Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

KABANATA I

SA KUBYERTA
MGA TAUHAN
TAUHAN
Simoun
– Siya ay ang mayamang alahero na nakamaskara na
nagmumungkahi ng mga radikal na plano para sa
pagpapaganda ng Ilog Pasig. Sa likod ng kanyang
maskara, siya ay si Crisostomo Ibarra, ang protagonista
ng Noli Me Tangere, na nagbalik mula sa pagkakatapon
upang magpatuloy sa kanyang laban para sa kalayaan.
TAUHAN
Donya Victorina
– Siya ay isang Filipina na nagpapanggap na Espanyola
at kinaiinisan ang kanyang sariling kultura. Hindi niya
tinanggap ang mungkahi ni Don Custodio dahil sa
kanyang personal na ayaw sa balot.
TAUHAN
Don Custodio
– Siya ay isang impluwensyal na tao sa pulitika. Sa
kabila ng kanyang posisyon, ipinakita niya ang
kawalan ng malasakit sa tunay na pangangailangan ng
mga tao nang hindi niya tanggapin ang mungkahi ni
Simoun.
TAUHAN

Ben Zayb
– Ang kanyang tunay na pangalan ay Abraham
Ibañez, isang manunulat na nagtataglay ng maling
pananaw sa realidad ng Pilipinas dahil sa kanyang
mga artikulo.
MGA
Padre Salvi TAUHAN
– Ang dating kura paroko ng San Diego na may malalim na
interes kay Maria Clara.
Padre Sibyla
– Siya ay isang Dominikano at ang Vice-Rector ng Universidad
ng Santo Tomas.
MGA
TAUHAN
Padre Camorra
– Ang kura paroko ng Tiani na kilala sa kanyang
kabastusan at pang-aabuso.
Padre Irene
– Isang kaibigan ni Don Custodio na nagpapakita ng
pagkabahala sa kalagayan ng bansa.
MGA
TALASALITAAN
Talasalitaan
•Garote – bitayan na ang isang lubid na
nakasilo sa leeg ng bibitayin ay
napipilipit ng isang pamihit sa likod ng
bibitayin hanggang mamatay sa sakal
•Kubyerta – bahagi ng bapor
•Pagtutsada – pagmumura nang may
paghamak
Talasalitaan
•Panukala – mungkahi, balakin
•Paring regular – uri ng pari, kasama sa orden o
korporasyon
•Paring sekular – uri ng pari, karaniwa’y Pilipino
na walang kinasasapiang samahan o orden
•Tandisan – tuwiran, harapan
•Tikin – mahabang payat na kawayan na
ginagamit sa pagpapatakbo ng sasakyang-
pantubig sa pamamagitan ng mga bisig
•Uldog – pari, prayle
Naglalayag sa ilog Pasig ang Bapor Tabo isang
umaga ng Disyembre. Patungo ito sa Laguna at
lulan sa ibabaw ng kubyerta sina Don
Custodio, Ben Zayb, Donya Victorina, Kapitan
Heneral, Padre Irene, Padre Salvi, at Simoun.
Mataas ang tingin ng mga tao kay Simoun
dahil na rin alam nila, lalo na ng mga tao sa
Maynila, na naiimpluwensiyahan nito ang
Kapitan Heneral.
 Dahil sa kabagalan ng bapor habang sila’y
naglalakbay ay napag-usapan sa ibabaw ng
kubyerta ang pagpapalalim ng ilog Pasig.
 Sa kanilang usapan ay iminungkahi ni Simoun
na gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa
lawa ng Laguna at sa look ng Maynila.
Nagkasagutan sila ni Don Custodio na isang
opisyal na konsehal at nagbigay ng solusyon na
kumbinsihin na lang diumano ang mga tao na
mag-alaga ng itik. Kinakain daw kasi ng mga itik
ang mga suso sa ilog. Sa ganitong paraan,
huhukayin daw ng mga tao ang ilog upang may
makuhang suso na kanilang ipapakain sa mga
alagang itik.
Ngunit hindi nagustuhan ni Donya Victorina ang
naturang suhestyon dahil nadidiri siya sa balot.

You might also like