Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

PANGKAT ANIM

KAHULUGAN NG SEMANTIKA

• Ang semantika ay mula sa salitang Griyego na "semantikos" na


nangangahulugang “tungkol sa kahulugan.”

• Samakatuwid, ang “semantika” ay ang pag-aaral hinggil sa kahulugan ng


isang salita, kataga, o wika.
KAHULUGAN NG SEMANTIKA AYON SA MGA
LINGGWISTA

• Ayon kay Gonzales (1992), “ang semantika ay proseso ng pag-iisip,


kognisyon, at konseptwalisasyon”.

• Ayon naman kay Marquez (2010), nakapokus ang semantika sa pagbibigay


kahulugan sa mga salita, parirala o pangungusap.
DALAWANG DIMENSYON NG SEMANTIKA

1.Denotasyon - nagtataglay o nagpapahiwatig ng obhetibong kahulugan ng


mga salita o termino. Tumutukoy rin ito sa literal na pagpapakahulugan sa
mga salita. Madalas din itong tawaging "dictionary meaning" sa ingles na
ang ibig sabihin ay tahas, aktwal, tiyak o tuwirang kahulugan.
Halimbawa:
• gintong kutsara - kutsara na ginto
DALAWANG DIMENSYON NG SEMANTIKA

2. Konotasyon - Tumutukoy sa karagdagang kahulugang taglay ng isang salita


batay sa intension (suggested meaning) o motibo ng taong gumagamit nito. Ito
rin ang kahulugang ibinibigay sa mga salita, parirala o pangungusap na hindi
tuwirang isinasaad.
Halimbawa:
• gintong kutsara - taong mayaman o maraming pera
TATLONG PARAAN SA PAGBIBIGAY NG
KAHULUGAN SA SALITA
1. Synonymy - tumutukoy sa magkaibang salita na mayroong eksakto o halos
parehong kahulugan.
Halimbawa:
• tama at wasto
• dala at bitbit
TATLONG PARAAN SA PAGBIBIGAY NG
KAHULUGAN SA SALITA
2. Antonymy - mga salita na magkaiba ang kahulugan o kabaligtaran ang ibig
sabihin.
Halimbawa:
• mababaw at malalim
• basa at tuyo
TATLONG PARAAN SA PAGBIBIGAY NG
KAHULUGAN SA SALITA
3. Homonymy - mga salitang magkaparehas ang baybay ngunit magkaiba ang
bigkas at kahulugan.
Halimbawa:
• Ang salitang “kita” ay maaaring tumukoy sa “sahod o sweldo” ng isang tao
sa kaniyang trabaho. Maaari rin itong tumukoy sa kung ano ang “nasilayan o
napagmasdan” ng ating mga mata.
ILAN PANG MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA
HOMONYMY:
1. Dayalekto
Halimbawa:
• Ang salitang “aso” sa Tagalog ay tumutukoy sa hayop samantalang ang
“aso” naman sa Cebuano ay tumutukoy sa usok.
ILAN PANG MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA
HOMONYMY:
2. Impluwensya ng mga banyaga
Halimbawa:
• Ang salitang Espanyol na “para” ay nangangahulugang “nakalaan sa isang
tao o bagay” samantalang ang “para” naman sa Filipino ay
nangangahulugang “pagbaba mula sa sasakyan” o “paghinto ng sasakyan”.
ILAN PANG MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA
HOMONYMY:
3. Modernisasyon at Globalisasyon
Halimbawa:
• Ang salitang “asim” naman ay tumutukoy sa lasa ng pagkaing may mataas
na lebel ng sitriko o asidiko ngunit sa kasalukuyan, tumutukoy na rin ito sa
mga taong “jejemon”.
SEMANTIKA SA LINGGUWISTIKA

1. Leksikal na Semantika - nakapaloob ang kahulugan ng isang salita sa


pangungusap.
Halimbawa:
• Kaarawan ng aking ama bukas ngunit kahapon namin ipinagdiwang ang
araw ng kaniyang kapanganakan.
SEMANTIKA SA LINGGUWISTIKA

2. Leksikal na Aytem - maaaring dalawa o tatlong magkakaibang salita at maaari ring


may iba’t-ibang anyo.
Halimbawa:
• Tatlong magkakaibang salita
1.Sarado ang pinto
2.Sarado ang isip
3.Sarado ang puso
• Dalawang magkaibang salita
1. Maginhawa ang pakiramdam
2. Maginhawa ang pamumuhay
PAGSASANAY
PANUTO: Ibigay ang denotasyon at konotasyon na pagpapakahulugan sa bawat litrato.

1 2. 3.
.
MGA SANGGUNIAN:

• https://www.slideshare.net/AngelicaMManaga/denotasyon-at-konotasyonpptx
• https://www.studocu.com/ph/document/mindanao-state-university-iligan-institu te-of-
technology/sining-ng-komunikasyon/semantika-bongcawils-report/69253 494?
fbclid=IwAR2spmIheyJHxq7rJD1ShqJ1XHkeF8-bM4b3cQ1uUEt4Hy4vu gvlzYDYd7s
• https://www.slideshare.net/slideshow/f5semantikapptx/266133613?fbclid=IwA
R0SuoTiFLZdClRooifstKf2oCTOASkfPRX8kO2LggDApbfw9bl5xSj1cC4
• https://www.collegesidekick.com/study-docs/4161332
• https://www.slideshare.net/Charlene346176/lexical-at-istruktura-semantikadoc x
• https://ling-app.com/fil/tagalog-homonyms/
SALAMAT!
INIHANDA NILA:
AQUILER, HAZEL ANNE
CRISTO, PERTH KENESSA
DE LEON, FRANCINE
KING, SHEENA

You might also like