Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

MONOLOGO

• Isang uri ng pagsasadulang pampanitikan.


Ginagampanan ito ng iisang tao
lamang. Nagsasalita ang nagmomonologo ng mga
kaisipan ng karakter na kanyang ginagampanan.
• Ang isang monologo ay ginagawa ng isang
tauhan o isang karakter para makamit nito ang
kanyang mga minimithi para sa sarili. Maaari rin
na ang pakay lamang nito ay marinig lamang ng
iba at hindi ang “makinig”.
• Bukod dito, masasabi rin natin na ang monologo
ay isang halimbawa ng komunikasyon kung saan
ang isang karakter at bumibigkas ng mga saloobin
nito o ang mga bagay na nasa isipan lamang nito.
Kadalasan makikita ang monologo sa mga dula,
pelikula, at mga palabas sa telebisyon.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG MONOLOGO

• 1. Pagpili ng karakter - alamin ang kanyang edad, paraan ng pagsasalita,


uri ng lengguwaheng ginamit, lugar, kalagayan at mga damdaming
nagbibigay-buhay.
• 2. Pagsulat
A. Tiyakin ang nakaraan at kasalukuyan ng iyong karakter. I-plano ang
buhay ng tauhang iyong napili.
• B. Simulan ang salaysay sa nakaraang bahagi. (flashback)
• C. Maging malikhain sa pagpapakilala ng karakter.
• Simulan ito sa pamamagitan ng pagpapahayag ng iniisip sa mga
manonood.
• Isunod ang pagsasalaysay sa mga mahahalagang pangyayari.
• Tandaang ito ay sa pamamagitan ng diyalogo at nagpapahiwatig ngiba-ibang
damdamin.
•Laging isama ang manonood sa bawat tagpo
• Lagyan din ang iskrip, ng deskripsyon, ng kumpas ng kamay,kilos at
ekspresiyon ng mukha.
MGA SALITANG NANGHIHIKAYAT

• Ang mga salitang nanghihikayat ay karaniwang


ginagamit sa pagkukumbinsi ng isang tao. Ginagamit
din ito upang manghikayat ng isang mambabasa o
tagapakinig na sumang-ayon sa kanyang pananaw
tungkol sa isang isyu o pangyayari
HALIMBAWA NG MGA
SALITANG NANGHIHIKAYAT
1. PAGSANG-AYON –– TOTOO, TUNAY, TAMA, SIGURADO,
TALAGA, OO, SIYEMPRE, TUMPAK, WALANG DUDA

Halimbawa:
a. Totoong mapagmahal na ama si Duke Briseo.
b. Pataas na nang pataas ang presyo ng mga bilihin,
siguradong mahihirapan ang mga ordinaryong
mamamayan.
2. PAGTUTOL O PAGSALUNGAT – PERO,
SUBALIT, NGUNIT, BAGAMAT, DATAPWAT

• Halimbawa:
• a. Isang mabuting balita ang pagkakaroon ng bakuna laban sa Covid-19
ngunit marami pa rin ang nangangamba at ayaw magpaturok ng
bakunang ito.
• b. Bagamat mayroon akong laptop at selpon na ginagamit sa pag-aaral,
inaamin kong nahihirapan pa rin ako sa edukasyon sa new normal.
3. PAGBIBIGAY KONKLUSYON – SA WAKAS,
KAYA, SAMAKATUWID, SA LAHAT NG ITO

• Halimbawa:
• a. Si Rabiya Mateo ang itinanghal na Bb. Pilipinas Universe,
samakatuwid siya ang pinakamagandang babae sa Pilipinas.
• b. Sa wakas natapos ko na ang mga gawaing pampagkatuto sa mga
modyul ng ikalimang linggo.

You might also like