Professional Documents
Culture Documents
Arte de La Lengua Tagala
Arte de La Lengua Tagala
SEBASTIAN DE TOTANES
Binanggit niyang ang layunin niya sa
pagsulat ng ganitong uri ng akda ay upang
lalong makatulong sa pakikipag-unawaan
nilang mga Kastila sa mga naninirahan dito sa
Filipinas. Naniniwala siyang kapag
maipaliliwanag na mabuti sa wikang Tagalog
ang pananampalatayang nais nilang palaganapin
ang pagpapalaganap nito ay magiging mabisa.
Tinawag niyang abcedaria ang mga
titik na Tagalog. Sinabi niyang binubuo
ito ng 17 na titik at tatlong patinig
sapagkat nagkakapalitan lamang ng tunog
ang e at i, at ang o at u. Tinumbasan niya
ng p ang f dahil walang f sa Tagalog,
gayon dir ang ll na nagiging y, ang x, z ať
j nagiging s..
Maraming pagbabagong naisama sa pagbaybay
dahil ginawang batayan ang wikang Kastila.
Iniangkop ni Totatnes sa sarili niyang wika ang
mga titik na natagpuan niya sa Tagalog. Bunga
nito, nagkaroon ng kalituhan sa pagbilang ng
mga katinig. Isa ngang kalituhan ang ginawang
pagbaybay sa mga katutubong titik na tila mula
sa wikang Kastila tulad ng c, g at v.
Hindi nakaligtaang ipaliwanag ni Totanes ang
tungkol sa titik na ng sa Tagalog na ang
pagkasulat ay ng. Binanggit na wala nito sa
wikang Kastila, at kailangang bigkasing mabuti
upang maunawaan. Ipinaliwanag din ang tungkol
sa mga di karaniwang anyo ng mga salita tulad
ng sincopas (maykaltas) sa dalahin = dalhin,
transposicion y adicion de letras (may lipat)
particula ang mga panlaping makadiwa.
Halimbawa nito ang banghay sa-an-incralan
(preterito), inaaralan (presente), aaralan (futuro),
aralan (imperativo), naaralan (preterito
plusquamperfecto) at maaralan (futuro perfecto). Ang
salitang ito'y hindi wastong Tagalog sapagkat ang
sinasabi'y tinuruan sa halip na inaralan.
Mahihinuhang ginamit ni Totanes ang salin ng aral sa
Kastila na sa Tagalog ay may ibang salitang dapat
gamitin, hindi dapat ang aral kundi turo.
May tinawag din siyang mga modong
infinitivo, indicativo, subjunctivo't optativo.
Ipinakita niya ang mga pangbabanghay ng
pandiwa batay doon. Sa pagsusuri ng verbo ser
na tinumbasan niya ng ay, sinabi niyang kung
tutuusin talagang walang katumbas ito sa
Tagalog, sapagkat hindi gaanong mahalaga sa
pangungusap ang ay.
(5) Sa larangan naman ng nombre binanggit
ding walang kasarian ang mga ito maliban sa
iilang salita tulad ng ama, bayao, at sungayan
na nauukol sa mga lalaki at ang ina, hipag at
libay na nauukol sa babae. Ang iba pa'y mga
pambalana. Tinalakay niyang sa pamamagitan
ng mga particulang mag-, (mag-ama), ca--an
(catapangan),-an (inuman) nakabubuo ng mga
nombre.
(6) Sa larangan naman ng adverbio labinlimang uri ang
nailista niya: (1) lugor e.g. dito, (2) tiempo e.g. kagabi,
(3) deseo e.g. nawa, (4) interogativo e.g. pasasaan, (5)
prchibitivo e.g. houag, (6) responder e.g. oo, (7) receto
eg. maca sacali, ( mostrar e.g. manaa gayou, (9) juntar
e.g. pati, (10) intencion e.g. lubha, (11) similitud e.g.
capoua, (12) disimilitud e.g. iba, (13) respeto e.g.
pacundangan, (14) agradecimiento e.g. dinga salamat at
(15) cantidad e.g. halos. Pansinin ang baka ay maca, ang
mga gayon ay manaa gayon, magkarugtong ang dinga sa
halip na magkahiwalay.
(7) Sa larangan naman ng interjeccion
(pandamdam) ipinahayag niyang nagpapahayag
ito ng masidhing damdamin tulad ng aroy, bapa.
(8) Sa larangan naman ng conjuncion
(pangatnig) apat ang nailista niya: (1)
copulativa e.g. at, (2) disjunctivo e.g. o, (3)
causales e.g. porque, at (4) adversativa e.g.
biste
Sa karagdagang aralin tungkol sa mga numerales, inuri niya
ito bilang cardinales na binubuo ng mula sa sero hanggang
sa angaw (milyon);
(12) ordinales na ang pinakaunang bilang ay naona,
distributivo na ang magandang halimbawa'y ang
mensicapat (real) na di na ginagamit sa ngayon; at ang
numerales adverbiales y de tiempo tulad ng pagliwayway at
ungmaaraw na, tanghaling tiric, lliquir na o naquiquiling na
(ala una).