang pangangalap ng mga
kaugnay na karanasan o impormasyon at maipakita kung ano ang
kinalaman nito sa kasaluyukang pinag-aaralan.
ANO ANG MGA KARANIWANG
PAKSANG GINAGAMIT?
1. NEGOSYO: Mga kaso tungkol sa pagpapatakbo ng negosyo, pagsasagawa
ng estratehiya, pamamahala ng mga empleyado, at iba pang aspeto ng
negosyo.

2. PAMAMAHALA SA PAG-AARAL: Pagsusuri sa mga pamamaraan ng


pamamahala, paggamit ng mga pamamaraan ng desisyon, pagbuo ng mga
plano, at iba pang
kaugnay na mga isyu.

3. KULTURA AT LIPUNAN: Kasama ang pag-aaral ng mga kaso ng


diskriminasyon, mga isyung etikal, at iba pang mga suliranin sa
ANO ANG MGA KARANIWANG
PAKSANG GINAGAMIT?
4.PANGANGASIWA NG PAG-AARAL: Pag-aaral ng mga isyung pangangasiwa tulad ng
pangangasiwa ng proyekto, pamamahala ng suplay, pagkontrol ng kalidad, at iba
pang mga aspeto ng pangangasiwa.

5.KALUSUGAN: Kagaya ng pagpaplano ng pangangalaga sa


kalusugan, implementasyon ng mga programa ng kalusugan, at iba
pang mga isyung
pangkalusugan.

6.PAMPUBLIKO: Pagsusuri sa mga patakaran sa pagsasakatuparan, pagsusuri


ng epekto ng mga patakaran, pag-aaral ng mga isyung pampubliko, at iba pang
mga
PAANO GUMAWA NG CASE
STUDY?
Pumili ng isang kaso o isyu na nais mong pag-aralan at siguraduhing
may ugnayan ito sa iyong layunin o interes.

Magsagawa ng malawak na pananaliksik sa pamamagitan ng paggamit ng


mga pagsusuri, aklat, o iba pang mga datos na naglalaman ng
impormasyon na may ugnayan sa isyung napili.

Pag-aralan ang konteksto ng kaso at tukuyin kung saang aspeto


nakaaapekto ang isyu, kagaya ng panlipunan, pampolitika, atbp.
Paggamit ng mga teorya o mga sinasabing "best practice" kaugnay sa
isyu.

Paggawa ng ulat o presentasyon ay mahalaga sa pagprepresenta ng mga


natuklasan.

Paglalagay ng malinaw, lohikal, at tumpak na impormasyon ang


nakalagay.

Paglalagay ng malinaw, lohikal, at tumpak na impormasyon ang


nakalagay.
MGA BAHAGI NG CASE STUDY
INTRODUKSIYON - mahalagang bahagi ng pag-aaral na naglalayong
magbigay ng konteksto at pangunahing impormasyon tungkol sa
kaso.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN - mahalaga upang maunawaan ng


mga mambabasa ang pangunahing isyu o problema na iyong pinag-
aaralan.

PAMAMARAAN - pinapaliwanag kung paano ang pagsasagawa


ng pag-aaral.
MGA BAHAGI NG CASE STUDY

NATUKLASAN - pagpapakita ng impormasyon at patunay na iyong


nakuha sa pananaliksik o pangangalap.

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON - rekomendasyon: mahalaga


upang makapagbigay ng konkretong impormasyon samantala,
ang konklusiyon ang nagbibigay buod.

SANGGUNIAN (References)
PAANO GUMAWA NG
INTRODUKSIYON?
Pagpapakilala ng layunin o suliranin.

Pagbibigay ng mga detalye kagaya ng pangyayari o local na


sitwasyon na may kaugnayan sa kaso

Pagpapakilala ng mga sanggunian o references na nagamit

Pagpapaliwanag ng kahalagahan ng iyong pag aaral sa kaso at


kung ano ang epekto nito sa indibidwal, organisasyon o lipunan.
HALIMBAWA
Sa panitikan, naipapahayag ng mga tao ang kanilang damdamin
tungkol sa mga bagay-bagay sa daigdig, pamumuhay at ang
kaugnayan ng tao sa Dakilang Lumikha, kabilang dito ang mga
pagbabago at pagsulono ng isang bansa. Ito ay nagsasalaysay ng.
buhay, pamumuhya, lipunan, pamahalaan, reliniyon at mga
karanasang nakukulayan ng iba't ibang uring damdamin tulad ng
pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, inggit pagnanasa,
takot at pangamba. Kadalasan, ang mga nabanggit na kaganapan
sa buhay ng isang tao ang nagiging tema sa mga mailing
kuwento.
HALIMBAWA
Ang realismo ay kumakatawan sa katotohanan at sumasalungat sa
kahiwagaaang dulot ng malalim na kaisipan ng may-akada. Sa
medaling salita, ang realism ay maaaring gamiting isang uri ng
pagpuna at pagsusuri na ang tanging layunin ay pag-uri-urin ang
mga ginawa ng may-akda lalo't higit sa larangan ng tula na batay
sa tunay na pangyayari sa buhay. Kaya't sa pag-aaral na ito,
aalamin ng mananaliksik ang mga realism o mga katotohanan na
inilahad sa mga akda ni Levy Balgos Dela Cruz. Ang mga akda
niya ang napiling mananaliksik na pag-aaralan sapagkat naniniwala
siya na ang mga kuwentong naisulat niya ay mapaghahanguan ng
mga nagaganap sa tunay na kalagayan ng lipunan. Layunin din na
matuklasan ang mga katotohanan na maaring makatulong sa
pagharap sa mga suliranin sa buhay ng mananaliksik.
PAANO GUMAWA NG
PAGLALAHAD NG SULIRANIN?
Ipakilala ang pangunahing isyu na tatalakayin sa case study.

Pagsasama ng mga detalye na nagpapaliwanag sa suliranin.

Pagpapakita ng ebidensiya sa pamamagitan ng numerical at


istatistiks

Pagbibigay ng linaw ang saklaw o scope ng suliranin

Ipakita ang kaugnayan ng suliranin sa

pangkalahatan
HALIMBAWA:
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay upang masuri ang
pilosopiyang realismo na nabasa sa mga akda ni Levy Balgos Dela
Cruz.
Sinikap din na masagot ang mga sumusunod na tanong:
1.Ano-ano ang mga katangiang taglay ng mga maikling kuwento ni
dela Cruz ayon sa:
a. Paksang diwa;
b. Tauhan; at
c. Banghay?
2.Ano-anong realismong sitwasyon sa buhay ang matatagpuan sa
bawat mailing kuwento ng may-akda?
3.Ano-anong mga pamamaraang gagamitin sa pagsusuri sa mga
realismong sitwasyon sa buhay na napapaloob sa bawat kuwento?
4.Ano ang implikasyon ng mga ada na nagpakintal sa isip at damdamin
ng mga mambabasa?
PAANO GUMAWA NG
PAMAMARAAN?
Dapat ipaliwanag ang layunin ng pag-aaral at kung bakit
ito isinagawa

Pagtutukoy sa partisipante na kasama sa pinag-aralan


(indibidwal, grupo at organisyon) at kung saang lugar.

Pagpapalinawag ang pamamaraan ng pangongolekta ng datos na


ginamit at kung paano napili ang datos.

Pagpapaliwanag ng proseso ng pag-aanalisa.


HALIMBAWA:
Pamamaraan: Ginamit ang pamamaraang pormalistiko upang malaman
ang kuwento kung kumbensonal o makabago; pamamaraang arketipal
upang masuri ang kabuuan ng akda at ang pagbibigay pakahulugan sa
mga simbolismong ginamit, sosyolohikal upang maipakita ang
interaksyon ng mga tauhan sa Kapwa at sa lipunan.

Pagkuha ng datos: Isang talatanungan ang inihanda ng


mananaliksik para sa mga mambabasa na naging tagasagot.

Participante: Mambabasa

Layunin: Sa ganitong paraan, nalaman kung ano ang naging bisa sa


sip at sa damdamin ng mga realismong nakapaloob sa mga kwentong
ito.
PAANO GUMAWA NG
NATUKLASAN?
Pagbibigay ng pinakaimportanteng natuklasan na iyong nakita.
At siguraduhing ang impormasyon ay mahalaga o
nagpapatunay sa iyong punto.

Pagdidiin ng ebidensiya at datos sa pamamagitan ng


istatistiks, o mga kahalintulad na ebidensiya.

Maging espesipiko at iwasan ang pangkalahatang pahayag

Pag oorganisa ng natuklasan sa paggamit ng kategorya o


sub- topiko
HALIMBAWA:
Pinakaimportanteng natuklasan: Ang lahat ng mga kuwentong sinuri at
pinag-aralan ay nagtataglay ng magagandang aral na makakatulong sa
sinumang mambabasa upang magamit sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay at pakikipagsapalaran sa buhay.

Ebidensiyang nagpapatunay: Sa pagsusuri sa mga realismong sitwasyon sa


kuwento ay ginamit ng mananaliksik ang pitong paraan ng pagsusuring
pampanitikan.

Pagiging espesipiko: Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, batay sa naging


Kasagutan ng mga mag-aaral, ang mga katangiang taglay ng paksang
diwa ay ang mga Sumusunod: paninindigan para sa paniniwala; pag-ibig at
pagtulong sa kapwa; pagtupad sa tungkulin; pagdadamayan sa kagipitan;
pagnanasa: paghihiganti; paniniwala sa makalumang tradisyon; atbp.
PAANO GUMAWA NG KONKLUSYON?

Pagpapakita ng kahalagahan

Ibanghayin ang limitasyon

Pagbibigay ng direksiyon sa mga susunod na pag-aaral para


sa mas malalim na pagsusuri.
HALIMBAWA:
Sa mga datos na natuklasan, nabuo ang mga sumusunod na
konklusyon: 1. Makatotohanan ang ginawang paglalarawan sa mga
tauhan at sa
paglalahad ng mga pangyayari sa mga kuwentong isinulat ni Levy
Balgos dela Cruz. Ang mga paksang tinalakay sa kaniyang mga kuwento
ay nagaganap pa rin sa kasalukuyang panahon
2.Ang mga maikling kwentong sinuri ay nagtataglay ng mga pangyayaring
nagaganap sa totoong buhay. Ang mga kalagayan at mga pangyayari
ay. may kaugnayan sa pamumuhay sa kasalukuyang panahon kaya
naman ito ay itinuturing na realismo.
3.Ang mga kuwentong sinuri ay nagtataglay ng mga aral sa buhay at
ito'y magiging kapaki-pakinabang sa sinumang makakabasa nito.
4.Karamihan sa kaniyang mga akda ay tungkol sa mga kaganapan noong
panahon ng martial law maliban sa isa na tumutukoy naman sa
buhay sa nayon.
PAANO GUMAWA NG
REKOMENDASYON?
Pagbibigay ng konkretong rekomendasyon kagaya ng aksyon,
hakbang o polisiya.

Maging espesipiko at malinaw.

Sa pamamagitan ng rekomendasyon, maaring makapagbigay


ng pagbabago (positibo) o pag unlad sa pag-iisip ng
oportunidad o pangmatagalang epekto.
HALIMBAWA:
Batay sa mga nabuong konklusyon, iminumungkahi ng mananaliksik
ang mga sumusunod:
1.Maging makatotohanan sa paglalarawan ng mga tauhan. pagtalakaya
sa mga paksang nagaganap sa totoong buhay. Ang
pakikipagsapalaran ng mga tauhan sa mga kuwento ay malaking
tulong upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay ang isang
mamamayan.
2.Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga realismong napapaloob sa mga
mailing kwento ay maaaring makakuha ng mahahalagang kaisipan
na magagamit bilang gabay sa pakikisalamuha sa tao at sa
lipunan.
3.Ipagpatuloy ang pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral no
mga kuwentong kapupulutan ng aral lalo na ang mga
kwentong naglalahad ng mga katotohanan o realidad ng
buhay.
5.9
Aksyong
Pananaliksik
/Action
Research
Aksyong Pananaliksik o
Action Research
Ang kilos saliksik/aksyong pananaliksik ay isang praktikal
na dulog o approach sa propesyunal na pananaliksik at
makabuhulan sa mga gurong sangkot sa araw-araw na
pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral. Isa itong praktikal
na paraan upang mapagnilay-nilayan ng indibidwal ang
kalikasan ng kanyang praktika at paghusayin pa ito.
Aksyong Pananaliksik o
Action Research
Inilarawan nina Carr at Kemmis (1986) and action
research bilang: pagpapahusay ng praktika (practice);
pagpapahusay ng pag-unawa sa praktika; pagpapabuti ng
sitwasyon na pinangyayarihan ng praktika. Ang aksyon
research sa edukasyon ay nakaangkla sa pang-araw-araw
na karanasan ng mga guro.
Aksyong Pananaliksik o
Action Research
Ayon nga sa pananliksik ni Lawrence Stenhouse (1975) na
nagbibigay-diin na ang pananaliksik hinggil sa paglinang ng
kurikulum ay dapat ipaubaya sa mga guro. Dahil aniya,
hindi sapat na ang pananaliksik ng mga guro ay pinag-
aaralan; sila mismo ay dapat pag-aralan din iyon.
Kahalagahan ng
Action Research
Kahalagahan ng
Action Research
Dahil gusto mong baguhin ang iyong praktika.

Nais mong gumamit ng paraan na makapagbibigay


ng mga praktikal na solusyon sa iyong mga
problema.
Halimbawa

Digitized Lesson sa Filipino: Tugon sa Tawag ng


Pangangailangan ng ika-21 Siglong KAsanayan, Pagsipat sa
Epekto Nito sa Pedagohiya ng mga Guro at Pagkatuto ng
mga Mag-aaral

Ni: Maria Fe C. Balaba


Halimbawa
INTRODUKSYON:

Mahigpit ang tawag ng pangangailangan ng ika-21 siglong kasanayan sa


larangan ng edukasyon sa kasalukuyang panahon. Alam naman natin na kabi-
kabila na ang anyaya ng teknolohiya sa buhay ng tao, ano pa mang estado at
uri ng kaniyang pamumuhay at propesyon. Nagiging madali at magaan ang ilang
pangngailangan ng tao dahil sa makabagong teknolohiya. Kaya nga maging sa
larangan ng edukasyon at paturuan, isang behikulong maituturing ang paggamit
ng makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t
ibang aplikasyon at mga kagamitang pampagtuturo na hango sa iba’t ibang
web page ang maaaring magamit ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Ang
mga material na ito ay madaling Makita o mahanap na ngayon sa internet
sapagkat ang mga ito ay ready at available na sa harap natin. Tanging ang
kailangan lamang ng isang guro ay maging mapaghanap (resourceful),
malikhain, masigasig, madaling umangkla sa makabagong kalakaran at higit
sa lahat ay may kasanayan sa paggamit ng kompyuter, maalam sa
paggalugad ng mga webpage ng mga kagamitang pampagtuturo at nang
maisapanahon ang kaniyang kasanayan.
Halimbawa
INTRODUKSYON:

Dahil sa mapanghalinang tawag ng daigdig ng internet, ang mananaliksik ay


nagkaroon ng marubdob na hangarin na maisapanahon ang kasanayan ng mga
guro sa larangan ng nauuso ngayong “Digitized Lesson” at ito ay maipatupad
sa pagtuturo ng Filipino sa antas elementarya at sekondarya.
Halimbawa
Paglalahad ng Suliranin

Isa sa mga naging suliranin ng mga guro sa panahon ng pagmomonitor ng


mananaliksik sa mga paaralang kaniyang pinupuntahan ay ang mababang lebel
ng interes ng mga mag-aaral hinggil sa aralin. Napuna ito ng mananaliksik
sapagkat may ilang guro na nahirati pa rin sa mga makalumang paraan ng
pagproproseso ng aralin na ginagamitan lamang ng tinatawag na “Lecture
Method”, ang mga mag-aaraal ay hindi gaanong nahihikayat ng mguro na
mag- pokus sa araling tintalakay. Bagamat ginamitan niya rin ng mga
kinagawiang estratehiya ng mga kilalang pilosopo ang aralin, may kung anong
kulang pa ang dapat na ilapat. Kaya ang resultang isinagawa ng pagtataya
sa araw na iyon ay nakatupad lamang sa 75% lebel ng masteri o kung
hindi man, ay mas mababa. Kainaman lamang ang resulta. Ngunit kapag
ang gurong minasid ay gumagamit ng makabagong pamamaraan ng
pagtuturo gaya ng paggamit ng teknolohiya at iba’t ibang estratehiyang
panteknolohiya, kapuna-puna ang higit na kasiglaan at kapanabikan ng mga
mag-aaral sa kanilang aralin at mas mataas pa sa 75% ang lebel ng
masteri.
Halimbawa
Layunin ng Pag-aaral

Paano makatutugon ang Digitized Lessons sa Filipino sa tawag ng


pangangailangan ng ika-21 siglong kasanayan at ang epekto nito sa pedagohiya
ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral?

Mga Tiyak na Suliranin

Ano ang epekto ng paggamit ng mga Digitized Lessons sa


Filipino sa pedagohiya ng mga guro at sa pagkatuto ng mga mag-aaral?

Anu-ano ang mga kasanayang nalilinang sa mga guro at mag-aaral ng ika-


21 na siglo?
Halimbawa
Kahalagahan Ng Pag-Aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga guro na


nagtuturo ng Filipino sa Antas Elementarya at Sekundarya na gumagamit
ng teknolohiya sa pagpoproseso ng kanilang mga aralin at mga kasanayang
dapat malinang sa bawat pagtuturo.

Makahihikayat ang pag-aaral na ito na maging masigasig ang mga guro sa


paghahanap ng mga makabagong pamamaraan ng pagtuturo
makasabay upang sa tawag ng pagbabago at makatupad
Kagawaran ng Edukasyon na mapabilang
sa kahingian ng sa mga 21 Century Teachers.

Malaking tulong ang pag-aaral na ito sa mga resipyent ng kaalaman, ang


mga mag-aaral na maging mulat at bihasa sa paggamit ng teknolohiya at
makaagapay sa tawag ng globalisasyon.
Halimbawa

Magiging batayan ang pag-aaral na ito ng panibago pang mga pag aaral
hinggil sa epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto
upang higit na mapagtibay ang kabisaan nito.

Magiging salalayan din ang pag-aaral na ito sa pagpaplanong


ng mga administrador at pinuno ng paaralan nang Sa gayon ay
pampagtuturo
makapaglaan sila ng pondo sa lalo pang pagsásanay ng mga sa
paggamit
guro ng teknolohiya at kauri nito.
Halimbawa
Halimbawa
PAMAMARAAN

Ang mananaliksik ay gumamit ng palarawang pamamaraan ng pagsipat sa


kaniyang pag-aaral. Nagbigay ng Teachers' Training Needs na sarbey ang
mananaliksik sa lahat ng mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino sa
antas Elementarya at Sekundarya. Ang resulta ng sarbey ng TNA ang
naging basehan ng pagsasagawa ng pag-aaral na ito. Lumabas sa resulta
ng sarbey na nais ng mga guro ang pagsasanay hinggil sa iba’t
ibang kasanayang at aplikasyong panteknolohiya sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino. Sinimulan niya ang pag-aaral na ito sa pamamagitan
ng pagbibigay ng pagsasanay sa ilang piling mga guro sa Filipino sa
Antas Elementarya at Sekundarya gamit ang iba't ibang
pamamaraan at aplikasyong panteknolohiya sa loob ng dalawang araw
(Sanggunian: Memorandum Blg.
28. s 2015) noong Pebrero 26-27, 2015 sa Makati Science High School.
Nagkaroon ng lektyur-workshop sa paggamit ng Quipper sa
pagtuturo, kaalaman sa Digital Instruction, powerpoint games at iba' lbang
aplikasyon hango sa internet at iba pa.
Halimbawa
IV. PAGPAPAKAHULUGAN AT KINALABASAN NG PAG-AARAL

Makikita sa talaan 1 at 2 ang resulta ng isinagawang field testing ng mga


Digitized Lessons sa mga serye ng Pandibisyong pakitang-turo na isinagawa
mula Oktubre, 2015 hanggang Pebrero, 2016. Ang average lebel ng masteri sa
27 paaralan sa elementarya ay 96.5%, nangangahulugang mas mataas sa 75%
lebel ng masteri, samantalang sa sekundarya naman ay 90.6% lebel ng
masteri. lpinakikita sa resulta ng talaan na mayroon lamang 3 paaralan sa
elementarya ang nakakuha ng mababa sa 85% lebel ng masteri at ang 24 ay
nasa pagitan na ng 90-100% lebel ng masteri. a sekundarya naman ay
mayroon lamang 2 paaralan na mas mababa sa 82 %, ang 8 ay nasa pagitan
na ng 90-100%. Ang resulta ng MPS ng bawat paaralan ay nagpapatunay na
nagging epektibo at makabuluhan ang pagtuturo at pagpoproseso ng mga
nagpakitang-turo gamit ang Digitized Lesson na kanilang inihanda. Positibo ang
performance ng mga mag-aaral sa pagtatayang ibinigay sa mga mag-aaral.
Halimbawa
Halimbawa
Dito napatunayan ang mga sumusunod:

Sa mga guro:
Malaking tulong ang paggamit/paglalapat ng teknolohiya sa pagpoproseso
ng aralin sapagkat higit na napagagaan nito ang gawain ng guro sa loob ng
silid-aralan:
Nahahasa
at angngkasanayan
paggawa iba't ibangng mga guro sa gamit
presentasyon ang powerpoint
pagbuoat iba pang aplikasyong
panteknolohiya;
Higit ang hamon ng mga guro na makalikha at makapaglapat ng
inobatibong/ makabagong pamamaraan/ mga estratehiyal mga gawain na
lilinang sa kasanayan ng mga mag-aaral;
Nagiging inspirado ang guro na lumikha at bumuo
kagamitang
mga pa ng ibang gamit ang
nakapaglalapat ng angkop na teknolohiya,
pampagtuturo gawain, estratehiya
nakaiisip at
at ang
guro sa pagpoproseso ng kaniyang layunin sa bawat pagtuturo;
pamamaraan
Halimbawa

Nakikilatis ng guro kung alin ang mga website/ webpage na higit na


kapaki- pakinabang bilang tool/ kagamitang pampagtuturo;
Napagtanto ng mga guro na ang mga mag-aaral ay iba-iba at may
kani-
kaniyang katangian, kakayahan, lebel ng pagkatuto at interes na
nakaaapekto sa performance nila sa loob ng silid-aralan;
Lumalawak ang kasanayan at nagiging bihasa ang guro sa paggamit
ng
kompyúter at iba't jbang aplikasyon:
Dahil dito nagkakaroon sila ng maituturing na Best Practices sa kanilang
pagtuturo.
Halimbawa
Sa mga mag-aaral:

Tumataas lebel ng motibasyon o interes ng mga mag-aaral


nilapatan
ang ng teknolohiya
kapag ang pagtuturo at pagkatuto;
Nabibigyang kapangyarihan ng teknolohiya ang mga mag-aaral na
makisangkot sa proseso ng pagkatuto;
Napatataas ng teknolohiya ang kawilihan sa pagkatuto sapagkat ang mga
mag-aaral ay may natural affinity' sa computer-based na pagtuturo;
Nahahasa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng teknolohiya sa
kanilang pagkatuto;
Natutuwa ang mga mag-aaral sa iba't ibang aplikasyong panteknolohiya na
inilapat ng guro gaya ng powerpoint presentation na ginamitan ng mga
animated objects, video presentation, sound tracks at iba pa;
Nagiging independent learners ang mga mag-aaral at nagiging
responsible
sa kanilang mga kilos dahil sa kolaboratibong gawain gamit ang
computer/laptop/ o notepad;
Halimbawa

Nasasanay ang mga mag-aaral sa pagpoproseso ng mga iniatan na gawain


ng guro,
Nagigiliw ang mga mag-aaral sa paglikha ng kanilang awtput
dahil
tinitignan nila ang teknolohiya bilang nakaaaliw at nakatutuwang gawain;
Nasisiyahan ang mga mag-aaral lalo na at nakita nila kanilang ginawa sa
mga slides ng powerpoint na ginamit ng guro.
Halimbawa
V. REKOMENDASYON

Hindi magiging epektibo ang isang pag-aaral kung hindi ito ipatutupad o
gagawan ng plano at solusyon. Batay sa resulta ng ginawang pag-aaral ng
mananaliksik, iminumungkahi niya ang sumusunod:
Magkaroon ng malawakang pagsasanay ang lahat ng mga guro hinggil sa
iba't ibang praktis na may kaugnayan sa mga kasanayan at kagamitan at
aplikasyong panteknolohiya atbp.
Gawing wifi ready ang lahat ng paaralan sa buong dibisyon para sa
mabilis at agarang akses sa internet;
Hingiin ang buong suporta ng mga administrador at stakeholders ng bawat
paaralan para sa pagsasateknolohiya ng bawat asignatura hindi lamang
ng Filipino.
Maglaan ng malaki-laking bahagi ng budget para sa mga proyekto at
gawaing may kinalaman sa pedagohiya ng guro at internet access sa
bawat paaralan.
5.14 SARBEY
NG
PANANALIKSIK
ANO ANG SARBEY?

Ang sarbey ay isang anyo ng pagtugon sa papel at lapis sa isang


intensive one-on-one at malalim na interbyu. Ito ay ang
pagkokolekta ng impormasyon tungkol sa katangian, aksyon, o
opinyon ng malaking grupo ng mga tao na tumutukoy sa bilang ng
isang populasyon.
ANO ANG PANANALIKSIK?
Isa rin itong pamamaraan ng pananaliksik na may kinalaman sa
paggamit ng questionnaires (talatanungan), tseklis at statiscal
surveys (estalistikong sarbey) upang mangolekta ng datos tungkol sa
kanilang saloobin, ideya, at pag uugali ng mga tao.

Talatanungan - ay binubuo ng mga tanong na tiyak na isinusulat


kaugnay na isang paksa o isyu upang makuha ang ispesipikong
impormasyon ng mga respondente.

Tseklis - may talaan din ng mga tanong subalit may mga


nakaalang sagot na pagpipilian, ang napiling sagot ay maaring
markahan sa pamamagitan ng guhit, pagbilog, o pagtse-tsek.
SARBEY NG PANANALIKSIK

Ito ay isang pamaraan na pagkokolekta ng datos at impormasyon


mula sa mga indibidwal upang suportahan ang isang pananaliksik o
pag sasalita. Ito ay isang mahalagang bahagi ng istruktura ng
pananaliksik na nagbibigay daan sa mga mananaliksik na masusuri at
maunawaan ang mga opinyo, paniniwala, karanasan, at datos ng
kanilang target na popolasyon.
SARBEY NG PANANALIKSIK

Ang isang sarbey ay karaniwang naglalaman ng mga katanungan na


nag sisilbi bilang mga instrumento upang kumuha ng mga sagot sa
mga respondente. Maaring ito ay isang listahan ng mga tanong na
kailangan sagutin gamit ang mga *pre determined* na pagpipilian, o
maari rin itong maglaman ng mga tanong na nagbubukas para sa mga
malayang pagtugon.
SARBEY NG PANANALIKSIK

Ang Sarbey ay isang pag-aaral na ginagamit para sukatin ang


umiiral na pangyayari nang hindi direktang nagtatanong kung bakit
ganun at ganito ang isang bagay, paksa, o pangyayari.
SARBEY VS SENSUS
SARBEY - Ilang bahagi lamang ng populasyon.

Limitado lamang sa: loob ng klase, isang pamilya, atbp.

SENSUS - Isang pag-aaral na sumasaklaw sa buong target na


populasyon.

HALIMBAWA: Buong tao sa bansa.


INSTRUMENTONG GAGAMITIN
BOLPEN
SA PANANALIKSIK
PAPEL

MGA KATANUNGAN(TALATANUNGAN)

RECORDER (VIDEOCAM/CAMERA)
PAGHAHANDA NG SARBEY
NG PANANALIKSIK
Paghahanda ng Layunin: Matukoy kung ano ang layunin ng iyong
pananaliksik o pagsasalita. Ano ang mga katanungan o isyu na iyong nais
bigyang-pansin o pag-aralan? Ang mga layunin na ito ang magsisilbing
gabay sa pagbuo ng mga tanong sa iyong sarbey.

Pagbuo ng mga Katanungan: Magbuo ng mga katanungan na diretso at


malinaw. Ito ay maaaring tumalakay sa mga konsepto, paniniwala,
opinyon, o karanasan ng mga respondente na may kaugnayan sa iyong
layunin. Siguraduhing ang mga tanong ay hindi mabibigyan ng
dalawang interpretable na sagot at maaaring magbigay ng mas
malalim na pag- unawa sa isang isyu.

E/. Questionnaires (Talatanungan) - binubuo ng mga tanong na tiyak na


sinulat kaugnay ng isang paksa o isyu upang makuha ang ispesipikong
impormasyon ng mga respondente.
PAGHAHANDA NG SARBEY
NG PANANALIKSIK
Pagpili ng Tamang Uri ng Sarbey: Piliin ang tamang uri ng sarbey na
akma sa iyong pananaliksik at layunin. Maaaring ito ay online survey,
tradisyonal na papel at lapis, o maging isang personal na panayam.
Siguraduhin na ang uri ng sarbey na iyong gagamitin ay
maaaring magbigay ng mga tamang datos para sa iyong
pagsusuri.

Pagpapatupad ng Sarbey: Ipamahagi ang sarbey sa iyong target na


populasyon. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pag-email ng
online survey link, pagdistribute ng mga papel at lapis, o personal
na pakikipanayam sa mga indibidwal. Siguraduhin na ang proseso ng
pagpapatupad ay magiging maayos at tiyaking ang mga respondente
ay nauunawaan ang mga katanungan at ang layunin ng sarbey.
PAGHAHANDA NG SARBEY
NG PANANALIKSIK
Pagsusuri ng mga Datos: Kapag natapos na ang
pagpapatupad ng sarbey, simulan ang proseso ng
pagsusuri ng mga datos na nakalap. Gamitin ang
mga istatistikong pamamaraan o iba pang mga
pamamaraan ng pagsusuri upang maunawaan at
mailahad ang mga natuklasan mula sa mga sagot
ng mga respondente.

You might also like