Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

Iba’t ibang

Tekstong
Popular
Aralin 1
Ikatlong Markahan
Filipino 8
A. Pahayagan
• Naglalaman ito ng mga balita,
impormasyon at patalastas.

• Kadalasan itong inilalathala ng


araw-araw o lingguhan.
Bahagi
ng
Pahayagan
1. Pangmukhang
Pahina (Cover Page)

❖ Makikita dito ang


pangalan ng pahayagan at
ang mga pangunahin at
mahahalagang balita.
2. Balitang
Pandaigdig
❖ Naglalaman ng mga balita
mula sa iba’t ibang bansa at
panig ng daigdig.
3. Balitang
Panlalawigan
❖ Naglalaman ng mga balita
patungkol sa sariling bansa o
lugar.
4. Pangulong
Tudling

❖ Naglalaman ng mga kuro-


kuro o puna na isinulat ng
patnugot hinggil sa isang
napapanahong paksa o isyu.
5. Editoryal
Cartoon

❖ Isang anyo ng political


cartoon na nakabatay sa isang
isyu, isang opinion, isang balita
o pangyayaring napapanahon.
6. Anunsyo Klasipikado
(Classified Ads)

❖ Naglalaman ng mga
anunsyo tungkol sa
hanapbuhay, bahay, lupa,
sasakyan at iba pang
kagamitang ipinagbibili.
7. Obitwaryo
❖ Anunsyo tungkol sa mga taong
namatay na.

❖ Nakasaad dito kung saan


nakaburol at kailan ililibing ang
namatay.
8. Libangan
❖ Nagsasaad ng mga balita
tungkol sa artista, pelikula,
telebisyon at iba pang sining.

❖ Naririto rin ang mga


krosword, komiks at
horoscope.
9. Lifestyle
❖ Naglalaman ng mga
artikulong may kinalaman sa
pamumuhay, tahanan, pagkain,
paghahalaman at iba pang
aspeto ng buhay sa lipunan.
10. Isports
❖ Nagsasaad ng mga
balitang may kinalaman sa
isports, kompetisyon o
pampalakasan ng atleta.
B. Komiks
• Isang makulay at popular na
babasahin na nagbibigay-aliw sa
mga mambabasa, nagtuturo ng
iba’t ibang kaalaman, at
nagsusulong ng kultura.
B. Komiks
• Ito rin ay isang grapikong midyum
kung saan ang mga salita at
larawan ang ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o
kuwento.
Kasaysayan ng Komiks sa Pilipinas

• Sinasabing ang bayaning si Jose


Rizal ang kauna-unahang Filipino na
gumawa ng komiks.
Kasaysayan ng Komiks sa Pilipinas

• Noong 1884, inilathala sa magasing


“Trubner’s Record” sa Europa ang
komiks istrip na “Pagong at Matsing”.

• Ito ay halaw ng bayani sa isang popular


na pabula sa Asya.
Kasaysayan ng Komiks sa Pilipinas

• Mula 1896-1898, habang ang Pilipinas


ay dumadaan sa yugto ng rebolusyon,
ilang magasin ang lumabas sa Maynila
na may nakaimprentang cartoons.

• Dalawa sa mga ito ay ang “Miao at Te


Con Leche”.
Kasaysayan ng Komiks sa Pilipinas

• Noong 1907, inilathala ang “Lipang


Kalabaw” isang magasin na
pinangangasiwaan ni Lope K. Santos.

• Ang magasin na ito ay nasa wikang Tagalog


at nagtataglay ng mga satirikong cartoons
na patungkol sa mga Amerikanong opisyal.
Mga Halimbawa ng Komiks
C. Magasin
• ay publikasyon na naglalaman
ng maraming artikulo, kuwento,
larawan at anunsiyo at iba pa na
kalimitang pinopondohan ng mga
patalastas.
Liwayway
• Hindi mawawala ang “Liwayway”
kung pag-uusapan ang magasin sa
Pilipinas.

• Naglalaman ito ng maiikling kuwento


at sunod-sunod na mga nobela.
Liwayway
• Bunsod ng mabilis na pagbabago ng
panahon, unti-unting humina ang produksyon
ng Liwayway.

• Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula


nang magpasukan ang iba’t ibang magasin
mula sa iba’t ibang bansa.
Mga
Halimbawa
ng Magasin
FHM
(For Him Magazine)

• Ang magasing ito ay tumatayo bilang


mapagkakatiwalaan at puno ng
impormasyon na nagiging instrument
upang mapag-usapan ng kalalakihan ang
maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig
at iba pa nang walang pag-aalinlangan.
Cosmopolitan
• Ito ang magsing pangkababaihan. Ang
mga artikulo rito ay nagsisilbing gabay
upang maliwanagan ang kababaihan
tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa
kalusugan, kagandahan, kultura at
aliwan.
Good
Housekeeping
• Isa itong magasin para sa mga
abalang ina. Ang mga artikulong
nakasulat dito ay tumutulong sa kanila
upang magampanan nilang Mabuti ang
kanilang mga responsibilidad at
maging mabuting maybahay.
Yes!
• Ito ay magasin tungkol sa balitang
showbiz. Ang nilalaman nito ay mga
nakaraan at kasalukuyang
pangyayari at puno ng mga nakaw-
atensiyon na larawan at malalaman
na detalye tungkol sa mga
pinakasikat na artista sa bansa.
Metro
• Ito ay magasin tungkol sa
fashion, mga pangyayari,
shopping at mga isyu
hinggil sa kagandahan.
Candy
• Binibigyan nito ng pansin ang mga
kagustuhan at suliranin ng
kabataan. Ito ay gawa ng mga
batang manunulat na mas
nakauunawa sa sitwasyon ng mga
mambabasa.
Men’s Health
• Isa itong magasin na nakatutulong sa
kalalakihan tungkol sa mga isyu ng
kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-
ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga
pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan
ang ilan sa mga nilalaman nito, kung kaya
ito ay nagging paborito ng maraming
kalalakihan.
T3
• Ito ay isang magasin para lamang sa
mga gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa
teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay
may napapanahong balita at gabay
tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
Entrepreneur
• Ito ay magasin para sa mga taong
may negosyo o nais magtayo ng
negosyo.
PANUTO:
1. Sa pahina 187-188 ng inyong aklat, sagutin ang
bahaging PAG-AANI (1-6) at PAGGIGIIK (1-3).

2. Kopyahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa


isang buong papel. (1 whole)
TANONG: Miss, copy and answer po??
SAGOT: PAKIBASA AT UNAWAIN ANG PANUTO
#2!

You might also like