Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

MAGANDAN

G ARAW,
BAITANG 1!
Inihanda ni Bb. Monah Claire A. Ngoa
Tayo ay manalangin...
Mga Paalala: 4 M’s
1
Makinig
2
Makibahagi
3
Magbigay Respeto
4
Matuto
Mga Layunin:

• Nasasagot ang mga tanong tungkol sa alamat,


• Naibibigay ang paksa ng napakinggang tula/ kuwento,
at
• Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling
pangangailangan at sitwasyon.
Ano ang iyong unang nakikita sa
umaga tuwing tumitingin ka sa
kalangitan?
Araw
Ano naman ang iyong nakikita sa
gabi tuwing tumitingin ka sa
kalangitan?
Buwan
NANG
MAGTAMPO
ANG
BUWAN-Halaw
Naiinggit si Buwan sa kapatid niyang si
Araw, dahil ito’y mas sikat at
hinahangaan ng mga tao kaysa sa kanya.

Samantalang siya’y simbolo lamang ng


malalagim na bagay. At kung minsan ay
ginagawang palatandaan ng kabaliwan!
Walang nananabik sa kanyang pagsikat at
walang nanghihinayang sa kanyang
paglubog.
Sa galit ng buwan, siya’y nagpakalayu-layo sa
araw.

At sa paghahangad niyang maging sikat,


nanghiram siya ng kulay sa bahaghari at ito’y
ipinahid niya sa kanyang mukha.

Gayundin, nanghiram siya ng ilang bituin at


pinakislap
ang ilang bahagi ng kanyang kabuuan.
Hindi nga naglaon at napansin siya ng mga
tao. Ngunit sa halip na hangaan, siya’y
pinagtawanan. Nilibak. Kinutya!

Saan ka nakakita ng buwan na may ibang


kulay?

Malulupit ang tao, ang sabi niya.


Nagkamali siya kung bakit hinangad pa
niya ang paghanga ng mga ito.
At masaklap pa nito, napuna na
lamang ng buwan na unti-unti nang
napapawi ang taglay niyang liwanag.
Kapag nagtuluy-tuloy ang paglalaho
ng kanyang liwanag, tuluyan na siyang
mawawalan ng saysay.
Telling Time

Daytime Noontime Nighttime


The Sun rises in the east, and the The Sun reaches its highest The Sun has set,
sky becomes bright and clear. point in the sky and is directly and the Moon and stars appear
overhead. in the sky.
Dito napag-isip-isip ng buwan ang isang katotohanan. Na kapag
malayo pala siya sa araw ay nawawalan siya ng liwanag. Dahil ang
liwanag na kanyang taglay ay sa araw rin nagmumula. Ito ang
nagbibigay at sa kanya’y nagkakaloob.

Hiyang-hiya ang buwan sa kanyang ginawa. Nagbalik siya sa araw


na hinang-hina. Humingi siya ng tawad dito.

Napakasama ko. Ikaw na nagbigay sa akin ng buhay ay


kinainggitan ko pa. Anong klaseng nilalang ako?
Ang lahat ay natutukso at
nagkakamali. Ang mahalaga’y
nagbalik ka nang muli kung saan ka
nararapat. At iyan ay sa piling ko,
ang sabi ng araw.

Magmula noon, hindi na lumisan


ang buwan sa piling ng araw na
nagbibigay buhay sa kanya!
Gabay na mga tanong:

1
Ano ang naging problema ni Buwan sa kanyang kapatid na
si Araw?

2 Bakit ganito ang naramdaman niya sa kapatid?

3 Ano ang kaniyang ginawa?


Gabay na mga tanong:

1 Nagtagumpay ba si Buwan sa kaniyang ginawa?

2 Ano ang mahalagang bagay ang kanyang natutuhan nang


lumayo siya sa kapatid?

3 Paano maiiwasan ang inggitan sa magkakapatid o maging sa


kaklase?
Pulot-aral
““Kapag nakontrol ka ng inggit,
magiging makasarili ka at hindi na
makakapag-isip nang tama.”
PAALAM AT
SALAMAT,
BAITANG 1!
Inihanda ni Bb. Monah Claire A. Ngoa

You might also like