Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Eksepsiyon at

Kabawasan ng
Pananagutan
1. Paglalayon
Kasama ba sa ninanais ang
kinalabasan ng isang makataong
kilos? Nasa sa kaniya ang kapanagutan
ng kilos kung sa kabuuan ng
paglalayon ay nakikita ng tao ang isang
masamang epekto ng kilos.
Halimbawa. Gusto mong gumanti sa nakaaway
mong kaklase. Naisip mong patirin siya
pagbaba niya sa hagdan. Ngunit naisip mo,
paano kung mahulog at mabagok ang
kaniyang ulo? Pero dahil gusto mong gumanti,
itinuloy mo ang iyong plano. Nagpapakita ito
na may paglalayon. (Huwag na huwag mo
itong gagawin sapagkat mali ito.)
2. Pag-iisip ng paraan na
makarating sa layunin.
Ang pamamaraan ba ay tugma sa
pag-abot ng layunin at hindi lamang
kasangkapan sa pag-abot ng naisin?
Dito ay ginagamit ang tamang
kaisipan at katuwiran.
Halimbawa. Gusto mong magpabili
ng bagong cellphone sa iyong
tatay.
Naisip mo na para maibili ka ay
magpapakabait ka at gagawin mo
ang mga gawaing bahay at mga
iniuutos niya
3. Pagpili ng pinakamalapit na
paraan.
Sa puntong ito, itatanong mo: Nagkaroon ba ng
kalayaan sa mga opsiyon na pagpipilian o pinili
lamang angmas nakabubuti sa iyo na walang
pagsasaalang-alang sa maaaring epekto nito?
Iniwasan mo ba ang pagpipilian/opsiyon na mas
humihingi ng masusingag-iisip? Ang lahat ba ay
bumabalik lamang sa pansariling kabutihan na
hindinagtataguyod ng kabutihan ng iba
Halimbawa. Gusto mong makakuha ng mataas na
marka ngayong taong
panuruan. Sa halip na pag-aralan at gawin ang
mga gawaing pagkatuto nang mag-isa upang mas
matuto, ay pinagawa mo ang mga ito sa iba (sa
iyong tutor).
(Tandaan na hindi ito tama. Makabubuting ikaw
mismo ang gumawa ng mga gawain sa iyong
modyul.)
4. Pagsasakilos ng paraan.
Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong
nagpapalakas ng isang makataong kilos
upang maging tunay na mapanagutan. Ang
pagkilos sa pamamaraan ay ang paglalapat
ng pagkukusa
na tunay na magbibigay ng kapanagutan sa
kumikilos.
Halimbawa. Kung ating ipagpapatuloy
ang naunang halimbawa, sa
kagustuhan mong makakuha ng mataas
na marka ay itinuloy mo ang
pagpapasagot ng iyong mga modyul sa
iyong tutor kahit na alam mong ito ay
pandaraya at hindi mabuti. (Mag-isip at
isakilos ang tamang paraan. Huwag
itong tularan.

You might also like