Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Quarter 3 Week 9 Day 1

MELC-BASED Petsa: 4/3/23


Pag-uugnay ng sariling Teacher:
karanasan sa napakinggang
teksto Mrs. Maria Eden A.
Pantinople
Pagsasalaysay muli ng
napakinggang teksto gamit
ang sariling salita
Balik Aral (Pagsusuri):
Magbigay ng 5 Salitang Hiram at
Baybayin ito ng tama.Isulat ito sa
iyong kuwaderno.Kapag tapos na
makipag-palit ng kuwaderno sa
iyong ka-klase.
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Hanapin sa loob ng panaklong
ang kasingkahulugan ng salita o pariralang nakalimbag ng pahilig.
1. Bukal ng kadakilaan ang Lalawigan ng Batangas
(Tahanan ng mga bayani, Tahanan ng mga mamamayan, Pugad ng
mapupusok)
2. Nagngangalit ang mga kamag-anak ng biktima ng makalaya ang
salarin. (Natutuwa, Nagbubunyi, Galit na galit, Hiyang-hiya )
3. Lagi nating napapanood sa balita ang mga batang nilalapastangan.
(nagtatago, naglalaro, inaabuso, nag-aaral)
4. Hiyas ng magulang ang mga anak na matatalino at mababait.
(Kayamanan, Kaligayahan, Katulong, Kaagapay)
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Hanapin sa loob ng panaklong
ang kasingkahulugan ng salita o pariralang nakalimbag ng pahilig.
Mga Sagot:

1. Bukal ng kadakilaan ang Lalawigan ng Batangas


(Tahanan ng mga bayani, Tahanan ng mga mamamayan, Pugad ng
mapupusok)
2. Nagngangalit ang mga kamag-anak ng biktima ng makalaya ang
salarin.
(Natutuwa, Nagbubunyi, Galit na galit, Hiyang-hiya )
3. Lagi nating napapanood sa balita ang mga batang nilalapastangan.
(nagtatago, naglalaro, inaabuso, nag-aaral)
4. Hiyas ng magulang ang mga anak na matatalino at mababait.
(Kayamanan o Kaligayahan, Katulong, Kaagapay)
Ngayon mga Bata
makinig kayo sa
Kuwento ng Alamat ng
Daliri
Ang Alamat ng mga Daliri

“Bakit po ba lolo na may mga daliri tayo?” ang tanong ni Antonio sa


kaniyang lolo.

Isang araw, “nakahiwalay sa apat pang ibang daliri ang hinlalaki natin?,”
“Ngayong panahon lang natin yan,” sagot ni Tandang Julian. “Noong
unang panahon, magkakatabi sa iisang lugar ang mga daliri ng mga
ninuno natin. Isang araw, sobrang nagutom ang hinliliit at humingi siya
ng pagkain sa katabing daliri.”
“O kapatid!” sagot ni Palasingsingan, “gutom din ako.
Saan nga ba tayo kukuha ng makakain?”

“Maunawain ang langit,” sabi ni Hinlalato, upang


pagaanin ang loob ng dalawang kapatid. “Bibigyan
din tayo ng langit ng marami.”

“Subalit kapatid na Hinlalato,” pagtutol ni Hintuturo,


“paano kung hindi magbigay ng pagkain sa atin ang
langit?”
“Kung gano’n,” sabi ni Hinlalaki, “magnanakaw tayo.”

“Magnanakaw?” ulit ni Hintuturo. Hindi talaga siya


nasiyahan sa payo niyang ito. “Sana naman alam ni
Ginoong Hinlalaki na hindi niya dapat gawin ’yan!”

“Masama ’yan, Hinlalaki,” sabay-sabay na sabi ng tatlo.


“Ang idea mo ay labag sa moralidad, labag sa Diyos, labag
sa sarili mo, at laban sa lahat. Hindi papayagan ng ating
konsensiya na tayo ay magnakaw!”
“O, hindi, hindi!” Galit na galit na sagot ni Hinlalaki. “Maling-mali kayo, mga
kaibigan! ’Diba ninyo man lang naisip kung gaano kayo kauto-uto para
kalabanin ang balak ko? Masama bang iligtas ang buhay n’yo at ang sa
akin?”

“Ay naku, kung yan ang balak mo,” sabi ng apat na daliri, “gawin mo kung
ano man ang gusto mong gawin. Para sa amin, mas gugustuhin pa naming
magutom at mamatay kaysa magnakaw.”

Nang oras na iyon, itinaboy ng apat na magkakapatid si Hinlalaki palabas ng


kanilang komunidad dahil sa labis na kahihiyan. Wala na sila naging ugnayan
sa kaniya mula noon.

“Kaya nga,” pagwawakas ni Tandang Julian, “makikita natin na nakahiwalay


si Hinlalaki sa apat pa nating daliri. Magnanakaw siya. Ang apat naman na
mababait ay hindi na ginusto pang makasama siya sa buhay. Si Hinliliit
naman, dahil kulang sa pagkain, ay makikita natin ngayon na payat at
nanlalambot.”
Pasalitang Tanong:
Ano ang dapat tandaan sa
pag-uugnay ng sariling
karanasan sa
napakinggang teksto?
Paano mo ito gagawin?

Ano ang iyong


pinagbasehan?
Anu-anong paraan ang
ginamit mo upang
maisalaysay muli ang
napakinggang teksto gamit
ang sariling salita?
Panuto: Isulat ang mga
Pangyayari sa Kuwentong
Alamat ng mga Daliri.
Isulat ang iyong Sagot sa
Kuwaderno
Takdang Aralin:
Makinig ng ilang kuwento
mula sa inyong mga lolo at
lola at ikuwentong muli sa
mga kaklase sa susunod na
araw.
Maraming Salamat mga
bata , magkita tayo bukas!

You might also like