Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 20

FILIPINO SA IBA’T IBANG

DISIPLINA

G. Roy D. De Vera
Pag-usapan:

“Ano ang itinuturing na


wikang Pambansa ng
Pilipinas”
Pag-usapan:

“Ilan ang naging


wikang Pambansa ng
Pilipinas”
Module 1:

Kalikasan ng Wikang
Filipino Bilang Wikang
Pambansa
Kalikasan ng Wikang Filipino
Bilang Wikang Pambansa
• Artikulo VIV, seksyon 6 - isinaad dito na
ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa
iba pang wika.
Kalikasan ng Wikang Filipino
Bilang Wikang Pambansa
Idekonstrak natin ang probisyong ito.
•1. Malinaw kung ano ang itatawag sa
wikang Pambansa ng Pilipinas at ito ay
Filipino.
•2. Ito ay isang Wikang nasa proseso pa rin
ng paglilinang.
Kalikasan ng Wikang Filipino
Bilang Wikang Pambansa
• 3. May dalawang saligan ng
pagpapayabong at pagpapayaman sa
wika at ito ay:
a. ang umiiral na wika sa ating bansa o
ang mga dayalek
b. Iba pang mga wika o ang mga wikang
dayuhan na nakaimpluwensiya/
nakaiimpluwenaiya sa ating kabihasnan
tulad ng Ingles, kastila, Intsik at iba pa.
• Nobyembre 9, 1937- Ang Surian ng
Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang
resolusyon na noo'y ipinahahayag na ang
Tagalog ay siyang halos lubos na
nakatutugon sa mga hininhingi ng Batas
ng Komonwelt Blg. 184, kaya't itinagubilin
niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay
pagtibayin bilang saligan ng wikang
pambansa.
• Disyembre 30, 1937- Pangulong
Quezon- ipinahayag na ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas na batay Sa
Tagalog.
• Agosto 13, 1959 - Pinalalabas ng
Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na
kailan ma't tutukuyin ang Wikang
Pambansa, ang salitang PILIPINO ay
siyang gagamitin.
• Tagalog- ginawang saligan ng Wikang
Pambansa sa dahilang ito'y nahahawig sa
maraming wikain sa bansa.
• Marso 16, 1971 - Nilagdaan Ni Pres.
Ferdinand E. Marcos ang kautusang
Tagapagpaganap Blg. 304 na
nagpapasubali sa Surian ng Wikang
Pambansa at nililiwanag ang kanyang
mga kapangyarihan at tungkulin.
• 1987- Sa Artikulo XIV, Sek. 9 ng
Konstitusyong 1987 isinasaad: Dapat
magtatag ng Kongreso ng isang Komisyon
ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at
mga desiplina magsasagawa, mag -
uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at iba pang mga
wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili.
• Sa Deskripsiyan ng KWF - ipinagdidiinan
na ang wikang Filipino ay buhay at dahil
nga buhay ito ay dinamiko.
• Totoo namang nanghihiram ang wika natin
sa mga di katutubong wika o mga wikang
dayuhan lalo na para sa mga konseptong
walang direktang katumbas sa ating wika.
Sa panghihiram ng wika ay inaari na rin
natin ang salitang hiniram na maaaring
nang walang pagbabago o may
pagbabago sa baybay. Mas akmang
gamitin ang salitang
Salitang Hiram
Ingles Pranses Intsik Latin Kastila

kompyuter tsuper pansit aquarium silya

Taxi kudeta lomi gymnasium libro

Modus
Fax siopao kubyertos
operandi

cellphone sibuyas
• 5,000 - salitang hiram sa Kastila;1,500 -
Sa Ingles; 1,500 sa Intsik; at 3,000 sa
Malay.

• Paglalapi At Pagtatambal - Ayon sa


Surian ng Wikang Pambansa, lamang daw
ang Tagalog sa pamamagitan nito.
• Noong 1996 (Pormal na deskripsiyon ng
FILIPINO bilang wikang pambansa.)
• Sa Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang
Filipino ay ganito ang batayang deskripsiyon ng
Filipino: Ang Filipino ay katutubong wika na
ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad
ng iba pang wikang buhay. Ang Filipino ay
dumaraan sa propeso ng paglinang sa
pamamgitan ng mga panghihiram sa mga wika
sa Pilipinas at mga at mga di katutubong wika at
ebolusyon ng ibat ibang barayti ng wika sa ibat
ibang saligang sosyal.At para sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag.
Gawain: Ipaliwanag ang mga sumusunod na
katanungan
1. Paano mailalarawan ang Kalagayan ng
wikang Filipino bilang wikang Pambansa, wika ng
bayan, at wika ng edukasyon.
2. Paano naiuugnay ang pagpapalakas ng
wikang Pambansa sa pagpapatibay ng kolektibong
identidad at pagkakamit ng pambansang
pagkakaisa at kaunlaran?
3. Paano ka makapag -aambag sa
pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng
makabuluhan at nakaayon sa pangangailangan ng
komunidad at bansa?

You might also like