Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Aralin 4:

Naiibang Mundo
Paggamit ng Sitwasyong Pinaggamitan
Upang Malaman Ang Kahulugan ng mga
Salita

May mga salitang may higit sa isang


kahulugan. Natutukoy ang kahulugan nito
ayon sa sitwasyong pinaggamitan nito
HALIMBAWA
puwesto
1. Siya ang nanalo ng unang puwesto sa pagtakbo
 katayuan sa isang paligsahan
2. Malaki ang puwesto nila sa palengke
 pook na kinatatayuan
3. Mataas pala ang puwesto ng kanyang ama sa opisina
 tungkulin, trabaho
HALIMBAWA
magulan
1. Magulang na ang papaya. Puwede na ito kainin.
 hinog na
2. Mag-ingat ka sa taong magulang.
 tuso
3. Igalang natin ang ating mga magulang.
 ama o ina
HALIMBAWA
tama
1. Hindi tinanggap ng ina ang tama ng anak sa sugal.
 panalo
2. Muntik na siyang namatay. Ang tama ng bala ay malapit
sa kanyang puso.
 naasinta o nasapol ang target
3. Mabuti at tama ang mga sagot ko sa pagsusulit.
 wasto
Sagutan ang
Pagsasanay B sa
pahina 52
Pagsunod sa nakasulat na Panuto

Ang mga panuto ay nagsasabi ng dapat


gawin. Maaaring ito ay binubuo ng isa o
higit pang hakbang. Higit na madalai sundin
ang nakasulat na panuto kung ito ay
uunawaing Mabuti.
1. Gumuhit ng parihaba.
2. Isulat sa loob nito ang pangalan ng
kalaro ni Allen. Gamitin ang
malalaking letra.
3. Dagdagan ng malaking letrang T ang Basahin at
hulihan ng iyong sagot. sundin ang
4. Gumuhit ng isang bilog sa kanan ng mga
iyong iginuhit na parisukat. nakasulat na
5. Iguhit sa loob nito ang larawan ng panuto
isang robot.
Paggamit ng Indeks ng Aklat

Ang indeks ay bahagi ng aklat na makikita


sa gawing hulihan nito. Mababasa rito ang
talaan ng mga paksang tinalakay sa aklat
at pahinang katatagpuan ng mga ito.
Nakaayos ang mga ito ng paalpabeto.
Sagutan ang
Pagsasanay sa
pahina 54
Panghalip
Panao
Ang panghalip ay bahagi ng
pananalitang ginagamit na
panghalili sa mga pangngalan
upang maiwasan ang madalas
na pag-uulit ng mga ito. Mayroon
itong tatlong panauhan.
Unang Panauhan

Ito ang mga panghalip na


panaong ginagamit na panghalili
sa ngalan ng/ng mga tao na
nagsasalita.
Ikalawang Panauhan

Ito ang mga panghalip na


panaong ginagamit na panghalili
sa ngalan ng/ng mga taong
kausap.
Ikatlong Panauhan

Ito ang mga panghalip na


panaong ginagamit na panghalili
sa ngalan ng/ng mga taong
pinag-uusapan.
Tulad ng mga pangngalan. May
tatlong kailanan ang mga
panghalip panao. Ito ay isahan,
dalawahan, at maramihan.
Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan
tayo, kami,
Una ako tayo, kami
kita, kata
Ikalawa ikaw, ka kayo kayo
Ikatlo siya sila sila
Ang kailanan ay naaayon sa bilang ng
pangngalang hinahalinhinan

Ang mag-asawa ay nagtitinda ng mga prutas.


Sila ay maagang gumigising araw-araw. (dalawahan)

Ang mga tao ay maraming prutas na binibili.


Sila ay suki ng mag-asawa. (maramihan)
Ang panghalip na panaong kata ay
nangangahulugan ng ako at ikaw.

Tutulong kata sa kanyang proyekto.


(Ako at ikaw ay tutulong sa kanyang proyekto.)
Ang panghalip na panaong kita ay
nangangahulugan ng ko at ikaw.

Tutulong kita sa iyong ginagawa.


(Tutulungan ko ikaw sa iyong ginagawa.)
Panghalip na
Panaong Paari
Ang panghalip na panaong paari
ay bahagi ginagamit na
panghalili sa ngalan ng /ng mga
taong nagmamay-ari. Ito ay
mayroong tatlong panauhan.
Unang Panauhan

Ang mga panghalip na paari ay


ginagamit na panghalili sa
ngalan ng/ng mga nagmamay-
aring nagsasalita.
Ikalawang Panauhan

Ang mga panghalip na paari ay


ginagamit na panghalili sa
ngalan ng/ng mga nagmamay-
aring kinakausap.
Ikatlong Panauhan

Ang mga panghalip na paari ay


ginagamit na panghalili sa
ngalan ng/ng mga nagmamay-
aring pinag-uusapan.
Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan
atin, natin, atin, natin,
Una akin, ko
amin, namin amin, namin
Ikalawa iyo, mo inyo, ninyo inyo, ninyo
Ikatlo kanya. niya kanila, nila kanila, nila
Ang kailanan ay ng panghalip napanaong paari ay
batay rin sa kailanan ng panghalip ng taong
pinalitan

Ang mga magulang ng magkapatid ay patay


na.
Ang mga magulang nila ay patay na.
(dalawahan)
Ang kailanan ay ng panghalip napanaong paari ay
batay rin sa kailanan ng panghalip ng taong
pinalitan

Nagtulong-tulong ang mga kamag-anak ng


magkakapatid.
Nagtulong-tulong ang mga kamag-anak nila.
(maramihan)
Ang kailanan ay ng panghalip napanaong paari ay
batay rin sa kailanan ng panghalip ng taong
pinalitan

Ang pagkakaibigan nina Allen at Robo ay


naiiba.
Noon pa nagsimula ang pagkakaibigan nila.
(dalawahan)
Ang kailanan ay ng panghalip napanaong paari ay
batay rin sa kailanan ng panghalip ng taong
pinalitan

Ang damdamin ng mga bata ay madalas na


madaling makita.
Nakikita ito sa kanilang mga mukha.
(maramihan)

You might also like