Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Ang DULA ay isang uri ng panitikang ang

pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Ayon


kay Arrogante (1991), ang dula ay isang
pampanitikang panggagaya sa buhay upang
maipamalas sa tanghalan. Sa pamamagitan ng
dula, nailalarawan ang buhay ng tao na
maaaring malungkot, masaya, mapagbiro,
masalimuot at iba pa.
Naging mayabong ang dulaan sa bansa ng
dumating ang mga Espanyol. Naipakilala nila sa
atin ang iba pang uri ng dula partikular ang mga
dulang panlasangan at pantanghalan. Ilan sa mga
nakilalang dulang panlansangan sa bansa na
laganap pa rin sa kasalukuyan ay ang Tibag,
Senakulo, Panunuluyan, Moriones, at
Santakrusan.
Ang mababasa mong kuwento ngayon ay isang dula
ng mga Mëranao. Ang mga tao sa Marawi ay tinatawag na
Maranao (Mëranao o Maranaw) at nagsasalita nang sarili
nilang lengguwahe (Maranao language). Ang siyudad ay
tinatawag ding “Summer Capital of the South” dahil ang
kinalalagyan nito ay nasa taas at kalamigan ng kanyang
klima. Ito ay tinaguriang mga tribong nasa timog. Ang
kahulugan ng Maranao ay “People of the lake” o “Mga
tao sa ragat”. Kilala sila na rehiyon ng mga Muslim sa isla
ng Mindanao. Ang Maranao ay parte ng mas malawak na
katutubong grupo ng Moro.
Kung bibigyan ka ng pagkakataong humiling ng
isang bagay para sa iyong buhay, ano ang
hihilingin mo?
Mga tauhan:
 Lokus a Mama - ang ama ni Bagoamama; asawa ni Lokus a
Babae
 Lokus a Babae - ang ina ni Bagoamama; asawa ni Lokus a
Mama
 Bagoamama - anak nina Lokus a Mama at Lokus a Babae
 Mahiwagang Tandang - ang manok na nagsasalita at may
angking hiwaga
 Sultan Abdullah - ang sultan ng Kahariang Agamaniog
 Reyna Aliah - ang reyna ng Kaharian ng Agamaniog
 Sabandar - isa sa dalawang pinagkakatiwalaang
mangsasangyaw ng sultan
 Kanankan - isa sa dalawang pinagkakatiwalaan
mangsasangyaw ng sultan
• Guwardiya 1 at 2 - mga bantay ng palasyo
• Bata 1 at 2 - mga kalaro ni Bagoamama sa
palasyo
• Dama 1 at 2 - mga alalay ng reyna at ng sultan
• Mga Mandirigma - magigiting na kawal ng
sultan
Taumbayan 1, 2, 3, 4, 5, at 6 - mga mamamayan ng
Kahariang Agamaniog Korong Babae - pangkat ng
kababaihang tagapagsalaysay, set at props ng dula
Korong Lalaki - pangkat ng kalalakihang
tagapagsalaysay, set at props ng dula
Sagutin ang mga sumusunod na pamprosesong tanong
1. Anong magandang katangian ang ipinakita ni Lokus a Babae
nang magkasakit si Lokus a Mama? Paano ipinakita sa bahaging
ito ang kabutihan niya at malalim na pananampalataya?
2. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Lokus a Babae na ang kahirapan
ng kanilang mag-anak ay kagustuhan ni Allah? Patotohanan ang
iyong sagot.
3. .Maganda ba ang paraang naisip ni Bagoamama upang
makatulong sa kanyang magulang? Bakit oo o bakit hindi ang
iyong sagot?
4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Bagoamama, susundin
mo ba ang lahat ng sinabi ng Tandang? Ipaliwanag ang sagot.
5. Ano-ano ang mahahalagang aral sa dulang iyong nakuha?
Magbanggit kung paano mo ito isasabuhay.
PA-TOTOO-HANAN MO!
Panuto: Buoin mo ang pahayag na nasa ibaba upang
maipakita ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari na
mula sa binasang dulang “Ang Mahiwagang Tandang.”
1. Mabuting ama at asawa si Lokus a Mama dahil…….

2. Naging Mabuti si Sultan Abdullah sa mag-ina sapagkat…..

3. Natupad ang pangarap ni Bagoamama dahil,……


Tandaan na kapag sinabing KATOTOHANAN ay kaugnay
ng prinsipyo ng katumpakan, katamaan, katunayan, katiyakan,
katapatan, kataimtiman, at mabuting paniniwala. Katumbas din
ng salitang totoo ang terminong matimyas. Ito ang kabaligtaran
ng katagang kasinungalingan. Kadalasan din ginagamit ang
katotohanan upang ipakahulugan ang isang pagpapalagay na
kaisa ng katunayan o realidad, o katumpakan sa isang orihinal o
pamantayan. Minsan din na binibigyan kahulugan ang
katotohanan sa makabagong konteksto bilang isang ideya ng
"totoo sa sarili", o autentisidad.

You might also like