pagtapik, paglakad, pagpalakpak, at pagtunog ng instrumentong pangmusika
QUARTER 1 Week 3 - Day 1
Objectives: Maintains a steady beat when replicating a simple series of rhythmic patterns in measures of 2s, 3s, and 4s echo clapping, walking, marching, tapping, chanting, dancing the waltz, or playing musical instruments) Bumuo ng rhythmic patterns na nasa 2s, 3s, 4s na may tig-dalawang measure. Matatandaan na ang rhythmic pattern ay binubuo ng mahahaba at maiikling tunong na sinsisimbolo ng notes at rests. Ang haba o ikli ng tunog at katahimikan na ito ay isinasaad ng bilang ng kumpas ng notes at rests.
Balikan natin ang talahanayan ng bilang ng kumpas ng notes
at rests. Ngayon naman ay suriin mo ang talahanayan na nasa ibaba kung ang mga bilang ng kumpas na ito ay iyong ipapalakpak gamit ang mga rhythmic syllable. Ang da-a ay may isang palakpak na tumatagal ng dalawang kumpas. Sa unang kumpas ay pumapalakpak at iikot ang buong kamay nang paharap nang magkadikit pa rin ang palad sa pangalawang kumpas.
Maaari nating ihambing ang isang kumpas na may tagal
ng isang segundo. Ang da naman kung iyong matatandaan sa aralin noong ikaw ay nasa Baitang I at 2, ay may isang palakpak. Maaari nating ihambing ang haba nito sa isang segundo.
Ang di-di ay may dalawang maiikling
palakpak na magkasunod. Pantay-pantay ang ikli ng dalawang palakpak na ito na gagawin mo sa loob ng isang segundo. Sa shh naman ay ibubuka ang iyong dalawang kamay. Hindi mo ito ipapalakpak sapagkat ito ay walang tunog. Tatagal ang iyong pagbuka ng iyong kamay ng isang segundo.
Pagdating sa sh-m ay ibubuka mor in ang iyong
mga kamay. Ito ay tatagal ng dalawang segundo. Sa bilang 1 ay ibuka mo ang iyong mga kamay at iikot ito nang magkahiwalay sa bilang 2. Tandaan lamang na sa pagpapalakpak o pagtugtog ay kailangang hindi nagbabago ang pulso nito. Ang pulso ng awit ay maihahalintulad sa tibok ng iyong puso. Maaari itong bumagal o bumilis pero pantay-pantay ang daloy nito.
Isa pa ring dapat tandaan sa pagpalakpak o
pagtugtog ng mga rhythmic pattern ay mas malakas nang bahagyan ang unang bilang. Isulat sa patlang ang mga rhythmic syllable ng mga note at rest na makikita sa rhythmic patterns na nasa ibaba. Pagkatapos ay ipalakpak ang mag ito. Tiyakin na steady o hindi magbabago ang pulso o beat ang awit. Lagyan ng angkop na galaw o kilos ang awit na “Are you Sleeping Brother John?” habang ito ay inaawit. Ano ang natutuhan mo sa ating aralin ngayon? Tukuyin ang isinasaad ng bawat bilang.
1. Ang _____ (eatb) ay nadarama natin sa musika.
2. Ang _____ (seatdy eatb) ay may pantay na daloy, maaaring
mabagal o mabilis.
3. Napapanatili ang steady beat sa pamamagitan
ng patuloy na _______ (pglgawaa) hanggang katapusan ng isang awit. Basahing Mabuti ang isinasaad ng bawat bilang. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot. Panuto: Kumuha ng dalawang pares ng patpat sa bakuran. Sundin ang rhythmic pattern sa pagbigkas ng chant at gamitin ang pares ng patpat bilang pansaliw sa chant. MAPEH (Arts) Teksturang Biswal QUARTER 1 Week 3 - Day 2 Objectives: Explains that artist create visual textures by using a variety of lines and colors. Napag-aralan mo ito sa nakaraang aralin. Ano ang mangyayari sa mga tao o bagay kapag tinitingnan ito nang papalayo o papalapit? Ang mga larawang ito ay nagsasaad ng iba’t ibang laki ng tao sa larawan at ang paggamit ng ilusyon sa espasyo. Kung malayo sa tumitingin ang isang bagay, maliit itong tingnan, malaki naman kung ito ay malapit sa tumitingin. Pansinin ang dalawang larawan sa ibaba. Ano ang iyong napapansin sa mga ito? Sa pamamagitan ng inyong mga mata, marami kayong nasasabi at nakikita sa larawan. Ang inyong nakikita sa larawan ay tinatawag na Teksturang Biswal. Ito ay tekstura ng isang bagay na tanging mata lang ang nakakaalam, sapagkat hindi ito maaaring hipuin o maramdaman.
Nakikita natin ang kaibahan ng tekstura ng isang bagay sa
larawan sa pamamagitan nang masusing pagtingin dito. Sa sining mayroon tayong tinatawag na still life drawing, ito ay isang pamamaraan ng pagpapakita ng pagiging malikhain sa pagguhit ng mga bagay na hango sa nakikita sa paligid tulad ng mga bulaklak, pagkain, mga alahas, kasangkapan sa mesa at iba pa.
Nakalilikha ang isang pintor ng teksturang biswal gamit
ang cross hatch lines at pointillism upang maging makatotohanan ang tekstura ng kaniyang likhang sining. Cross hatch lines ay tanda ng dalawa o higit pang intersecting parallel lines.
Pointillism ay ang paglalagay ng maliliit na tuldok upang
makabuo ng larawan. Alin kaya sa mga larawan ang cross hatch line at alin ang pointillism Mga Paraan sa paggawa ng likhang sining gamit ang cross hatch lines. 1. Iguhit ang nais na disenyo.
2. Simulang maglagay ng linya sa gilid ng naihandang
disenyo.
3. Pagkatapos sa gilid, simulang gumuhit ng mga tuwid
na linya sa loob ng guhit. 4. Ipagpatuloy ito hanggang sa mapuno ito o matamo mo ang gusto mong mangyari sa iyong likhang sining.
5. Mayroon ka ng likhang sining gamit ang cross hatch
lines. Mga Paraan sa paggawa ng likhang sining gamit ang pointillism. 1. Iguhit ang nais na disenyo.
2. Simulang maglagay ng tuldok sa gilid ng naihandang
disenyo.
3. Pagkatapos sa gilid, simulang naman sa gitna.
4. Ipagpatuloy ito hanggang sa mapuno ito o matamo mo ang gusto mong mangyari sa iyong likhang sining.
5. Mayroon ka ng likhang sining gamit ang pointillism.
Lagyan ng tsek (√) sa patlang sa bawat bilang ang mga larawan na gawa sa cross hatch lines at ekis (X) naman kung gawa ito sa pointillism. Lagyan ng tsek (√) sa patlang sa bawat bilang ang mga larawan na gawa sa cross hatch lines at ekis (X) naman kung gawa ito sa pointillism. Magdisenyo tayo! Panuto: 1. Ihanda ang sumusunod na kagamitan: bond paper, lapis at pangkulay (krayola o oil pastel) 2. Gamit ang lapis, kopyahin ang larawang banga sa iyong bond paper.
3. Palamutian sa kanang bahagi ng iginuhit na
larawan nang patayo at pahalang na mga linya para makabuo ng pakrus na disenyo. 4. Obserbahan ang ginawang larawan. 5. Gumuhit uli ng larawang banga at igayak naman ang mga tulduk-tuldok na hugis sa may kanang bahagi ng banga. 6. Punahin ang mga pagbabago ng tatlong likhang sining. Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang tamang salita na nasa kahon at isulat ito sa patlang sa bawat bilang upang mabuo ang ideya ng mga pahayag. Mayroon tayong tinatawag na (1) ____________. Ito ay isang pamamaraan ng pagpapakita ng pagiging malikhain sa pagguhit ng mga bagay na hango sa nakikita sa paligid tulad ng mga bulaklak, pagkain, mga alahas, kasangkapan sa mesa at iba pa. Nakalilikha ang isang artist ng likhang sining na may (2) _____________ gamit ang (3) _____________ at (4) _______________ upang maging makatotohanan ang teksturang kaniyang (5)_______________ Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang salitang TAMA sa patlang bago ang bilang, kung wasto ang isinasaad sa pangungusap at salitang MALI naman kung hindi.
_______1. Ang mga mata natin ang tanging nakaaalam ng
teksturang biswal. _______2. Ang mga pintor ay nakalilikha ng teksturang Biswal gamit lamang ang mga linya upang bigyang buhay ang kanilang likhang sining. _______3. Ang teksturang biswal ay ating nahihipo.
_______4. Ang pointillism ay ang paglalagay ng maliliit na
tuldok upang makabuo ng larawan.
_______5. Ang teksturang biswal ay mapapansin
lamang sa pamamagitan ng masusing pagtingin sa isang bagay. Gawain: Landscape Artwork Mga gamit na dapat ihanda: * bond paper * lapis o pen * krayola o oil pastel
Panuto sa Paggawa:
1. Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon
sa dalawang bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan.
3. Igayak ang paraang pointillism sa ikalawang larawan.
4. Gamitin ang talaan ng rubrik para masukat ang
kaangkupan sa ginawang obra. MAPEH (PE) Pagsasagawa ng mga Hugis at Kilos ng Katawan QUARTER 1 Week 3 - Day 3 Objectives: 1. Performs body shapes and actions 2. Demonstrates movement skills in response to sounds and music. 3.Engages in fun and enjoyable physical activities Isulat ang apat na mga hugis na maaaring maisagawa ng ating katawan. 1. ____________________ 2. ____________________ 3. ____________________ 4. ____________________ Tignan mo ang larawan sa itaas. Ano ang ginagawa ng magsasaka?
Ano ang kilos na kailangan sa pagtatanim ng palay katulad ng
nasa larawan? Subukin mong gayahin ang magsasaka sa pagtatanim ng palay.
Naisagawa mo ba nang wastos ang kilos ng magsasaka?
Naisagawa mo ba ang wastong pagbaluktot?
Paano mo naibalik sa dati ang iyong
katawan mula sa pagkakabaluktot?
Mag-ehersisyo. Gawin ang mga sumusunod na kilos upang lumakas ang katawan. (Ang guro ay magpapatugtog ng kanta habang ang mga estudyante ay nag eehersisyo). Ang klase ay mahahati sa limang grupo. Ang bawat grupo ay gagawa ng sariling kilos para sa ehersisyo upang mapalakas ang katawan. Gumamit ng kahit anong awiting masigla para sa gagawing ehersisyo. Presentasyon ng ehersisyo Bakit mahalaga ang pag eeherisyo? Ilahad ang iyong natutuhang mga paggalaw o kilos ng katawan sa pangkalahatang lugar o espasyo. Maaari mong isulat sa loob ng mga hugis ulap na nasa ibaba angnmahahalagang salita na iyong natandaan. Gawin ang kilos upang masubok ang iyong kakayahan. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. 1. Aling kilos ang madaling gawin? 2. Aling kilos ang mahirap gawin? 3. Ano anong parte o bahagi ng iyong katawan ang lumalakas kapag isinasagawa ang ganitong mga kilos? Karagdagang Gawain: Gumawa ng maikling vlog na nagpapakita ng mga hugis at kilos ng katawan kapag nag eehersisyo. MAPEH (Health) Tamang Uri ng Bitaminang Nakabubuti sa Kalusugan at Nutrisyon
QUARTER 1 Week 3 - Day 4
Objective:
Identifies nutritional problems Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi.
________1. Ang batang kumakain ng kaunti kaysa sa inaasahan ay may
sobrang nutrisyon. ________2. Ang batang kumakain ng sobra ay nakakaranas ng malnutrisyon. ________3. Ang batang may kakulangan sa protina ay payat. ________4. Ang batang may kakulangan sa protina ay mahina ang pangangatawan. ________5. Ang batang may kakulangan sa protina ay
kulang sa pagkaing may carbohydrates.
Tingnan ang mga nasa larawan. Ano ang masasabi nyo sa kanila? Ang mga nasa larawan ay mga batang may kakulangan sa vitamins at minerals. Anong vitamins at minerals ang kulang sa kanila? Ang nutrisyon ay mahalaga sa ating pangangatawan. Minsan madaming nutrisyon ang kailangan nito minsan ay kaunti lamang, depende sa pangangailangan nito. Ang mga kakaunting nutrients na kailangan minsan ng ating katawan ay tinatawag na micronutrients. Ang mga micronutrients na ito ay kilala din sa tawag na vitamins at minerals. MICRONUTRIENTS Ito ay tumutukoy sa vitamins at minerals na hindi masyadong kailangan, ngunit ang mga ito ay mahalaga at kailangan ng iba pang bahagi ng katawan at nakatutulong ito sa paglaki at sa kabuuang pisikal na pangangatawan. Kapag nagkulang ang katawan natin ng micronutrients, magkakaroon tayo ng tinatawag na micronutrient deficiency. MICRONUTRIENT DEFICIENCY Ito ay may kaugnayan sa hindi tamang pagkain o proper diet. Ang mga kakulangan nito ay may masamang epekto sa paglaki at pag-unlad ng katawan ng isang tao. Maaari itong magdulot ng malaking epekto sa pisikal na paglaki, at pag-iisip ng isang tao at nakakapagpababa ng performance sa paaralan. Ang mga kakulangan na ito ay dahil sa hindi pagkain ng tama at sapat sa tamang oras at hindi Magandang pangangalaga sa katawan. Ang sumusunod ay mga micronutrient deficiencies at mga katangian, senyales at sintomas ng mga ito. Sa mga micronutrient deficiency na natalakay, mamili ng tatlo at isulat kung paano ito maiiwasan. Pumunta ka sa isang malapit na karinderya para bumili ng meryenda at nakita mo ang sumusunod:
Ang iyong pera ay kasya lamang
para sa isang klase ng pagkain at inumin. Anong pagkain at inumin ang pipiliin mo para sa malusog na meryenda?
Ano-Ano ang dahilan sa pagpili
mo nito? Pumunta ka sa isang malapit na karinderya para bumili ng meryenda at nakita mo ang sumusunod:
Ang iyong pera ay kasya lamang
para sa isang klase ng pagkain at inumin. Anong pagkain at inumin ang pipiliin mo para sa malusog na meryenda?
Ano-Ano ang dahilan sa pagpili
mo nito? Dugtungan ang sumusunod na parirala upang mabuo ang pahayag 1. Ang micronutrients ay tumutukoy sa mga ________________________________________________ 2. 2. Ang micronutrient deficiency ay ________________________________________________ Isulat ang Tama kung ang sumusunod na pahayag ay nagsasabi ng wastong pahayag. Mali naman kung ito ay taliwas. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. ___________ 1. Ang kakulangan ng bitamina D sa pagkain ay maaaring maging suliranin sa buto na tinatawag na rickets. ___________ 2. Ang bitamina B complex at bitamina C ay magtatagal sa katawan sapagkat ito ay natutunaw sa tubig (water soluble). ___________ 3. Ang bitamina B Complex ay binubuo ng ilang bitaminang tumutulong magkaroon ng makinis na balat at maayos na nervous system. ___________ 4. Ang thiamine ay tumutulong sa katawan upang mapalitan ang carbohydrates at maging lakas na kailangan natin. Tumutulong din sa pagkuha ng protina at taba. ___________ 5. Ang bitamina D ay kailangan sa maayos na paglaki at pagpapatibay ng buto at ngipin. MAPEH Lingguhang Pagtataya
QUARTER 1 Week 3 - Day 5
Ngayon ay subukin natin ang iyong pag- unawa sa aralin sa pagsagot ng pagsusulit. Pagbibigay ng pamantayan Pagsasabi ng panuto Pagsagot sa pagsusulit Pagwasto ng Pagsusulit Pagtala ang mga puntos ng mag-aaral. Bigyan ng paghahamon ang mga mag-aaral para sa susunod na pagtataya.