Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Araling panlipunan

Pamahalaang sentral
BALIK-ARAL
ANO ANG
CONSEJO DE
INDIES? ANO ANG
RUBRIKS
3 PUNTOS- TAMA ANG MGA SAGOT AT MAY
PAGTUTULUNGAN
2 PUNTOS- TAMA ANG MGA SAGOT NGUNIT
MAY MGA KASAPI NA HINDI TUMULONG SA
GAWAIN
1 PUNTOS- TAMA ANG SAGOT NGUNIT MAY
MGA SALITANG MALI ANG BAYBAY AT MAY
PUNAN NG TAMANG SAGOT ANG MGA
PUWANG. PILIIN ANG TAMANG SAGOT SA
IBABA:
A. CUMPLASE B. ROYAL AUDIENCIA C.
VICE REAL PATRON
D. GOBERNADOR-HENERAL E. MIGUEL
LOPEZ DE LEGAZPI
F. DIEGO DE LOS RIOS
1. Ang ___________ ay kinatawan ng hari ng Spain
2. Bilang ______ , may kapangyarihan siyang magtalaga
ng mga opisyal sa simbahan.
3. Ang unang gobernador-heneral ng Pilipinas ay
si________________________.
4. Ang ______________ay karapatan ng gobernador
heneral na suspindihin ang anumang ipinag-utos ng hari
at ng Council of Indies batay sa pangangailangan ng
kolonya.
5. Ang kataas-taasang hukuman ng Pilipinas noong
panahong kolonyal ay ang
Takdang –aralin;
Basahin ang mga pahina 165-167 ng aklat
sa Araling Panlipunan at sagutin ang mga sumusunod
na tanong. Isulat sa kuwaderno ang mga sagot.
Ano ang ibig sabihin ng pamahalaang panlalawigan?
pamahalaang panglungsod? pamahalaang
pambayan? pamahahalaang pambarangay?
Itanong:
Ano-ano ang mga salitang kaugnay ng buwis?
Sino-sino ang inaasahang magbayad ng buwis?
Sa inyong palagay, bakit kaya kailangang magbayad ng buwis?
Saang opisina ba sa ating lugar maaari tayong magbayad ng
ating buwis?
Kailan pa nagsimula ang pagbabayad ng buwis? Mayroon na
rin ba nito sa panahon ng mga Espanyol?
Ang Tributo
Upang matustusan ang mga
pangangailangan ng pamahalaan,
ang mga Espanyol ay nagpakilala
ng sistema ng pagbubuwis sa
Pilipinas.Ang paniningil nito ay
nagsimula pa noong panahon ng
encomienda.
Ang tributo ay buwis na
binabayaran ng mga Pilipino na
nasa tamang gulang sa
pamahalaang Espanyol. Ang buwis
sa pagkamamamayan ay tinawag
na tributo.
Noong 1570, ang tributo
na sinisingil ay nasa walong
reales o isang piso.Itinaas ito sa
10 reales noong 1602 at sa 12
reales noong 1851. Ang isang
pamilya na binubuo ng ama,ina
at mga anak na menor de edad
ay nagbabayad ng isang buong
tributo.
Ang mga lalaki at babae na nasa
hustong edad ngunit walang asawa ay
nagbabayad ng kalahating
tributo.Maliban sa salapi, maaari ring
ibigay na tributo ang ginto, tela, bulak,
palay, manok, at iba pang produkto.
Hindi mabilang ang mga buwis
na sinisingil ng pamahalaang Espanyol
sa mga Pilipino.Ang perang nalilikom,
sabi nila ay para sa pagpapaunlad ng
pamayanan.Ang iba ay gugulin sa
pamamahala.
Maraming Pilipino ang tumutol sa
pagbabayad ng tributo dahil na rin sa
pang-aabuso ng mga encomendero na
lumilikom nito. Kapag walang ibabayad
na salapi, sapilitang kinukuha ang
kanilang mga produkto o binabayaran
ang mga ito sa mababang halaga.
Dahil sa mga pang-aabuso sa paraan ng
paniningil ng buwis, binago ito noong 1885 at
ipinakilala ang cedula personal bilang resibo sa
pagbabayad ng buwis. Ipinag-utos na lahat ng
mamamayang may edad 18 pataas ay may
tungkuling kumuha ng cedula. Mayroon namang
hindi nagbabayad ng buwis gaya ng biyuda ng mga
opisyales na Espanyol, cabeza de barangay, pari,
madre, at mga kawal ng pamahalaan.
Pagsusuri : “Story Map”
Ipabuod ang sistemang tributo sa
panahon ng Espanyol sa Pilipinas.
Isulat ang sagot sa loob ng mga
kahon. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon ng pagpipilian.
Pagpipilian:
~Ang sistemang Espanyol ay nagpakilala ng sistema ng pagbubuwis
sa Pilipinas.
~ Upang matustusan ang pangangailangan ng pamahalaan.
~ Paglikom ng walong reales sa mga mamamayan ,itinaas sa 10
reales noong 1602 at 12 reales noong 1851.Nahirapan ang mga
mamamayan sa mga sinisingil na buwis.
~ Lubhang mahigpit ang mga Espanyol sa paniningil ng buwis dahil
hindi maaaring pumalya sa pagbabayad ang mga katutubo.
~ Nagkautang ang mga katutubo sa mga encomendero,nawalan ng
ari-arian kaya marami ang nag-alsa laban dito
Paghahalaw

Ano ang
tributo?
Ang tributo ay
buwis na ibinabayad
sa pagkamamamayan.
Pagtapatin ang titik na nasa hanay B na inilalarawan sa
hanay A.
A B
1. tributo a. nangongolekta ng tributo sa mga
katutubo

2. reales b. ipinalit sa pagbabayad ng tributo


3. cedula c. buwis sa pagkamamamayan
4. encomendero d. katumbas ng piso noon
5. pag-aalsa e. naging tugon ng katutubo sa tributo
Pagtataya
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang sagot sa patlang na
nakalaan sa bawat patlang.
____1. Ito ang ibinabayad ng isang
pamilya na binubuo ng ama, ina at mga
anak na menor de edad.
_____2. Ipinalit sa tributo
______3. Katumbas ng isang piso sa
panahon ng Espanyol.
______4. Buwis na ibinabayad sa
pagkamamamayan.
______5. Anong taon naging 12
reales ang tributo na sinisingil?
Kasunduan
Magtanong sa inyong magulang
kung papaano sila magbayad ng kanilang
buwis ngayon at kung para saan ang
ibinabayad nila. Ihambing ito sa uri ng
pagbabayad ng buwis noon sa ilalim ng
pamahalaang Espanyol.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

-Ma’am Crisse-

You might also like