Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 55

PANUTO: Kilalanin ang uri ng balitang tinutukoy ng bawat pamagat.

Piliin ang sagot sa


loob ng kahon. Titik lamang ang isulat sa patlang.
a. Pampalakasan d. Edukasyon g. Panlokal
b. Pandaigdigan e. Panlibangan h. Pangkabuhayan
c. Pampolitika f. Pambansa i. Pangkalusugan
1. Kongreso at Senado Kinansela ang Renewal ng Prangkisa ng ABS-CBN
2. DOH nagdeklara ng Code Red sa Pilipinas, Kaso ng COVID-19 Mas Dumami
3. AGT Champions of the World, Itinanghal na 3rd Placer si Marcelito Pomoy
4. Green Nanguna sa Warriors, Inilampaso ang Cavalier sa 110-90
5. Kongreso ng China Nagbaba ng Batas sa Pagbabawal ng Pagkain ng Ilang na mga Hayop
6. #WalangKuryente: Ilang Lugar sa Danao Mawawalan ng Kuryente sa Abril 21-22
7. Libreng College Tuition Fee Ipinatupad ng CHED
8. Halaga ng Piso Mas Lumakas sa Pagsisimula ng 2023
9. Pangulong Duterte Nagbaba ng Travel Ban sa mga bansa ng China, Hong Kong at Macau
10. Lihim na Pagsuporta ng Armas ng China sa Russia Bistado; Impormasyon ng Pentagon
Lumabas
KORIDO
Ano ang Korido?
Isang genre ng panitikan na nasa anyong patula
Mula sa salitang Espanyol na CORRER, ibig sabihin
ay dumadaloy
Mula rin sa salitang Indo-European na CURRERE,
ibig sabihin ay pinag-ugatan
KORIDO
Ang korido ay isang uri ng panitikang pilipino, isang uri
ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga
Espanyol.

Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may


apat na linya sa isang saknong.
KORIDO
Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng
pakantang pagpapahayag ng mga tula.

Ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa


pangromansa.
KORIDO
Ayon kay Trinidad H. Pardo de Tavera:

“Ang korido ay kuwentong nasa berso ukol sa makasaysayang

pangyayari; trahedyang pag-ibig puno ng kahanga-hangang

insidente, sinamahan ng pananampalataya, alamat at kagila-gilalas

o kababalaghang na pangyayari at kamahinawaring madyik.”


KORIDO
Ang KORIDO ay isang salaysay tungkol sa pakikipag-ibigan at
pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punong-
puno ng kababalaghan.

Ang AWIT naman ay isang salaysay patungkol sa pakikipag-ibigan


at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan ay walang sangkap
na kababalaghan.
Mga Elemento ng Korido:

Ang matimyas na pag-iibigan

Ang relihiyosong paniniwala

Ang kagila-gilalas o pantastikong pangyayari


PAGKAKAIBA NG AWIT AT KORIDO
JOSE DELA CRUZ
Binigyan ng karangalang ”Hari ng mga Makata” sa

Katagalugan

Isinilang siya sa Tondo, Maynila noong Disyembre

20, 1746
JOSE DELA CRUZ
Kinilala siya sa kahusayang sumulat ng mga tula

Marami ang nagpaturo sa kanya ng pagtutugma

ng mga salita
HUSENG SISIW
Ikinapit sa kanya ang taguring “Huseng Sisiw: dahil

kung may nagpapagawa sa kanya ng patulang

liham ng pag-ibig, ang hinihingi niyang kabayaran

ay sisiw.
HUSENG SISIW
Ayon kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo

umano kay Francisco Balagtas kung paano

sumulat ng tula.
KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA

“CORRIDO AT BUHAY NA
PINAGDAANAN NANG TATLONG
PRINCIPENG MAGCACAPATID NA
ANAC NANG HARING FERNANDO
AT DONYA VALERIANA SA
CAHARIANG BERBANIA”
KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA

Ang Ibong Adarna ay isang halimbawa


ng koridong isinulat ni Jose dela Cruz na
mas kinilala sa taguring Huseng Sisiw noong
panahon ng Kastila na ngayon ay bahagi na
ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino.
KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA

Ang koridong Ibong Adarna ay

binubuo ng 1,056 saknong umabot

ito sa 48 pahina.
KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA
Sinabi ni Santillan Castrence (1940), na ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay
maaaring hango sa kuwentong bayan ng iba’t ibang bansa, tulad ng Alemanya, Denmark,
Romania, Austria, Finland, Indonesia, at iba pa. Taglay ng Ibong Adarna ang karaniwang
takbo ng kuwento na matatagpuan sa mga kuwentong bayan. Ito’y ang mga sumusunod:
maysakit ang ina, (isang reyna) isang ama (isang hari), at kailangang ng isang mahiwagang
bagay upang gumaling. Tulad ng ibong umaawit, tubig ng buhay, halaman, at iba pa.
Maglalakbay ang tatlong anak ngunit ang bunso ang magtatagumpay (dahil matulungin) na
makuha ang makalulunas na bagay sa tulong ng matandang ermitanyo. Pagtutulungan siya
ng nakatatandang mga kapatid upang agawan ng nakuhang ibon.
KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA
Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila
sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na “Corrido at
Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng
Magkakapatid na Anak nang Haring Fernando at ng
Reina Valeriana sa kahariang Berbanya”. May mala-
epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna
na tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at
kababalaghan.
KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA
Nakasentro ang kwento sa Adarna, isang ibon na
nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na
nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa
sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din
ang kwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang
prinsipe ng Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap
sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain at
pakikipag-ibigan kina Donya Maria at Donya Leonora.
KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA
Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang bahagi ng
Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas. Ito'y
tulad din ng Bernardo Carpio na nagmula sa alinmang bansa sa Europa. Sa
pananakop ng mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating sa Mehiko at di
nagkalaon ay nakaabot sa Pilipinas. Kung titingnan, ang Ibong Adarna ay
maituturing na kwentong bayan sapagkat hindi tiyak kung sino talaga ang totoong
umakda nito. Nang isalin sa Wikang Tagalog ang naturang korido, ipinagpapalagay
na ganito ang mga nangyari.
KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA
Sapagkat hindi nga tiyak kung sino talaga ang
totoong may-akda ng korido, pinili na lamang ng
nakararaming tagapagsalin na huwag ng isama ang
kanilang pangalan sa pagpapalimbag.
KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA
Nagsimulang maging popular ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang
ito'y isalin sa katutubong wika. Ang bawat kopya ng akdang ito ay
ipinagbibili sa mga perya na karaniwang nagpapalipat-lipat sa mga
bayang nagdiriwang ng pista. Marami ang hindi marunong bumasa
kaya't iilan lamang ang mga kopyang napalimbag. Sa kabutihang-palad,
di nagtagal ay itinanghal na ito sa mga entablado tulad ng komedya o
moro-moro.
KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA
 Walang tiyak na petsa kung kailan isinulat ang
tula.
 Hindi rin alam kung sino ang sumulat ng akda.
 May ilang naniniwalang si Jose dela Cruz o
Huseng Sisiw ang nagsulat nito, ang makatang
nagturo kay Francisco “Balagtas” Baltazar
kung paano tumula.
KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA
 Isa itong salaysaying-bayan dahil ito ay

pasalindila hanggang sa ito ay naging bahagi na

ng ating Panitikang Pilipino.

 Sa Bundok Tabor, nananahan ang mahiwagang

ibon ( Har Tavor) “Mt. of Transfiguration”


KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA
 Mula sa Kanluran (west)
 Ang BUNDOK TABOR ay matatagpuan o
makikita sa Silangang (east) bahagi ng
Jezreel Valley, 11 milya (17km) ng
kanluran (west) ng Sea of Galilee. 1,843
talampakan (feet) (575m) ang taas (high)
KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA
 PIEDRAS PLATAS – isang
pambihirang puno na
matatagpuan sa Mt. Tabor na
kung saan dito nananahan ang
Ibong Adarna.
KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA
Mga Mahahalagang Numero o bilang na mababasa sa Ibong Adarna:

• 7 Pitong Kulay ng Ibong Adarna at 7 Pitong


Awit
• Unang Awit: Perlas
• Ikalawang Awit: Kiyas
• Ikatlong Awit : Esmaltado
KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA
Mga Mahahalagang Numero o bilang na mababasa sa Ibong Adarna:

• Ikaapat na Awit: Dyamante


• Ikalimang Awit: Tinumbaga
• Ikaanim na Awit: Kristal
• Ikapitong Awit: Karbungko binanggit sa
Ibong Adarna
KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA
Mga Mahahalagang Numero o bilang na mababasa sa
Ibong Adarna:

• 3 Prinsipe (Don Juan, Don Diego, Don Pedro)


• 3 Matanda/Ermitanyo (Matandang Leproso,
Ermitanyo 1, Ermitanyo 2)
• 7 dayap na hinog
• 7 ulo ng Serpyente
KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA
• 3 bote ay ginamit pinansalok ng tubig sa Ilog Jordan
• 3 taong naglakbay patungo sa Reyno delos Cristales
si Don Juan
• 5 buwang paghahanap at naglakad patungo sa Reyno
de los Cristales
• 7 bundok ang binagtas ni Don Juan

• 7 dusa at 7 hirap ni Don Juan


KALIGIRANG KASAYSAYN NG
IBONG ADARNA
Hinalaw ang Ibong Adarna, at isinapelikula,
isinalin sa dulang panradyo, teatro, sayaw, at sa
kung ano-ano pang pagtatanghal. Pinakialaman
din ng kung sino-sinong editor ang nasabing
korido pagsapit sa teksbuk, at ang orihinal na anyo
nito ay binago ang pagbaybay at isinunod ayon sa
panlasa o paniniwala ng editor at publikasyon.
MGA
TAUHAN
IBONG ADARNA
• Ang makapangyarihang ibon na

nakatira sa puno ng Piedras Platas na

matatagpuan sa Bundok Tabor.

Tanging ang magandang tinig niya ang

lunas sa karamdaman ng hari.


ANG MAGKAKAPATID NA PRINSIPE:

DON JUAN
• Siya ang makisig na bunsong anak nina

Haring Fernando at Reyna Valeriana.

Siya ang prinsipeng nakahuli sa Ibong

Adarna sa Bundok Tabor.


ANG MAGKAKAPATID NA PRINSIPE:

DON DIEGO
• Siya ang pangalawang anak nina

Hari Fernando at Reyna Valeriana.

Siya rin tumungo sa kabundukan

upang hanapin ang Ibong Adarna.


ANG MAGKAKAPATID NA PRINSIPE:

DON PEDRO
• Panganay na anak nina Haring
Fernando at Reyna Valeriana. Sya ay
nagtungo sa kabundukan upang
hanapin ang ibong
nakapagpapagaling sa karamdaman
ng amang hari.
DON FERNANDO
• Siya ang hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon

ng malubhang karamdaman

DONYA VALERIANA
• Siya ang kabiyak ni Haring Fernando at ang ina nina Don

Pedro, Don Diego at Don Juan


DONYA MARIA BLANCA
• Siya ang anak ni Haring Salermo na tunay na
inibig ni Don Juan. Sya ay nagtataglay ng
kakaibang mahika.

DONYA ISABELA
• Siya ang kapatid ni Donya Maria Blanca
na anak ni Haring Salermo.
DONYA LEONORA
• Siya ang magandang prinsesa ng Armenya na
nagpakita ng tunay na pag-ibig kay Don Juan.
Siya ang naging kabiyak ni Don Pedro.

DONYA JUANA
• Prinsesa ng kahariang Armenya na kapatid
ni Donya Leonora ang nakatuluyan ni Don
Diego.
ANG LEPROSO
• Matandang naninirahan sa Bundok Tabor,
isa sa mga tumulong kay Don Juan.

LOBO
• Alaga ni Donya Leonora na siyang
gumamot kay Don Juan sa kaharian ng
Armenya.
UNANG ERMITANYO
• Ermitanyong nagsabi kay Juan kung paano
hulihin ang Ibong Adarna at iligtas ang mga
kapatid.

ERMITANYONG UUGOD-UGOD
• Ang tumulong kay Don Juan upang manumbalik
ang kanyang lakas matapos siyang pagtaksilan ng
kanyang mga kapatid.
HARING SALERMO
• Ang hari ng Kahariang Reyno delos
Cristales na nagbigay ng matinding
pagsubok kay Don Juan. Sya ang ama ni
Donya Maria Blanca.

ARSOBISPO
• Ang humatol na dapat ikasal sina Donya
Leonora at Don Juan.
ANG HIGANTE
• Ang may bihag at nagbabantay kay Donya
Juana.

SERPYENTE
• Malaking ahas na pito ang ulo na
nagbabantay kay Donya Leonora.
MGA TAGPUAN
 BUNDOK TABOR
− dito naninirahan ang Ibong Adarna
 BERBANYA
− Kaharian ni Haring Fernando
 BUNDOK ARMENYA
− nanirahan si Don Juan
MGA TAGPUAN

 MAHIWAGANG BALON

− may kaharian ng dalawng magkapatid na prinsesa

 REYNO DELOS CRYSTAL

− Kaharian ni Maria Blanka at Haring Salermo


ANG
BANGHAY
NG
KUWENTO
PANIMULA
Ang Berbanya ay isang mayamang kaharian. Doon naninirahan ang
pamilya ni haring Don Fernando. Nagkasakit siya, at ang tanging lunas sa
karamdaman niya ay ang tinig ng Ibong Adarna. Inutusan niya ang mga anak
na hanapin ang Ibong Adarna. Umuna si Don Pedro, ngunit nabigo at siya’y
naging bato, sumunod si Don Diego pero naging bato rin. Nang si Don Juan
na ang sumunod, may nakasalubong siyang matandang ermitanyo. Tinuruan
siya kung ano ang dapat gawin upang hindi maging bato at mabigo sa
pagkuha ng Ibong Adarna. Nang makuha na niya ito, pinuntahan na niya ang
PAPATAAS NA AKSIYON
Nang mailigtas na ang dalawang kapatid, at habang papa-uwi na

sila dala-dala ang ibon, naisipan nina Don Pedro at Don Diego na saktan

si Don Juan at hayaang mamatay sa daan. Nagising si Don Juan na puno

ng sugat sa katawan at dahil dito nagdasal siya ng mataimtim. Hanggang

sa natagpuan siya ng isang matandang ermitanyo at tinulungan siya na

mapagaling ang sarili. Nang makauwi na siya sa Berbanya, pinarusahan


PAPATAAS NA AKSIYON
Pinabantayan ng hari ang ibon sa mga anak, at hanggang sa isang
araw na habang nakatulog sa pagod si Don Juan sa pagbabantay sa Ibon,
pinakawalan ito ng kanyang mga kapatid at sinisi siya dahil dito. Dahil
doon, umalis si Don Juan sa Berbanya hanggang sa narating niya ang
mahiwagang balon ng Armenya.
Si Don Juan ay tinaksilan ng kanyang mga kapatid at hinayaan
hanggang siya ay mamatay sa pagkahulog sa balon na pasa- pasa ang
maraming sugat. Nagkita sila ng Ibong Adarna muli at binigyan ng
PAPATAAS NA AKSIYON
Ayon kay Don Juan, hinahanap niya ang kaharian ng Delos Cristal, ngunit
wala naman nakakaalam kung saan ito. Sinabi ng ermitanyo na magpunta siya sa
ikapitong bundok na kinaroroonan ng isang matandang ermitanyo at doo'y
magtanong. Nang makarating na siya sa matandang ermitanyo, tinanong niya kung
saan makikita ang kaharian ng Delos Cristal. Ngunit hindi din alam nito kung saan
matatagpuan iyon. Kaya’t tinanong ng ermitanyo ang kanyang mga alagang ibon at
isang agila. Sinabi ng agila kung saan matatagpuan ang kaharian. Laking tuwa ni
Don Juan dahil makikita na niya ang kaharian ng Delos Cristal at higit sa lahat si
Donya Maria Blanca na may higit na kagandahan. Sumakay si Juan sa likod ng agila
PABABANG AKSIYON
Ang kagandahan ni Donya Maria ay talagang kaakit-akit. At
nagsimula nang magbihis sila galing sa pagliligo ngunit hindi makita ni
Donya Maria ang kanyang damit, kaya siya nagalit. Tinuro niya ang mga
kabalyero na naging bato dahil hindi sila nakatupad sa iniatas ng kanyang
amang hari. Sinabi ni Maria kay Juan, Mamayang ika-lima, ang aking ama
ay magigising at ikaw ay makikita. Kapag tinanong ka kung ano ang sadya
mo dito. Sabihin mong hihingin mo ang kamay ng isa sa mga prinsesa.
Kapag niyaya kang pumanik sa palasyo ay tumanggi ka sapagkat
WAKAS
Natuklasan na ni Donya Maria ang kataksilan ni Don Juan dahil sa
gagawing pagpapakasal sa ibang prinsesa. Nag-alimpuyo sa galit ang
kanyang dibdib. Lulan ng karosang ginto, nagpanggap na emperatriz si
Donya Maria upang dumalo sa kasal nina Don Juan at Donya Leonora.
Nang dumating si Donya Maria na naka-bihis emperatriz, namangha ang
lahat. Maganda ang gayak ni Maria at litaw ang kanyang kagandahan.
Ang pakay niya ay pigilin ang pag- iisang dibdib ng dalawa. Malugod na
tinanggap ni Haring Fernando ang pagdalo ng emperatriz. Subalit hindi
WAKAS
Nakiusap si Donya Maria sa hari na bago ikasal sina Don Juan at
Donya Leonora ay magdaos muna ng munting palabas sa harap ng lahat. Sa
pamamagitan ng dula-dulaan ay nagawang isalaysay ng mga negrito at
negrita ang lahat ng pinagdaanang hirap ni Don Juan sa mga pagsubok na
ibinigay ni Haring Salermo. Pinalo ng negrita ang negrito at tinanong kung
naaalala nito ang mga ginawang pagtulong ni Donya Maria sa kanya sa
kaharian ni Haring Salermo na kanyang ama. Sa tuwing papalo ang negrita ay
hindi nasasaktan ang negrito kundi ay si Don Juan. Kaya naman, unti-unting
nagbalik ang mga alaalang nangyari sa kanila ni Donya Maria. Noon din ay
WAKAS
Sa bandang huli, muling bumalik ang alaala ni Don Juan at

humingi ng tawad. Nangako ito na hindi na muli magtataksil.

Matapos ang kaguluhan, sina Don Juan at Maria Blanca ay

ikinasal.

Ipinamana kay Don Diego at Prinsesa Leonora ang kaharian

You might also like