Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

HAKBANG SA PANANALIKSIK: PAGBUO

NG LAGOM, KONGKLUSYON, AT
REKOMENDASYON

ARALIN : 16
KAALAMAN

◦Ang lagom, kongklusyon, at rekomendasyon


ay mahalagang bahagi ng pananaliksik
.
LAGOM
LAGOM

◦ Ang lagom o buod ay pagbuo o paggawa ng


pangkalahatang idea hango sa teksto para sa
madaliang pag-unawa sa nilalaman ng
isinasagawang pananaliksik.
PAGBUO NG LAGOM

◦ Sa pagbuo ng lagom nailalahad ang mahahalagang


detalyeng makukuha sa teksto. Makatutulong ang lagom
na gamitin ang mga detalyeng nabanggit upang maiugnay
sa mga karanasang bunga ng obserbasyon o dili kaya'y
nabasa ng mambabasa.
HAKBANG SA
PAGLALAGOM
1. BASAHIN O PAKINGGAN

◦Basahin o pakinggan nang mabuti ang


pananaliksik at suriin ang pinakadiwa o
konsepto nito.
2. MAGTALA

◦Magtala ng mga mahahalagang impormasyon


habang nagbabasa o nakikinig.
3. HIMAY – HIMAYIN AT ISULAT

◦ Himay-himayin at isulat nang muli ang mga naitalang


mahahalagang impormasyon. Huwag maglahad ng mga
pansariling opinyon. Marapat na ang itinala ay buhat sa
impormasyong nakuha mula sa masinop na pananaliksik.
4. PALITAN

◦Palitan o huwag nang isama ang mga bahaging


magiging hadlang lang at makakagulo sa mas
mabisang pag-unawa ng mga mambabasa.
5. PAGKUMPARAHIN

◦Pagkumparahin kung tiyak at orihinal ang


pagkakasunod-sunod ng mga idea at
konseptong isinulat.
6. MULING BASAHIN

◦Muling basahin at alamin kung mapaiikli pa


ang mga isinulat na pahayag
KONKLUSYON
KONKLUSYON

◦Ang kongklusyon ang pangkalahatang


paliwanag sa nais na maipahayag ng buong
pananaliksik
.
PAGBUO NG KONKLUSYON

◦ Makikita sa kongklusyon ang kasagutan sa mga itinampok na


katanungan sa isinagawang pagsusuri o pag-aaral. Kadalasang nasa
anyong pabuod ang kongklusyon na binuo batay sa natuklasang
kaalaman. Sa bahaging ito, ipapakita ng mananaliksik ang
reyalisasyon o kanyang mga napagtanto sa paksang sinaliksik.
Mula sa kongklusyon huhugot ng payo o rekomendasyon tungo sa
bago o pagpapatuloy ng isinagawang pag-aaral o pananaliksik.
HAKBANG SA PAGBUO
NG KONKLUSYON
1. BALIKAN

◦Balikan ang suliranin, layunin, at iba pang


bahagi ng pananaliksik kung tumutugma ang
mga nakuhang impormasyon.
2. IPAHAYAG ANG PAGPAPASYA

◦Mula sa nakuhang impormasyon na ibinunga


ng analisis o pagsusuri, ipahayag ang
pagpapasya upang palutangin ang natuklasang
kaalaman o impormasyon
3. ILAHAD ANG PANANAW

◦ Ilahad ang pananaw na pinagtibay ng ugnayan ng


datos, teorya, at patunay sa malinaw at
makabuluhang pagpapasya sa napagtanto sa
isinagawang pag-aaral.
4. TIYAKIN

◦Tiyaking magkaugnay ang kongklusyon sa


itinalagang paglalagom.
REKOMENDASYON
REKOMENDASYON

Ang rekomendasyo ay ang pagbibigay ng isa o ilang mga


solusyon sa paglutas ng kinakaharap na suliranin sa isang
pag-aaral o pananaliksik.
PAGBUO NG REKOMENDASYON

◦ Ang isang rekomendasyon ay kinakailangang may


kaakibat o sinusuportahan ng masusing pag-aaral at mga
datos nito.
◦ Ang rekomendasyon ay dapat na naglalayong lutasin ang
suliranin na natuklasan sa pag-aaral.
◦ Hindi dapat gumawa ng rekomendasyon sa suliraning
hindi nakita sa ginawang pag-aaral.
◦ Maglatag ng rekomendasyong ideyal. Gayunpaman,
nararapat din na magbigay ng kaakibat na
rekomendasyong praktikal, naisasagawa at makatotohanan.
◦ Dapat ay may lohikal na paliwanag ang mga
rekomendasyon.
◦ Kung may mabubuting natuklasan sa pag-aaral, dapat ay
magbigay rin ng rekomendasyon sa pagpapanatili nito
HAKBANG SA PAGBUO
NG REKOMENDASYON
1. PAGTUGMAIN

◦ Pagtugmain ang mensaheng nais iparating ng datos


o impormasyon mula sa suliranin at layunin na
pinagmulan ng lagom at kongklusyon.
2. IKATEGORYA

◦Ikategorya ang mga mungkahing angkop


sa suliranin at layunin.
3. TIYAKIN

◦ Tiyaking ang tono ng mungkahi ay nagbibigay-daan sa


pagpapaunlad ng pananaliksik sa pamamagitan ng
paglalahad ng polisiya o programa, patakaran at iba pang
kaugnay na paksa na maaaring ipagpatuloy bilang
pagpupuno sa pagpapayaman ng paksang sinuri sa
pananaliksik.
3 BAHAGI NG
PANANALIKSIK
LAGOM ( BUOD )

◦paglalahad ng kasagutan sa suliranin at


layunin sa maikli at malinaw na paraan
KONKLUSYON ( PASYA )

◦interpretasyon o mahalagang pahayag mula sa


datos o impormasyong nakalap
REKOMENDASYON ( MUNGKAHI )

◦pagbabahagi ng mga dapat pang gawin sa


pagpapatuloy at pagpapahu- say ng
isinagawang pananaliksik

You might also like